Mga mahihinang tinig at buntong hininga na kay lalim— mararahas na yapak. Iyon ang mga ingay na nagpagising sa 'kin.
Dahan dahan kung minulat ang mga mata. Nakahiga ako sa sahig at nakatagilid kaharap ang pader. Ngunit... Kumunot ang noo ko sa pagtataka.
Puting pader? Puting ceiling? Nasaan ako? Where's the cage that I was in? Did they move me here while I was knocked out? Napailing ako sa realisasyon. What a coward!
Napabuntong hininga ako at saka muling pumikit ngunit agad ring napadilat nang marinig ko ang boses sa likoran ko kaya bumaling ako roon.
“They lied to me!” Her voice rising angrily while saying that to her mate. Mapula ang kanyang mga mata at nag-aalab sa galit. Pero walang magagawa ang galit niya ngayon. We are stuck in this white room for who knows how long. Walang kasiguraduhan kung makakalabas pa ba kami.
“Babe, please, calm down. Makakasama sa'yo ang sobrang emosyon.”
“How can I calm down? They tricked me! They lied to me!” muling sigaw ni Bea.
Bumuntong hininga ako. “And you lied to me, too, Bealin.” Sabat ko nang hindi ako nakatiis.
“M-miss Selene, y-you're awake!”
I get up and groaned when I felt my lungs burning a little, probably from the smoke I inhaled. Bea look stunned, staring at me while her mate was standing behind her. Napabaling sa akin ang lalaki ngunit agad ring umiwas nang makitang nakatingin ako rito. Tumingin ako kay Bea. Nakaharap na siya sa akin nang tuluyan at nakayuko.
“I'm really sorry, Miss Selene. Sorry po talaga sa nagawa ko.” She said, not looking at me. Ang kaninang galit nitong boses ay naging mahina at halos bulong na.
“Why, Bea? Give me a good reason. Why should I forgive you?” Seryoso at mariin ko ritong tanong.
Her shoulders began to shake as she cries while her eyes still downcast. Mabilis na lumapit sa kanya ang kanyang mate at hinawakan sa likod. He was rubbing his hands on her back, comforting her. Napapikit ako sabay napaiwas ng tingin.
Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko at muli silang binalingan. “If you can't tell me now, then I'll wait. Alam kong higit pa sa kagustuhan mong iligtas ang iyong mate para gawing rason. I know there is more to it. Kaya maghihintay ako. Isa pa... you're forgiven.” Wika ko.
Mabilis siyang napaangat ng tingin at nanlalaki ang mga matang tinitigan ako. Tila natigilan siya at hindi makapaniwala sa narinig. Her gaze went from mine to her mate and back to me again. Ilang segundo pa ang lumipas ay nakayapos na siya sa akin. She hugged me tightly, making me laugh a little.
“Sa loob ng tatlong taon, ngayon mo lang ako na yakap nang ganito. Ganyan ba kasaya ang makatanggap nang kapatawaran ko?” Biro ko rito.
Natawa siya at tumango habang nakayakap pa rin sa'kin. “I'm really sorry, Miss Selene. Wala na kasi akong mapagpilian kaya ko iyon nagawa. Sorry po talaga.” Madamdamin at garalgal ang boses nitong wika.
Ramdam ko ang pagkabasa ng balikat ko pero ayos lang. I know she needs to release some emotion. No one's exemption to that, actually. Emotions are like a tool to people, and sometimes it's like a trigger that need to be released to feel better.
Marahan kong hinaplos ang kanyang likod hanggang sa tumigil siya sa pag-iyak. Pinasadahan kong tinigin ang mate ni Bea. He was at the other side of the room, standing. Panaka-naka itong tuimingin sa amin lalo na kay Bea. He looked relax at the same time alert.
BINABASA MO ANG
Daughter Of The Moon (SELENE 2)
LobisomemShe is bound to die to be born again. Stronger.