-18-

983 28 2
                                    

Authors note: ang chapter 18-21 ay hindi narevised! Kasi yung mga nangyari dyan ay part po talaga nang storya. Kaya ayun! Thankyou guys mwa!

Kath's pov

*blink* tingin sa kaliwa. Tingin sa kanan. *blink* higa ulit. Ang tahimik ng place! Napaka comfortable naman ng higaan ko. Ang lambot pala ng higaan sa plane na to! Dito na lang nga ako sasakay lagi! Makakatulog ka talaga ng mahimbing. Pero teka.. Asan na ba kami? *yawn* tutulog na lang ulit ako. Mamaya ko na aalamin. Paggising na sila. Nyahahahahahha.

~After 3hours~

"Kath. Gising! Nandito na tayo!"

Nagising ako sa napakaingay at nakakarinding boses. Sino ba sa storyang ito ang nagiingay kanina pa?

"Juls. 5 minutes pa."

"ANONG FIVE MINUTES. HA?! NANDITO NA TAYO SA BORACAY AT KANINA PA NANGANGATI YUNG PWET AT PAA KO PARA MAGLAKAD LAKAD AT MAGSWIMMING KAYA TUMAYO KANA DYAN NOW NA DALII!" At hinila hila nya ho talaga ako na parang matatanggal na yung kamay ko. Jusme lang julia kelan ka ba titigil sa pagiging amasona ha? Tss.

Kasalukuyang naglalakad kami ni julia.. Ay mali pala. Kasalukuyang kinakaladkad ako ni julia at nagsasalita sya at kung ano ano ang sinasabi. Kaloka tong babaeng to. Jusko. Masakit sa ulo.

"Alam mo ba kath may nakilala kami ni dj kanina sa plane! Grabwii!! Super saya tologoo!! Ang gwafu gwafu ng fafa na nakilala ko!! And nandito din sya sa boracay now!! And yung girl na nakilala ni dj ang ganda! Pero di kami nakapagusap ni dj kasi as usual magbabangay lang kami nung mokong na yun!" Ay. Gwapo lang pala. Pero si dj daw? May nakilalang girl?

Ah may nakilala lang naman diba?

hindi pa naman sila diba?

Hindi naman nya ulit makikita yun diba?

Wala namang --

"Hoy girl. Tulaley lang ang peg? Nandito na tayo sa hotel!!"

Hay julia. Ilang enervon ang nalaklak mo? Hayy.

"Girlaluuuus! We're here naaaa! Omg! Let's take sa selfwwwiie!!" Si kiray yan. Ingay ho nya na halos pagtinginan kami ng lahat ng tao sa hotel. He hehehe. Kahiyuuuh!!

Nakuha na yung room namin. Sumakay na kami ng elevator at lahat sila mukhang tuwang tuwa. Pero ako? Inaantok pa talaga ako. Ansakit kasi sa ulo ng paggising sakin ni julia. Eh kung tinapik tapik nya ako edi sana nasa mood ako no?

"Bat ka sad?"

Nagulat ako sa boses na yun. Ewan ko. Pero biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Nakokornyhan ako sa sarili ko. Pero.. Bakit ganun? Kung iba naman nagtanong sakin.. Di naman ganito yung feeling? Baka.. ?

Kath. No!! Di pwede. Hindi pwede yan.

"Uh. Masakit lang ulo ko. Alam mo naman si julia. Nakakarindi."

"Kaya ko yan iniwan kanina eh! Ansakit sakit na ng ulo ko kakabara nya at kaka reklamo. Buti na lang may magandang nilalang akong nakita. Ililibre nga daw nya ako eh. Tapos kinuha ko yung number nya!! Ipapakilala ko sya sainyo pag nalibre na nya ako! Pramis! Hahaha."

Magandang nilalang

Magandang nilalang

Magandang nilalang

Magandang nilalang

Magandang nilalang

Magandang nilalang

Buhay With Barkada (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon