HINDI ko mapigilan ang ikot ng mga mata ko dahil sa sermon ni mommy sa kabilang linya, feel ko nga iyong mga sinasabi niya ay dumadaan sa kabilang tainga tapos lalabas naman sa kabila.
"Alyanna Jackie Morttish, are you listening?!" Alam kong galit na ngayon si mommy dahil tinawag niya na ang buong pangalan ko, huminga ako ng malalim at umangat ng tingin sa kanya sa ipad ko.
"I'm on my ears, mom." I answered while snoring, namumula ang pisngi at ilong nito.
Malamig ba talaga diyan sa India? kailan pa?
"Then tell me why did Jacob called me yesterday and told me that he's breaking up with you kasi sobrang cold at sungit mo sa kanya? ano na naman ang ginawa mong bata ka?"
Napakamot ako sa batok sabay iwas ng tingin, fuck that spoiled guy! pagkatapos niya akong pilitin na makitapaghalikan sa kanya ay gagawin ito sa akin?! how dare him!
"Mom, I tried being so kind for that spoiled Prince of France. Malay ko ba na kapag makipagdate pala ng tatlong beses ay ibig sabihin no'n ay payag akong makipagsex sa kanya? ew, fuck him. Tapos sabi niya ayaw niya sa peanut butter?! eh paborito ko iyon e. By the way, wala akong pakialam kahit anong sabihin niya kasi ang importante ay wala na kami at hindi na ako papatol ulit lalo na sa mga may lahing maharlika na walang ginawa kundi magpalaki ng lawit nila."
Mabilis ang pagkakasabi ko, hindi ko alam kung na sundan ba ni mommy pero dapat lang na malaman niya ang ginawa ng lalaking iyon.
Feeling gwapo, pumuti lang naman at matangos ang ilong pero hindi siya gwapo.
Basta!
"Oh my goodness, iha. Be careful with your words, baka marinig ka ng pamilya niya at malalagay sa panganib ang buhay mo. Sorry, I shouldn't push you to have a date with him when you are in France. Kinumusta kasi ako ng reyna na dati kong kaibigan, then I suddenly mentioned about you. I'm sorry wala akong nagawa ng panahon na iyon." Sambi niya, nakita ko ang pagsisisi sa kanyang mga mata at ang kalungkutan.
Hindi ako sumagot, inilibang ko ang sarili sa pag-aayos ng mukha ko para sa trabaho. Time check, it's already five in the morning.
"But iha, we talk about this. Your two siblings has their own now, ikaw na lang ang hinihintay ko. I can't just leave you like that lalo na at dalaga ka ulit, marami na naman ang hahabol sa iyo." Natigilan ako dahil sa sinabi niya, ano ba ang problema ni mommy? eh twenty five palang naman ako.
"Mom, I'm on my own now. Diba I promised na once wala na si daddy ay aalis ako, he's the one who's been caging me for almost eighteen years. Ngayon lang ako nagkasariling pakpak dito sa Pilipinas, pipigilan mo pa ba?"
Yes, that's right. Seven years palang ako sa Pinas, pero half Filipino kasi ang daddy ko; step-dad to be exact at isa sa mga personal lesson namin ang matuto magsalita ng limang wika at isa do'n ang Filipino.
"Whatever, by the way I will end this conversation for now. May meeting ako at hindi ko alam baka uuwi na rin ako ng France sa susunod na araw, bye anak!"
"Bye, mom." Mahina kong sagot pagkatapos niyang ibaba ang tawag, mahina akong napangisi nang binalot ulit ng katahimikan ang silid ko.
Ito ang gusto ko sa lahat!
Tumayo na ako at huminga ng malalim bago sinuot ang dress kong kulay dark blue, sleeveless ito kaya isinuot ko pa ang kulay puti kong amerikana na hanggang kalahati ng likod ko lang ang kahaba.
TIME CHECK it's already six in the morning, nakaupo na ako sa loob ng cafe habang hinihintay ang kliyente ng kompanya.
Sabi ni boss sa akin ay bigatin ang taong ito kaya mas mabuting gandahan ko ang pagtrabaho para close the deal kaagad, and if I close this deal ay may posibilisad na mapo-promote ako.
BINABASA MO ANG
Burning in Diamonds (COMPLETED)
Fiction généraleNo one could distract him from following pleasure to hell; not until she came. WARNING: MATURED THEME AHEAD