2 updates in 1 day :) last chapter na next :(
Dj's POV
Nagulantang talaga ako sa mga nalaman ko. Hindi ko man lang nalaman. Hindi man lang nahalata. Buti pa si kath. hindi nya kapatid si diego. Pero alam nya yung mga nangyari. Samantalang ako..
Siguro napaka laking problema ito ng barkada..
Kasi kulang na kami ng dalawa..
At kahit sabihing wag isipin ang lahat. Sasagi at sasagi padin ito sa isip mo. Hindi ko kayang walang "kuya" na tinuturing kong best friend. Hindi ko kayang walang susuway sa bawat maling gagawin ko. Bakit kasi sila sila lang aalis? Bakit kasi hindi ako kasama.
Hindi ako papayag na iwan nila ako dito magisa..
Umaga na ngayon. Actually madaling araw. Iniisip ko lahat lahat ng problema ko. Ng magisa..
"Kasing lalim naman ng iniisip mo yung beach ng boracay.."
Napalingon ako bigla sa narinig kong boses at biglang napangiti.
"Haay. Andami ko lang kasing problema."
"Hindi ka naman bibigyan ni Lord ng problemang hindi mo kayang sulusyonan o pagdaanan. Mind sharing it? Mamaya sumabog ka na lang bigla dyan."
Umasa ako na si kath yung nagsalita. Pero hindi. Si kath yung kailangan ko. Pero si liza yung nandito.
"Si kuya.. Aalis sya. Sila ng parents ko. Pero hindi ako kasama. Nilihim nila lahat saaken. Kaya ngayon. Iniisip kong ampon ako eh. Sino namang walangya na magulang na iiwan ang kanilang anak ng magisa? Papayag sana ako kung silang dalawa lang ni dad eh. Pero hindi eh. Silang tatlo. Sinama si kuya.. Kaya eto ako ngayon. Pinoproblema kung paano mabuhay pagkatapos ng lahat ng ito.."
Napahinto si liza at nilagay ang dalawang kamay nya sa mukha ko.
"Oo nga naman. Sino namang walangyang magulang ang magiiwan ang isang gwapong anak magisa sa manila?"
Napatawa ako sa ginawa nya. Atleast gumaan yung pakiramdam ko kasi nandito sya. Kasi napangiti nya ako. Na prang kanina mukha akong taong nawalan ng bibig at di magawang ngumiti. Pero ngayon napangiti nya ako. Kahit napakalaki ng problema ko.
"Salamat ah."
"Salamat san? Hindi pa nga kita natutulugan. Salamat agad?"
"Salamat kasi nandito ka. At sinasamahan mo ko. Salamat kasi kahit hindi tayo masyadong close pinapagaan mo loob ko."
Kumunot ang noo nya at biglang lumapit sakin. Yung sobrang lapit na parang mahahalikan ko na sya ng isang maling move.
"Ayan. Close na tayo ah! Hahahaha"
Umiwas ako ng tingin at napangiti na din. ewan ko ba. Pero masaya ako ngayon kasi nandito sya. Inakbayan ko sya at sinabing.
"Ang cute ng sunrise oh! Eto yung isa sa favorite kong time."
Kinuha ko ang cellphone ko at nagpicture. Kinuha din nya yung cellhphone nya.
"Dj. Salamat din."
"Salamat saan?"
"Salamat kasi natupad yung isa sa bucketlist ko."
"Ano ba yung sa bucketlist mo?"
"To be with the person i like during sunrise."
Ngumiti na lang ako. Atleast pala nakatulong ako. Nagstay pa kami ni liza ng ilang sandali pero pasaway ang tyan ko dahil bigla akong nagutom at kailangan ko ng putulin ang napakagandang moment ni liza.
Naglalakad ako papunta sa hotel namin. Gustong gusto ko kasing kumain na eh. Di kasi ako nag dinner kagabi. Pagkapasok ko sa room ng boys. Tulog pa lahat. Nung pumasok din ako sa girls. Tulog din sila. So no choice. I need to eat. Alone. Again..
-after several hours-
So eto ba yung tinatawag nilang masaya? Well kung ipapaexplain nyo saken kung anong nangyayari ngayon..
Una.
Bangag lahat. Halatang umiyak kagabi. At mukhang zombie na buhay.
Pangalawa.
Hindi naman kami nageenjoy eh. Sinong mageenjoy kung tahimik lahat?
Pangatlo.
Akala ko ba hindi aalalahanin yung problema? Eh halatang halata sa mukha nila na iniisip nila yun.
Pangapat.
Wala na akong maisip. x) sowwy
Pero seryoso na to. Ano baaaaa. Nakakapraning tumahimik ah? Pati ba naman si julia tahimik. Di ko na to kakayanin.
Ikot lang kami ng ikot. Ng ikot ng ikot ng ikot hanggang sa mahilo na kami at umuwi. Wow. Ganto ba yung sinabi nilang magiging masaya? Yung halos di magenjoy? Napalitan na ba sa dictionary yung meaning nun? Iba na din ba definition nun sa google?
At dahil wala akong magawa at halos wala din akong tulog. Natulog na lang ako. Kasi pag natulog ka. Di mo maaalala yung problema.
--
Kath's POV
What the. Oo na. Fail na yung dapat best day and last day namin. Eto kasing si author eh! Ginawa pang sad story to!! Happy na nga kami nung una eh. Tss
Anyways. Nakaamin na si diego kay julia. And hindi maganda ang naging ending. Kung di nyo ko magets. Basahin nyo yung 2nd day namin sa bora.
So no choice na. Watak watak na talaga kami. Akala ko pa naman pag college na kami. Ok na. Sama sama pa rin. Pero hindi eh. Sinabi ni ej and kiray na baka FEU sila. Eh gusto naman namin ni julia UST. Gusto din namin sa FEU kaso napagusapan na namin dati na UST eh!! Pumayag kaya sila nun!! Tss. Si dj? Feeling ko gusto din nya sumama sa kuya nya eh. Sino ba naman gustong magpaiwan. Siguro papatapusin muna nya yung high school nya dito. Siguro.
Ay teka teka. Bat ko nga pala iniisip yun? Haay. BAKIT BA KASI SAD ANG STORY NA TO. NAGMAMAKAAWA AKO AUTHOR PAGANDAHIN MO NAMAN OH!!
An: Hahaha waley maisip aketch! Wala na kasig nagbabasa and nagvovote! Ayts. Pero the end is really really neaaar! Dapat di ko patatapusin pero kailangan tapusin na ang dapat tapusin. (Puro tapusin) hahaha :)
BINABASA MO ANG
Buhay With Barkada (on-going)
HumorStoryang walang iwanan. Hanggang sa dulo ba mapaninindigan? (On-going) P.s. Two Books in one story. Buhay with barkada second edition ay dito rin po nakapost! Enjoy reading. ❤️