Kabanata Lima

2.2K 47 0
                                    

NANG lumabas ay naabutan ko ang mga trabahador na mukhang walang ginagawa at nagkakatuwaan, break time na siguro nila at mayamaya lang ay uuwi na rin ang mga iyan.

Lumapit ako do'n para makisali o kaya naman para hindi ako ma-bored ng mag-isa sa site na ito, pinigilan man lang nila akong gumalaw o tumulong dahil may sugat daw ako at magagalit ang boss nilang felingero!

"Masaya tayo diyan, Macho ah." Bati ko sa isang binata na kabilang sa kanila, umangat siya ng tingin sa akin at kaagad na tumango.

"Maupo kayo, ma'am." Sagot niya na kaagad kong tinanggihan, naku ang babaho niyo! ang asim.

"Huwag na, kagagaling ko lang sa pag-uupo sa kabila e'. Tsaka rito lang ako, makikinig sa inyo." Sabi ko sabay ngiti, no'ng una ay okay pa naman sila habang umiinom pero nang nagkatama na sa mga utak nila ay biglang nagkagulo.

"Alam mo, pare iyang mga babae. . . hindi mo na 'yan kailangang ligawan o pakinggan ngayon, bibigay at bibigay din naman sila e' lalo na kapag pinatikim mo, hindi ba?!"

Lasing na tanong ng pinakamatanda at lahat sila ay naghiyawan, matanda na e' tsaka ang mga babae dati ganyan pero ibahin mo na kami ngayon!

At teka nga, nakalimutan ba nilang may babae rito? talagang lasing na sila? nakakaloka.

"Tama nga, kagaya na lang ni Ma'am Morttish. Ang tapang ng mukha na maganda, pero sigurado akong malambot iyan sa nobyo niya." Asar nila sa akin, wow nakita na nila ako.

Utang na loob ko ba 'yon?

"Ikaw ba, Ma'am? may nobyo ka na ba?"

Tumikhim ako dahil sa tanong ng isa, kung alam mo lang kung ilan ang naging nobyo ko.

"Mayro'n naman, dati." Dahil do'n ay nagtawanan silang lahat, sinabi pa na baka hindi na ako matiis dahil parati akong umiirap sa hindi alam na dahilan.

"Baka naman kasi hindi mo niluhuran, ma'am."

"Excuse me lang ah, hindi lahat ng babae ay luluhod para lang patawarin ng isang lalaki." Panimula ko, lahat sila ay napatingin sa akin kahit lasing na.

"Ano ang ibig niyong sabihin?"

"Ang ibig kong sabihin, mga kuya. . . ay hindi na panahon ngayon nila Maria Clara ang Pilipinas na 99% ng mga babae ay matataas ang pananaw sa mga lalaki. May pinag-aralan na ang mga babae rito, women can fight at kaya nga naming pantayan ang ginagawa ninyong mga lalaki." Pagmamalaki ko, lahat sila ay nagkatinginan bago tumawa ulit ng malakat na parang nakakatawa talaga ang sinabi ko.

"Tama ka nga diyan, ma'am." Binigay nila sa akin ang isang maliit na baso na may alak, I rolled my eyes and gladly accepted it.

Nilagok ko kaagad ito kahit na medyo may kapaitan, hindi ako sanay uminom ng beer e'. Wine or whiskey lang talaga ang nakasanayan ko, nilapag ko ito sa ibabaw ng lamesa nila.

Then when I put my gaze in the side, my whole nerves  awaken. Parang lumabas ang kaluluwa ko sa katawan nang makita si Mendoza, nasa kalapit na puno lang siya nakatayo do'n at nakatingin sa amin pero nang makita ko ay kaagad na umiwas at kinausap niya ang sekretarya na bagong dating lang.

Pero ilang segundo lang ay tumingin ulit siya sa akin, ako naman na parang tanga ay hindi pa umiwas ng tingin. Tumaas ang sulok ng kanyang labi sabay kaway ng mahina sa akin, gulat akong napatingin sa kanya.

"Hala bakit siya ganito? kanina pa 'yan weird, iisipin ko na ba talaga na may gusto siya sa akin?" Tanong ko sa sarili, ang tanga ng idea ko! pero alam ko namang hindi ako type ng lalaking iyan at hindi ko rin siya type pero tinanong ko lang sa sarili ko iyon para mawala ang stress.

Burning in Diamonds (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon