Kabanata Isa

3.1K 52 1
                                    

MATAPOS ang nakakapagod na trabaho ay iyon na naman ang ginawa ko kinabukasan, malamang alangan naman hindi ako papasok ng trabaho? edi mawawalan ako ng pera.

"Aly!" Isang malakas na sigaw ang bumungad sa akin, grabi bagong pasok palang ang ingay na! huminga ako ng malalim at hinubad ang coat na suot ko.

"Sabihin mo na lang sa akin iyan kapag good news, ayoko ng chismis o kahit na anong bad news d'yan dahil stress ako." Inunahan ko na siya, kapag kasi sumisigaw ng ganito si Glayza ay sigurado akong may chika siya o may masamang nangyari dito sa kompanya.

Well, wala ako sa mood dahil dalawang araw na ang nakalipas ay wala pa kaming natatanggap na balita mula kay Mendoza. Naku, paano kung hindi gumana ang manifest ko sa tiktok? ibig sabihin ay hindi ako mapo-promote.

"Hindi girl! sinasabi ko lang na pinapatawag ka ngayon ni boss. And guess what, nakita kong lumabas ang sekretarya ni Sir Mendoza," napatayo kaagad ako dahil sa kanyang tinuran.

"Talaga? is that mean na pumayag na sila?" Tango lang ang sinagot niya sa aking tanong, umawang ang labi kong tumakbo patungo sa opisina ng boss namin.

Wala akong sinayang na oras kaya naman mabilis akong pumasok sa loob ng opisina niya, kagaya ng parati nitong ginagawa ay nakaupo lamang ito sa upuan at nagbabasa ng daily report.

"Miss Morttish, I'm glad you came too early." Simula niya bago tumayo at kinuha ang isang folder, I bit my lower lip and fix myself as I smile at him.

"Good morning, sir." Sambit ko at ngiti lamang ang sagot niya, iginiya niya ako paupo sa bago nilahad sa akin ang kontrata.

"I never been meet a person like you, it was so seldom for a business tycoons to invest with our company. It always takes a lot of time, but after what you did, you just make me proud of you." Ani niya't may masilaw na ngiti sa labi, omg!

"Is that mean na pumayag si Mr. Mendoza?" Tanong ko, kunware nagtataka para mukhang humble ako.

"Yes! congratulations, miss." He announced that makes my heartbeat rose like a drum, napatayo ako at nakipagkamayan sa kanya.

"But also, you need to sign this contract for your promotion and also para magstay talaga ang binatang iyon sa atin." Inilahad niya sa akin ang isang kontrata, ano? bakit naman may paganito pa?

Huminga ako ng malalim bago iyon binuksan, what's with this? nakasulat dito na kailangan kong sumama sa construction site!? seriously? bakit ako?

"Naku, bakit pa boss? e' deal na iyon. Tsaka real talk lang po ah, ang suplado kaya no'n tsaka sobrang cold kaya nga isang himala na pumayag e. Tsaka, pwede po ba na iba na lang?" Pakiusap ko, mahinang tumawa ang matanda sabay ayos ng relo niya.

"That's also I wanna know, ano nga ba ang ginawa mo at bakit ikaw ang gustong makasama ni Mr. Mendoza? and take note, he hates girls the most but I think you're one of his exemption." He said that's makes me stopped, should I feel special? pero bakit feel ko ay gigisahin ako ng lalaking iyon.

"But if you don't like it, maybe I'll replace Danna and promote her?" Tanong niya na nagpabilog ng mga mata ko.

Danna? ang babaeng iyon? ano siya sinusuwerte pagkatapos niya akong ipahiya sa meeting no'ng nakaraang araw.

"No, tatanggapin ko iyon." I said without thinking, and with that my nightmares started.

TUNGANGA AKONG napatingin sa building na ginagawa, wala akong ibang trabaho kundi sumama at tumulong kay Mendoza at ang isang 'yon hindi man lang sinabi kung saan ko siya hahanapin.

Panay kamot lang ako sa ulo habang nakatingin sa paligid, ang ingay din dahil sa mga materyalis na ginagawa ng mga laborer nila.

"Excuse me, miss ganda." Tawag sa akin ng lalaki habang nakasablay sa balikat niya ang tatlong sako ng semento, umatras ako para bigyan siya ng daan at ng mga kasama niya.

Burning in Diamonds (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon