II- 4

461 17 2
                                    

Kath's POV

Hindi ko alam kung bakit kailangan ko tong gawin pero ginawa ko. Buong magdamag ko to ginawa habang nagkaklase!! Kahit fav subject ko ang computer at tle! Favorite na tulugan. Hahaha!!

Anyways. Eto na nga. Ang plano ko kasi....

Gagawa ako ng letter!! Oo na ako na corny. Baka kasi masigawan ko pa yon kung sa bibig ko mismo lalabas. Kaya ayan. Sa letter na lang. Mas nakakaappriciate kaya pag letter kase may effort talaga!

Mas malupit pa ata to sa mga fractions sa math eh! Hirap na hirap na ako kung anong isusulat ko dito. Kung magsosorry. Magthankyou. Maggoodbye. Magingat.

Magsabi ng totoong nararamdaman.

Ay nako ayan nanaman yung konsensya kong sabat ng sabat sa POV! Anobayan hanap ka nga sarili mong story!

Tse! Magtapat ka na lang kase! Dami pang palusot. Gusto mo pa akong paalisin para di nila malaman true feelings mo tse!!

Ugh nevermind na lang yan si konsensya. Kanina pa yan eh. Singit ng singit habang nagiisip ako!! Walang matinong magawa! Pagkatapos ko netong letter. Ni sealed ko na to. Para wala ng ibang makabasa o makakita.

May isa akong ibubunyag na sikreto!!! Wag kayong maiingay sa teachers dito sa school ah? Huhu.

Kasi......

Marunong akong magbake!! At minsan napagtripan kong magbake sa cooking lab namin. Tas ayun yung ingridients na mga nandon ginamit ko. Tas kinabukasan pinapage kung sino ang gumawa nun. Syempre walang umamin. At wala rin namang cctv ang school kaya LIGTAS ANG ATE NYO. ❤️

Kaya nung break namin nagpunta ako sa lab para magbake ng cupcakes.

Letters ang nilagay ko. Syempre "s o r r y" di ko na nilagyan ng l'm! Hassle pa!! Two letters din yan at cupcakes! Magtyaga na sya dyan!!

After ng classes pupunta akong starbucks para dalhan sya ng frappe. Sosyal diba!! Mageeffort na lang starbucks pa nais. Ako na talaga maeffort!! Sana makatanggap ako ng best effort award wooh!

Pagkabell na pagkabell labas agad ako ng classroom at dali daling pumunta sa starbucks.

Nakita ko pa nga si liza eh. Yep sya yung ano. Best friend ni daniel. Sabi daw best friend.

Baka mahal na din.

Nyeta konsensya!!

**

Pagkatapos kong magorder. Dumiretso na ako sa bahay nila. Sabi nung maid nandun lang daw sa kwarto nya. Nung isang araw pa daw hindi lumalabas.

Hindi ko alam kung kakatok ba ako o iiwan ko na lang dito sa labas ng kwarto nya eh.

Sobrang kabog ng dibdib ko halos lumabas na sya at sya mismo ang kumatok sa pinto.

Naisip ko na iiwan ko na lang dito tapos tatawagan ko na lang sya pag nasa labas na ako.. TAMA YUN NA LANG KESA MUKHA AKONG TANGA DITO NA NAKATAYO MAGDADALAWANG ORAS NA HABANG NAKIKIPAGTITIGAN SA PINTO!

Inilapag ko na yung starbucks at letter ko sa harapan ng pinto nya. Lumabas ako ng bahay nila at sinilip sya sa bintana nila.

Calling dj....

**
Daniel's POV

Kath calling..

Answer Reject

".............."

"Uhm dj? Ano kamusta?"

"Ok lang."

"Ano... Uhm... Paki ano naman yung ano..."

"Direstuhin mo na ako katulad ng ginawa mo nung isang araw.."

(Aray bitter si master)

Konsensya pakitigil tigilan yang pagsaside comment mo ah. Seryoso ako dito bro!

"Ano ba to!! Ako na nga nageffort maglagay ng starbucks at gumawa ng letter para sayo tas ganyan ka pa din saken!! Nakakainis ka goodbye!!"

Napangiti ako ng wala sa oras pagkatapos nyang sabihin yon. Talaga bang may ginawa tong malditang to na ganung effort?

Pagkabukas ko ng pinto. Tumambad saakin ang paborito kong frappe at isang letter na nakasealed ng batman.

Eto na lang ata makakapagpangiti saakin ngayon.

Kahit pala magbago ang takbo ng mundo. Magbago man ang pangalan ko. Mabago man ang parents ko.

Si kath padin ang happy pill ko.

Pagkatapos ko ienjoy ang frappe habang nanonood ng batman marathon. Napukaw ng atensyon ko ang letter na kasama pala netong frappe.

Hi deejay!

Una sa lahat dahil hindi pa huli. Sorry... Sorry kasi ano. Ang dami kong binitawan na masasakit na salita. Alam ko na hurt ka ng bonggang bongga kasi naman di ko napigilan yung bibig ko eh! Siguro ayoko lang talagang mawalan pa ng isang kaibigan. Pangalawa. Dj importante ka sa parents mo. Walang parents ang may ayaw sa anak nila. Kasi kung ayaw nila sayo sana di ka na nila ginawa!! If you know what i mean. Haha joke lang. Gusto ko lang makita ulit yang pamatay mong smile. Yun oh. Ayan!! Quotang quota ka na saken ah! Pinuri na kita may sb ka pa!! Tsk tsk. Ang effort ko diba? Hahaha. Dj..... Kung ano man yang desisyon mo. Alam mo namang nandito lang kaming barkada mo diba? Sorry kung tinawag kitang selfish. Narealize ko kasing kaya mo pala sinabi yon kasi gusto mong makasama yung barkada kahit sa last one month ng stay mo dito. Pero aminim mo!! May point naman ako don. Iiwan mo na nga lang kami gusto mo pang mapalapit lalo samin. Edi nagkanda hirap hirap tayong maghiwalay nyan diba? Osya dj. Alam kong napatawad mo na ako. Stay gwapo dj!! (Ayun oh napatawad na talaga nya ako kasi nakasmile na sya wag kang magalala pagnagkausap na tayo babawiin ko na to!!)

-kath

Kath's POV

Sabi na talaga mali yung pagsuyo don sa mokong na yon eh!! Nagsisisi ako! Sayang effort ko sa pagsulat nung letter! Paghanap ng batman na envelope! Paggastos sa frappe! Pagmamadaling pumunta don sayang laha--

Pag kay dj walang sayang sayang..

Nako ka talaga konsensya!! Ikaw may dahilan ng lahat ng to eh. Ikaw talaga!! Sana di ko na lang kinain pride ko! Ang pait pait non!! Sana ininom ko na lang yung frappe! Favorite ko din kasi yon! Sana di na ako nagsayang ng papel. Sayang puno!! Nakakagigil!!!

Kawawa naman yang unan mo. Wala syang kasalanan pero sinasaktan mo..

Aiiiiish!! Basta naiinis ako! Sayang lahat lahat lahat!! I hate you daniel padill--

1 message recieve

NAKO PAG 8888 LANG TO MABABATO KO TONG CELLPHONE NA TO.

Dahan dahan kong binuksan yung phone ko para may thrill.

From: dj

Hi kath! Pogi pala ako ah. Sabi na talaga may lihim na pagnanasa ka sakin eh! Salamat sa frappe ah. Uyyyy ang effort. Namiss ako!! Hahahaah wag kang magalala magpapakita ako sayo bukas para di mo ako mamiss. Salamat nga pala sa love letter mo ah. Nakakakilig naman yon. Di naman ako galit sayo eh. Nagtatampo lang para suyuin mo ako. Yun oh. Salamat ng marami kath!! Napasaya mo nanaman ako :*

LETSE PADILLA ANG SAKIT NANAMAN NG PUSO KO. TINITIBOK NAMAMAN PANGALAN MO!

--
An: This chapter is dedicated for our birthday editor!! _chescamallari !! Thanks for helping me edit every chapter and for updating this story! Wala ang bwb kung wala. And dahil birthday mo. Sige ikaw si kath!! Hahahaha. Belated Happy birthday once again my editor. And if meron kayong concerns feel free to ask us. Or tweet us!! Gagawa pa lang ako ng twitter for bwb. For now kay _chescamallari (twitter) muna kayo mag feedback. Late but still its updated!

Vote. Comment. Spread!

Lovelots, author 💗

Buhay With Barkada (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon