Chapter 33

134 4 1
                                    

I gave the last piece of bacon to Bea when I felt I couldn't take more. Busog na busog ako pagkatapos kong uminom ng tubig.

“Thank you,” sambit nito bago sumubo. “Aren't you going to train them today?” She asked.

Umiling ako. “I took an off today. Uuwi ako mamaya sa Glayson.”

Naisipan ko na magpahinga muna. We've been training non-stop for the last two weeks. My body has been craving some rest. At baka kapag hindi ko ito gawin, pag dumating ang laban matatalo ako dahil sa kakulangan ko ng pahinga. Kaya naisipan kong umuwi muna sa Glayson. Isa pa, may pag-uusapan rin kami ni Ina.

“Sasamahan kita.” She declared, na mabilis kong inilingan.

“No. You are needed here. Gusto kong bantayan mo ang training nina Damian para naman sa pagbalik ko ay wala akong ma-miss. Babalik din ako kaagad bukas. Atsaka, 'wag kang mag-alala susunduin ako ni Peter mamaya.” I said.

Malalim itong bumuntong hininga at tumango. Pumapayag. “Tawagan mo kaagad ako kung sakali man na may mangyari.”

She looked bothered at my advances. I can tell, she knew it's more than that, why I am going home. That's Bea... She can easily assess, and know what was going just by simple actions. Alam niya kaagad na may mali, which is true. Pero hindi ko masabi-sabi.

Bumalik sa alaala ko ang maikling liham ni Iza na personal niyang ibinigay, limang araw na ang nakalipas.

Hindi ko gustong dibdibin iyon, pero mas hindi ko ito kayang baliwalain. Someone's been working behind my back. Someone wants me dead. There is a traitor in my turf. A Death Arrow's ally.

After Iza's warning, I've become so sensitive to everything... to everyone. Na sa bawat kilos at salita nila pinagduduhan ko kaagad. Ayaw kong gawin pero hindi ko mapigilan. Everyone who's near my radar become a prospect, even them, my friends.

“I will.” Tanging sambit ko.

Tumayo na ako dala ang pinagkainan patungo sa lababo bago pa may maisip siyang pag-usapan namin.

For now, I need to distance myself without them noticing. Kailangan ko silang manmanan. Magagawa ko lang iyon kung bigyan ko ng distansya ang bawat pagitan sa amin kahit kaonti lang.

What if... Isa sa mga malapit sa akin ang traidor? Ano nga ba ang gagawin ko?

Bumigat ang dibdib ko sa naisip. They hold dearly a part of me. Hindi ko alam kung kaya ko bang tanggapin. I've learned to give them my trust, but now, I don't know. Everything falls from the start again.

Nang marating namin ang training ground, hindi lang si Klaus ang nandoon. Zach is there too. Saglit akong natigilan habang maang na nakatingin sa kanya.

He's back.

Does my warning reached to him, kaya siya andito? It wasn't a warning, though. More like a reminder.

“You two have something to talk to, right? Still, you're leaving?” Bulong sa akin ni Bea.

I nodded. “We do... and yes. Mahalaga ang uwi ko kaysa sa mga dapat naming pag-usapan.” Walang pagdadalawang isip kong sagot saka ito binalingan.

Tumitig siya sa'kin saglit bago tumingin kay Zach na kausap pa rin si Klaus. Seryoso ata ang kanilang pinag-uusapan dahil hindi man lang napansin ang aming pagdating.

Tumikhim ako at bumati. “Magandang umaga sa inyong dalawa.”

Sabay na nilingon nila kami. Parehong madilim ang mukha. Klaus jaw clenched and then looked away. While Zach, licked his lips, still looking at me.

Daughter Of The Moon (SELENE 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon