Chapter 29

85 4 2
                                    

Decisions also comes with great responsibility, not just the power you possess. Either, it is good or bad... it shall be handled responsibly.

Sa mundong 'to kung saan hindi lang tao ang namumuhay, may mga katulad ko... namin... na mayroong kapangyarihan. Kapangyarihan na dapat ginagamit nang wasto at tama. Hindi lang desisyon ang kailangan naming gawin na may gabay at responsibilidad kundi pati na rin ang hawak namin na kapangyarihan. At responsibilidad ko ay ang gawin ang tama. I may taint my whole power, but I am doing this for my people.

“I think it's not working, Aina,” rinig kong saad ni Bea kay Aina. “Hindi umiilaw ang barrier.”

Kumunot ang noo ko sa huling sinabi ni Bea. Hindi umiilaw? Tama ba ang naririnig ko?

As much as I want to open my eyes and peak, I couldn't. Bawal, dahil kailangan kong mag concentrate. I need to flow Aina's words into me to make the ritual work.

For some reason, I also doubted this ritual would actually work, too. Dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong nararamdaman na kakaiba. Ilang minuto na ba ang lumipas? Oras na nga yata, pero wala pa ring nangyayari.

My heart dropped at the realization that we might actually failed. Napayuko ako sa pagkabigo nang nakapikit pa rin. Wala akong lakas na buksan pa ang mga mata ko.

“Siguro, dahil hindi kabilugan ng buwan kaya hindi gumana? Kung itigil niyo kaya muna ito at ipagpatuloy nalang bukas.” Muli kong dinig kay Bea na tila'y nag-aalala na sa himig ng boses nito. Ngunit binalewala lang ni Aina at patuloy na bumubulong ng salitang siya lang ang nakaka-alam.

“This is ridiculous! Stop it this instant you witch, o ako mismo ang magpapatigil sa'yo!” Galit naman na segunda ni Jana. Rinig ko ang mabigat nitong yapak papalapit.

Kumabog ang dibdib ko sa kaba sa narinig at mabilis na napadilat. Ngunit kasabay ng pagdilat ko ay ang paglabas ng pulang likido sa bibig ko.

My eyes went wide at what I saw. My mind went blank. Did I just vomit blood?

Muling-muli akong napasuka at ngayon ay mas malaput na kumpara sa una. Ito na ba?

“Shit! Selene!” Jana shouted at the same time Bea shouted, “Miss Selene!”

“You can't go near her! The barrier will not let the two of you go near her.” I heard Aina said.

Kahit na nanghihina dahil sa walang katapusang pagsusuka ay nagawa ko pa rin na ngitian ang dalawa. Just like Aina said, hindi sila makalapit sa akin. The barrier is now a literal barrier. Para itong makapal na salamin na pumapalibot sa akin. And it's stopping them from coming to me.

Natigilan si Bea sa pagsuntok sa barrier ng makitang nakatingin ako sa kanila habang si Jana ay patuloy pa rin.

Pumikit ako saglit, “Can you stop her? Sinasayang niya lang ang lakas niya. It's no use,” I mind linked her. Pagkadilat ay tinanguan ko siya.

Ginawa niya ang sinabi ko at pinigilan si Jana sa pagwawala. Nagpalitan ang dalawa ng salita pero hindi ko marinig sa kadahilanang nanghihina ako. Kasabay ng panghihina ko ay unti-onting nawala ang pandinig ko. Parang nawala lahat ng pandama ko.

‘I'm fine.’ I mouthed weakly at her when she looked. Ngunit taliwas sa sinabi ko ang nangyari. I vomited again, and then... suddenly, the world turns black.



~~°~~



Nagising akong mag-isa sa kwarto. Masakit ang buong katawan na para bang sumabak ako sa gyerang puro bugbugan ang labanan. It is aching everywhere.

Daughter Of The Moon (SELENE 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon