Kabanata Anim

2K 48 0
                                    

NAGISING ako nang maramdaman ang galaw ng isang tao malapit sa akin at sa tabi ko, when I opened my eye a white clean ceiling burst upon me. Giniya rin ng mga mata ko ang buong kuwarto, nasa malaking kwarto ako ng ospital.

"Wow it was so nice to finally see you opened your eyes," kumunot ang noo ko nang makita ko ang isang doktora na nasa tabi ko.

She smiled widely and write something in her board, kita ko ang kasiyahan sa mga mata niya.

"Is e-every. . . is everything f-fine?"

Nahihirapan kong tanong, kapag nagsasalita kasi ako ay parang mas humahapdi ang sugat na nakuha ko.

Speaking of sugat, what the fuck! bigla kong naalala na kaya ako nakahiga rito at napapapikit ng mariin ay dahil sa matandang iyon na sumaksak sa akin.

"No, everything is not fine. Iha, I am so grateful as a doctor. Kasi sa lagay mo na ito nagawa mo pa na magising, but then let's accept the bad news that after thirty minutes you will be saying bye-bye earth." Nalito ako dahil sa sinabi ng doktorang kaharap ko, seryoso ba ito? kinabahan ako dahil do'n.

Mamatay na ako!?

"Mamatay na po ako? pero bakit?" Wala sa sarili kong tanong, takot akong mamatay!

Wala pa akong nagagawa para sa sarili, huminga ng malalim ang doktor at dinamayan ako.

"I understand, iha. But then kasi na baguk ng malakas ang ulo mo sa kalsada nang matumba ka, subrang lalim din ng sugat mo that affect the one vien of your body connected to your heart and brain. So that's why, anyways just accept it. Ganyan talaga ang buhay." Sabi niya na kinalawak ng mga mata ko, parang hanggang ngayon ay hindi pa rin maproseso sa utak ko ang sinasabi niya.

The fuck!? I'm dying?! bakit ba ako kukunin ni Lord? dahil ba makasalanan ang  ako dito tsaka kahit sino jinu-judge ko?

I was about to cry out loud but then the door suddenly opened and a proud man suddenly entered, umakyat ang dugo papunta sa pisngi ko bago tumalon papunta sa kanya.

"Wala na akong ibang magpagbibilinan," naiiyak kong sabi kay Mendoza.

Kahit siya ay nagulat dahil sa ginawa ko, ramdam ko kung paano niya giniya ang likod ko nang kumapit ako sa dalawang balikat niya paharap.

"What the fuck are you saying?"

"I'm dying after thirty minutes, please tell to my boss when I die don't he ever give a chance to fucking Danna for this job. Kunin mo rin ang number ni mommy sa bag ko, pakisabi na mahal na mahal ko siya." Hindi ko na makita ang mukha niya dahil mabilis na naglalabasan ang mga luha ko, humigpit din ang yakap ng isang kamay niya sa likod ko.

Pinahiran ko ang mga luha gamit ang palad ko bago umangat ng tingin sa kanya, "and I also want you to know that you're so annoying. Sasabihin ko na lang total mamatay din naman ako," sumeryoso ako ng tingin sa kanya at gano'n din siya sa akin.

"Ayoko sa'yo, Mendoza. . ."

Tumaas ang kilay niya.

"Gwapo ka naman sana, kamukha mo si Cha Eun-woo ng Astro. Pero mas malaki lang ang katawan mo at mukha kang mas matapang, tsaka iba lang ang hugis ng mga mata mo sa kanya. Pero nakakapikon ka pa rin, you always acted like a king, na parang pinapahalata mo sa akin na kayang-kaya mo akong kunin kahit anong gawin mo. I hate that, kasi ang totoo naman is that I found you attractive but it doesn't mean that I like you as a man." Suminghot ako sa loob ng coat niya, naamoy ko kaagad ang mabango niyang amoy.

Is this his manly perfume or just his natural scent?

Nakita ko siyang umangat ng tingin sa kisame at ilang segundo na pumikit ng mariin, huminga rin siya ng malalim na parang tinitiis ako.

Burning in Diamonds (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon