Dj's POVDi ko na talaga alam kung pano anong gagawin ko. Kung sasabihin ko ba sakanila o wag na!
"Dj we're waiting..."
"Guys my parents decided na sumunod ako sa US and they're giving me one month to decide kung susundin ko sila o hindi." Derederetso kong sabi sakanila. Walang hinto hinto as in na parang nag rarap.
"Wow. After diego ikaw naman? Wow."
"Kath.. Kaya ako lumapit sainyo kasi.."
"Kasi may kailangan ka? Oh come on dj wag ka namang makasarili!"
"Kath buong buhay ko ngayon lang ako napansin!! Ang tagal kong hinintay na ako naman! Ako naman yung gustuhin ng parents ko! Ako naman mapansin nila! Tuwang tuwa ako tuwing tinatawag nila akong anak! Pero para ano? Para utusan nila ako!! Ang sakit sakit dito kath (turo sa puso) si diego! Lagi na lan si diego!! Pero ni minsan hindi ako nagtanim ng sama ng loob sakanila! Hindi ko inisip na mas mahal nila si diego! Na mas gusto nila! Pero habang tumatanda ako lalo akong napapalayo sa parents ko!! And this one month! Eto na lang ang pagkakataon na makakasama ko kayo! Eto yung panahon na akala ko magiging masaya tayong lahat pero anong sabi mo? Selfish ako?? Wow naman. Ang saya pakinggan!! Sana lang din nagagawa ko yan! Sana lang!!"
"And what do you expect dj? Na magiging lalo kang close sa barkada? Pagkatapos ano? Iiwanan mo din kami. You'll let us hanging. alam kong masasakit ang pinagdaan mo! Pero selfish ka pa din dahil iniisip mong liligaya ka kahit kami iisipin na namin na mawawala ka rin pala!"
"Kath... Dj... Stop. Just stop. Walang patutunguhan to. Umuwi na tayo."
Ayan. Kaya ayokong sabihin. Kasi ang inaakala ko magiging maayos ang lahat. Pero wala eh? Walang permanente sa mundo. Kaya yang akala mo, di mo na masisigurado.
**
Nakatulala ako sa ceiling ng kwarto ko.(Dj you're given this life because you can fight for anything God will give you. Stay strong bro!)
Diego. Where are you? I really need you right now. Siguro tatawanan mo ako kasi umiiyak ako.
Tumayo ako sa kama ko dahil alam kong walang patutunguhan ang pagmumukmok ko dito.
Lalabas na sana ako ng kwarto ko when i heard dad.
At nung narinig ko yung sinabi nya. Pati yung kausap nya. Parang gusto ko na lang umiyak ng tuluyan.
**
Nakatitig lang ako sa alarm clock ko habang nagriring ito. 6:00 am. Di ako nakatulog sa narinig ko. Di na din ako kumain. Sinabi ko kila dad na ayokong pumasok ngayon.Gusto ko lang magkaron muna kahit onting peace. Gusto ko nang ipikit ang mga mata ko. Kaso gising na gising ang diwa ko.
Flashback
"DON'T DO ANYTHING TO MY SON!" Sigaw ng kausap ni dad sa phone.
"You shouldn't worry dear. Nasa mabuting kalagayan si daniel. But! We'll take him sa US and you know what's next!!"
"HAYOP KA TALAGA! WAG NA WAG MONG GAGAWIN IYON SA ANAK KO. WALANGYA K--"
End of flashback
Kaya pala mas gusto nila si kuya.
Kaya pala hindi nila ako napapansin.
Kaya pala etchapwera ako palagi.
Kaya pala isa akong malaking dissappointment.
Kaya pala..
Nasasaktan ako sa kung sino man ang mga magulang ko. Ganun na ba ako kawalang kwenta at naisipan nila akong ipamigay? Or worse! Baka binenta ako.
I made my choice. Kung papatayin ako sa US edi good. Kung papahirapan ako. Edi ok lang. May mas hihirap pa ba sa kalagayan ko?
Isang taong walang kwenta at dissappointment sa lahat ay ipinamigay ng sarili nyang magulang at tuluyang naetchapwera sa mundo.
Dapat siguro ganyan na ang intro saakin no? Kasi lahat yan ay totoo. Walang halong biro.
Alam kong nakakapanghina ang pagiyak ng todo kaya itinigil ko na ang kadramahang ito.
Halos mabaliw na ako sa kwarto ko kakaisip kung ano ba ang magiging desisyon ko?
Sasama ba ako? Sasama ako dahil gusto kong malaman sino ba talaga ako.
O hindi at mananatiling palaisipan ang lahat. Aaktong kunyari wala na lamang nangyari.
aray ko author saakin ata napunta ang sumpa ni julia.
**
Kath's POVNakokonsensya ako. Kasi naman tong bibig na to. Walang pakundangan eh!!
Nakasakit na ako ng tao. Kinakain pa ako ng konsensya ko. Hay life. Why you gotta be so hard? Don't you know im human too?
Napagdesisyonan ko nang magsorry kay dj. Kahit labag sa loob ko dahil my 50% pride pa ako. Parang gusto kong itigil ang pagiisip at sabihing tama lang ang ginawa ko. Bugso ng damdamin mga ganon.
Kaso may 50% din sa isip at puso ko na nagsasabing nakasakit ako. Sinaktan ko ang taong mahal ko. Ano daw bakit ko nasabi yon the hell.
Hindi ako mapakali habang hinahatid ako ng driver ko. Napapatingin na lamang sya saakin at parang sinasabing "go maam kaya mo yan!!"
Buti pa si kuyang driver nakakagaan ng mood!!
Nang makapasok na ako sa university namin. Agad akong nagtungo sa classroom. Para mas maaga less kaba ang peg ko.
Wala pa sya.....
**
Absent?!?!?!Pagkatapos kong kainin ang pride kong napaka pait?!
Pagkatapos kong magkabisado ng lines sa salamin?!
Pagkatapos kong paghandaan ito?!
Pagkatapos akong icheerup ni kuyang driver?!
Aabsent yung mokong na yon?? Pasalamat sya!! Pasalamat sya ano. Mabait ako! Oo tama kasi mabait ako.
Pasalamat sya kasi mahal mo.
Pwe konsensya!! Ikaw ang dahilan ng lahat ng ito!
Lunchtime na at halata mo saamin ang tingin na mga nangangamba. Nangungulila. At nagugutom.
We cant think straight dahil sa sunod sunod na revelation at pangyayari.
Una. Umalis sila diego at yen. Upang magpakasal sa ibang bansa dahil sa arrange marriage.
Pangalawa. Halos magkanda hiwa hiwalay ang barkada noong nakaraang linggo. Dahil sa di malamang dahilan.
Pangatlo. Akala namin ang pagpapatawag samin ni dj ang magiging solusyon para mabuo muli kami. Pero mababawasan nanaman pala kami.
Pangapat. Wala na pala akong maisip. Ano na baaaa!! Pupuntahan ko ba sya? Susuyuin ko ba sya? Dadalhan ko ba sya ng foods?
AHA! Alam ko na kung anong gagawin ko. Yun oh.
--
Boom bitin. Again dear readers thankyou for supporting! Super nakakakilig next chapter! #spoiler jk.Vote. Comment. Spread 😚
Lovelots author
BINABASA MO ANG
Buhay With Barkada (on-going)
HumorStoryang walang iwanan. Hanggang sa dulo ba mapaninindigan? (On-going) P.s. Two Books in one story. Buhay with barkada second edition ay dito rin po nakapost! Enjoy reading. ❤️