-19-

866 29 2
                                    

Diego's POV

Oo. Aalis na kami. Kung bakit? Aayusin na yung taong papakasalan ko. Oo alam kong ilang dimensions na ang lumipas at di na uso ang arrange arrange marriage na yan. Pero no choice eh. And hulaan nyo kung sino ang i aarange marriage sken.

Si yen..

Alam kong masasaktan si neil. Pero kung ito talaga ang tadhana. Wala akong magagawa. At alam ko din ang nasa isip ni kath...

Gusto nya na umamin na ako kay julia bago ako umalis. Pero pagumamin ako. Masasaktan lang sya. Mas masasaktan ko sya kung papatagalin ko pa. Kaya may plano ako...

Mahirap pero kailangan...

Oo gusto ko si julia. Ay mali. MAHAL ko si julia. Pero im not man enough at bata pa kami to fight for her. Wala akong magagawa ngayon dahil bata pa kami. Madami pa kaming makikilala. At madami pa kaming dapat pagdaanan. Kaya kung kami talaga. Kami na. Destiny na lang siguro ang makakapagsabi kung kami talaga.

Pero ngayon..

Susulitin ko muna ang mga panahong maayos pa ang lahat...

Susulitin ko muna ang mga panahong kasama ko sya..

Yen's POV (1st taaaym)

Hay author kasi. Wala na ata kaming saysay sa story mo. Hahahaha. Puro kasi kathniel/juliego eh!!

Pero alam ko naman na alam nyo na yung arrange churva eklavu na yun. Ayoko din naman eh. Pero to pay my parents back dahil sa dami na ng nagawa nila at mabibigay o nabigay nila saakin. Siguro eto na yung payback ko.

At kung tatanungin nyo ko kung nasabi ko na kay neil? Well..

Actually...

Hindi pa..

Ang hirap kaya!! Mahal mo tapos hihiwalayan mo? Hala. Aba matinde.

Di ko kaya. Pero at the end of this 2nd day namin..

Sasabihin ko na..

Nagiipon na ako ng lakas ng loob. Kaya ko to..

Makakaya ng barkada to..

Diego's POV

Nandito kami ngayon sa beach. Ang saya saya nila. Nakakatuwa silang pagmasdan. Kaya lang..

Last day na bukas..

Sinabi saken ni yen na sasabihin na daw nya kay neil..

(Flashback)

Nasa kwarto ako kasi kakatapos ko lang kumain. Nakaupo lang ako habang iniisip kung paano sisimulan ang plano ko..

Kaya lang biglang may kumatok sa pinto..

Si yen pla.

"Yen..."

"Uhm. Diego. Siguro ang unfair naman kung. Di natin sasabihin sakanila diba? Mamayang gabi. Mamaya ko na sasabihin kay neil. And you... You better tell julia na."

"Ahhm. Ok sge. Manayang gabi. Pagtapos ng bonfire."

So mamaya na. This is it.

(End of flashback)

So iniisip ko na yung mga sasabihin ko. Iniisip ko na kung anong mangyayari sa barkada namin. Kung paano na ako.. Paano na kami..

I need to let her go. I really need to. At nararamdaman ko na ngayon na ang oras..

Palubog na ang araw..

At eto ang favorite nyang part ng oras..

Ang sunset..

Tapos na magswimming si julia at hinihintay ko sya salabas ng hotel room nila. Yayayain ko muna sya maglakad lakad. At tska ko na sasabihin sa kanya lahat..

Pati ang nararamdaman ko..

Pati yung pag migrate ko..

Nasabi ko na kay kath yung arrange marriage

At nasabi ko na din yung plano kong sabihin kay julia lahat lahat..

Mga ilang minuto ang lumipas at lumabas na din sa wakas di julia..

"AY GWAPONG NILALALANG!" Cute nya magulat.

Nginitian ko sya sabay sabi ng. "So nagwagwapuhan ka na sakin nyan?"

"Aha ha ha. Bat ka kasi nandyan?"

"Aayain sana ktang maglakad lakad eh. Tara?"

Namula sya sa sinabi ko at tumango na lang. Hinawakan ko yung kamay nya. Aba last chancing ko na to ah. Hindi naman nya tinanggal.

Naglakad lakad kami. Wala na masyadong tao. At eto na nga. Palubog na ang araw. At kitang kita ito mula sa kinatatayuan namin.

"Ang ganda no?" Sabi ni julia.

"Pero mas maganda ka."

"Cheesy naman neto. Hahaha." Tapos namula nanaman sya.

"Uhm julia.."

"Baket?"

"Promise mo mumuna sakin na di ka magagalit kahit anong mangyari."

"Uhmmmm. Hahahaha sgesge. Promise. Kahit anong sabihin mo. Di ako magagalit." With matching taas kamay pa yan ah. Parang honesto.

"So andito na nga ako. Julia simula palang talaga mahal na kita. Alam kong ang tanga tanga ko para hindi umamin agad sayo. Sobrang saya ko nung niyaya kita lumabas. Halos malalaglag puso ko nung nakita kitang ngumiti. Alam kong ang baduy ng ginagawa ko ngayon. Gusto ko maging tayo pero..

Pero hindi pwede. Hindi pwede kasi aalis na ako ng pilipinas. I aarange marriage ako ng mga magulang ko. At kay yen yun. Pagtapos na pagtapos netong boracay natin aalis na ako. Iiwan si dj dito. At hindi pa nya to alam. Kanina lang kasi nasabi na ata ni kath. Julia sorry sa pagiging torpe. Kung simula palang pala dati sana umamin na ako. Kung alam ko lang ganito mangyayari sana may nagawa na akong move. Kaso wala eh. I know its too late. Mahal kita julia at sana maging masaya ka sa piling ng iba pag nawala ako.

Mahal kita..

Kaya im letting you go."

Julia's POV

Niyakap ko si diego matapos nung sinabi nya..

"Mahal din kita diego. Mahal na mahal."

Pagkatapos kong sabihin yan ay wala nang nagsalita. Kasabay ng paglubog ng araw ang syang paglitaw ng mga luha ko.

Ayokong umiyak sa harap nya. Ayokong panghinaan sya. Pero angsakit kasi talaga eh. Parang minurder yung puso ko ng maraming beses. Mahal ko din sya kaya im letting him go also.

Sana maging masaya sya..

Sana maging masaya din ako..

Kahit alam kong mahirap..

Para kay diego..

I'll be strong.

Kath's POV

Napagdisisyonan ng barkada na kinabukasan ay magbobonding kami. Di namin iisipin yung pagalis ni diego at yen. Pero halata sa mga mukha namin na problemado kami. Lalo na si julia at neil. Kitang kita sa mukha ni ang lungkot. Naawa tuloy ako sakanila. Di ko magawang magsalita o magcomfort kasi lalo lang kaming magiiyakan dito. Nasa bonfire kaming lahat ngayon. Nakatitig lang sa apoy.

Walang nagsasalita.

Walang umiimik.

Mawawalan kami ng dalawang member ng barkada

At mawawala na din ang sigla ng barkada.

Lalo na pagumalis sila..

An: short update ba? Sorry poooo!! So this update is for clearing things out! Ang drama netong chapter nato. And btw. Mga 2-5 na lang siguro and matapos na to. Magfeedback na lang kayo kung gusto nyo ng book two. :) anywaaays. Sorry kung may nga typos! Phone lang gamit ko eh. Sarreh!! Will finish this before classes! Vote. Comment and spread.

Lotslove. Author. :)

Buhay With Barkada (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon