“Moon Goddess,” She gasped as I greeted them. “Mother. Father.”
Mabilis na napalingon sa akin si Jana. “Mother? Father?” Gulat na gulat nitong tanong sa akin.
I gave her a tight smile bago lumapit kila Ina at Ama. Agad na nag-iba ang ngiti ko at naging malaki iyon nang niyakap ko sila.
“Ano pong ginagawa niyong dalawa rito? Si Welberry, kumusta ang pangangak niya?” Tanong ko pagkatapos. Welberry is my father's niece. Her mother and father are siblings.
Kumibit-balikat si Ama sa akin saka ngumuso kay Ina kaya bumaling ako kay Ina. Ngumiti ito sa akin.
“Berry is fine. She birthed a healthy baby boy, and she hopes to see you soon. May pag-uusapan daw kayo pagbalik mo sa palasyo. At kaya kami nandito dahil sabi ng hari na nandito ka at kailangan mo ng tulong.” Mother said. “I could see why.” Tumingin siya kay Jana na nasa likuran ko lang.
“Napatawad mo na ba?” She asks, looking at me intently.
Walang pag-alinlangan akong tumango kay Ina atsaka bumuntong hininga. There's no point in lying, that I haven't forgiven them. There's no point in pretending that I still hate them, when I know deep down those hate were long gone the moment I saw them again.
Maybe, I was being in denial at first dahil masakit sa akin ang nangyari noon. Pero hindi ko kayang manatiling galit sa kanila. They have become a part of me, they have grown a space inside my heart. Kaya 'di ko mapigilan ang sariling magpatawad. Even my foster father who wants me dead, or Jason who killed me, pinapatawad ko na sila.
As time goes by, I have to accept that, that was life, and I want my life to be happy and peaceful. Magagawa ko lang siguro iyon kung payapa rin ang puso ko. Nagawa ko naman dahil hindi na masyadong mabigat sa damdamin. Ang nanatili nalang na mabigat sa damdamin ko ngayon ay ang papalit na digmaan— I was anxious about it all the time— at itong sekreto ko sa kanila. Which they will know now.
“Opo, Ina. It was tough, but I can't stay hating them. They are my friends, my family. Sila ang unang tumanggap sa akin sa mundong 'to.” Marahan kong wika kay Ina.
Her smile widens and tears brimming in her eyes. Si Ama naman ay nakangiti lang sa akin. Iyong banayad na ngiti na madalas kay Ina niya lang pinapakita.
Nagulat ako nang bigla akong niyakap ni Ina bago hinalikan sa noo na siyang ikinapikit ko.
“My baby! You've really grown into a fine woman. Malaki na ang princess ko! Don't worry, I'll help you with your problem with them.” Mother said with gentleness.
“What if they won't understand?” Mahinang bulong ko at napayuko.
Natatakot akong hindi nila maintindihan kong bakit ko tinago. Natatakot ako at baka tuluyan na silang lumayo sa akin dahil anak ako ng bathala na sinasamba nila.
“What if they won't accept me, Ina?” Hindi ko yata kayang pati sila tatalikuran ako kagaya ng pagtalikod sa akin ni papa at Jason. Mas hindi ko kakayanin na pati si Zach ay layuan at talikuran ako. I just cant.
She caressed my hair. “Trust me, they won't.” She said and smiles knowingly. “Let's go? 'Wag na natin pag-antayin pa iyang kaibigan mo.” Alok ni Ina. Tumango ako.
Humarap ako kay Jana na kanina pa naghihintay sa amin. We walked towards her. Umupo si Ina sa umupang binakante ni King Lenard habang sa Ama naman ay naghila nang upuan at umupo sa gilid mismo ni Ina.
BINABASA MO ANG
Daughter Of The Moon (SELENE 2)
WerewolfShe is bound to die to be born again. Stronger.