Chapter 27

115 4 0
                                    


"Why did you not sense that I was in danger that time? Bakit hindi niyo naramdaman na nakapasok si Jason sa pack?" Tanong ko kay Janalyn habang malayo ang aking tingin. At kahit na alam ko na ang sagot dahil sinabi na ni Zachary kahapon ay itinanong ko pa rin sa kanya.



It's just... I want confirmation. Gusto ko lang malaman ang lahat sa pamamagitan ng istorya sa bawat isa sa kanila. Gusto ko lang maging panatag ang loob ko at mawala ang bigat nito. Cause it seems like the heaviness didn't really leave even though I have already accepted and forgiven them. Naririto pa rin at naghihintay lang ng katotohanan.



Natahimik siya nang ilang segundo bago magsalita. "Because of black magic, Selene. Jason used black magic to penetrate the pack without getting caught. Itinago niya rin ang amoy niya para hindi malaman na nakapasok siya. He also uses black magic where he can lure a person whether it's supernatural or not, and he only uses it to lure you. Kaya ikaw lang ang nakaramdam sa kanya," she sighs.



"We really regret leaving you that day, Selene. I really regretted it. Sana pala hindi kita iniwan doon. Sana pala sinama nalang kita pabalik sa main house. I shouldn't have left you, hindi ka sana nawala sa amin."



Mahina ang kanyang boses habang sinasabi niya iyon. There's pain in her voice, and for some reason, my heart aches for her. Sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari sa akin, they all did. Wala akong magawa kun'di ang magsisi rin. I have blamed them for nothing. I blamed them for not saving me, when in fact they all tried. Masyado akong bulag para hindi makita iyon.



After, I got stabbed, si Jana ang unang nakakita sa akin sa gitna ng gubat. Nakahiga at wala ng malay at malalim ang sugat sa tiyan. Minutes later, doon dumating sina Zach at Klaus. Sabi nila, I was barely breathing that time. Hindi dahil sa saksak kun'di dahil sa ginamit sa pagsaksak sa akin.



The dagger that Jason used were made to kill us. Any fatal or non-fatal wound, it will still kill you. Wala kang kawala sa sandata na 'yon. Pero heto ako, buhay na buhay at nagpapasalamat ako dahil kay Ina. If it weren't because of her, I would be dead by now. Kung hindi lang dahil sa kapalaran ko'ng mabuhay ulit, wala siguro ako ngayon. Hindi ko siguro malalaman ang totoo ko'ng pagkatao at hindi ko siguro malalaman ang katotohanang hindi nila ako sinubukang iligtas.



"I'm so sorry, Selene. Alam ko na may bahagi sayo na sinisisi kami. I'm not blind or dumb not to notice it. Even, Zachary noticed, but we let you. Hinayaan ka lang namin dahil iyon ang sa tingin namin ang tama. We promised to protect you, but we failed. Kaya wala kaming ginawa para alisin ang galit mo. I'm sorry that we failed you, and I'm sorry that we lied." she whispers with pain behind her eyes. Nakatitig sya sa akin, at tila ba'y isang kalabit mo lang sakanya ay sasabog na sya.



Napaiwas ako nang tingin at yumuko. Mariin kong itinikom ang bibig ko dahil sa inis sa sarili. They knew I was blaming them for what happened to me— for what I thought they did. Alam nila pero wala silang ginawa para linawin sa akin ang lahat. Instead, they let me hate them. Gustuhin ko mang mainis o kaya ay magalit sa kanila dahil pinaniwala nila akong may kasalanan rin sila ay hindi ko magawa. I just couldn't find myself being mad at them after what they have told me. Lahat ng galit ko sa kanila ay tuluyang nawala. Nalinawan na ako. I understand everything now.

Daughter Of The Moon (SELENE 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon