Epilogue
Kathryn bernardo. Ang taong hindi pa nagkakaboyfriend Nasagot kaya ang tanong na "sino kaya ang makakapagpatibok ng puso nya?"
Kath's POV
Oo na. Nbsb na ako. Pero yung tanong na "sino kaya ang makakapagpatibok ng puso nya?" Sa age ko bilang high school student na graduating na din. Wala pa. Sa kwento na to? Wala. Crush oo. Pero puppy love lang yun. Di lang kaya kayo yung nagaabang kung sino makakapagpatibok netong never been inlove kong heart!! Pero waait. Si juls din kayaaa!! :p choosy kame kaya wala pa hanggang ngayon yung love love na yan!! Siguro this school year? Siguro. We will see ;)
-
Daniel Padilla, ang casanova ng barkada. Ang lalaking nagpapaikot ng babae. Ang taong walang sineryoso na kahit sino. Nahanap na kaya nya ang babaeng mamahalin nya?
Daniel's POV
Babaeng mamahalin? Si kath? Si liza? Aba ewan. Naguguluhan ako eh. Kasi tingnan nyo. Si kath. Mas close kay diego. Si liza mas close saken. Si kath matagal ko ng kasama kaso mukhang wala naman ako chance sa kanya. Si liza naman, saglit ko pa lang kilala pero magaan naman na loob ko sakanya. Yun nga lang. Di ko pa sya ganun ka "like" i mean attracted oo. Crush ko sila? Siguro. Si kath kasi love ko na yan dati eh. Pero parang medyo nagfade. Simula nung 1st day namin sa bora. Yung parang umiiwas sya. O ako lang nakakaramdam. Aish! Oo na. Ako na magulo. Tss. Pero. Sino kaya talaga ang babae para sakin. Sino kaya talaga ang babaeng aking mamahalin?
-
Julia Montes, babaeng matapang. Babaeng mapili. Medyo mapait ang naging karanasan dito sa story na ito. Hahahaha sorry juls! Pero. Napili na kaya nya ang mr.right nya?
Julia's POV
Hays. Ako na nga yung iniwan. Ako parin yung may mapait na karanasan.
(Author: juls. It's part of moving on.)
Ha ha ha. Nakakatawa. Tss! Pero ako? Nakapili ng mr.right? Oo nakapili na nga ako. Pero anong nangyare? Edi iniwan ako. Ganyan naman eh. Kapag mahal mo na. Tska ka iiwan. Pag hindi mo naman gusto, yun naman yung laging nandyan. Aba matinde! Sana naman kung magkakabook 2 tong story na to. Pagandahin naman yung sa side ko! Masakit kayaaaa!! Nakakaiyak ang lahat ng pangyayare. Anyway highway. Basta. Magulo ang buhay ko para i explain pa sainyo. And sana magrequest kayo ng book 2. At pasabi na pagandahin yung lovelife ko! Kaloka.
-
Diego Loyzaga, kapatid ni daniel. Nasakanya na. Pero kailangan nya pangiwanan. Yun siguro yung next girl na sinasabi nya na pumasok sa buhay nya para mahalin nya
Diego's POV
Si julia. Mahal ko. Pero kailangang pakawalan ko. Kainis no? Mahal nyo na isa't isa. Pero hindi magiging kayo. Siguro kasi hindi talaga kami para sa isa't isa. Siguro may iba pang nakatadhana sakanya o sakin. Pero sana sa pagalis ko. Maging masaya sya. Ayoko naman kasing paghintayin si julia. Masgugustuhin ko pang ako yung maghintay sakanya. Pero thats life. Hindi naman natin kayang magdikta ng nga mangyayare. Hindi rin natin kayang pigilin to. Pero ang natutunan ko? Ang isa sa mga corny na lines..
"If you really love the person, you need to let the go.."
Gasgas na ata yan? Pero yan talaga yung para sakin. Mahal ko si julia. Kaya papakawalan ko sya. Pero sana..
Sana ang susunod na magmahal sa kanya, ay kayang tumbasan yung pagmamahal ko sa kanya.. :):
-
Sa storyang to. Itong apat na ito ang naging bida. Kasama pa ang iba nilang barkada. Sa huli, hindi man sila magsamasama. Sana hindi nila makalimutan ang isa't isa. Kasi sa storyang to. Hindi lang naman puro love. Kundi puro tiwala, samahan ay kaligayahan.
Hindi man naging happy ending atleast sumaya sila kahit sa ilang sandali. Lumigaya sila kahit sa umpisa.
Eto na ang last chapter ng kanilang barkada..
Pero gusto nyo pa ba ng isa pa? Uhmm. Sabihin nyo lang. Im ready :)
So hanggang sa muli!
Eto ang storyang DAPAT walang iwanan. Storyang samahan ng barkada. Storyang about sa buhay nila. Salamat sa pagsuporta.
Alalahanin nyo ang bawat aral na natutunan nyo. Kasi baka magamit nyo rin ito. Pagbuhay nyo naman ng barkada mo..
Maraming maraming maraming salamat.. ❤️
An: dapat bukas pa to eh. Kasi 2 updates na nagawa ko. Kaso baka maging busy ulit tapos pasukan na. Edi hindi ko na matatapos. So this is the laaaast!! sana nagenjoy kayo sa buhay nilang lahat :) comment lang kung gusto nyo ng part twooo. btw. have a blast sa schooool!! :)
BINABASA MO ANG
Buhay With Barkada (on-going)
HumorStoryang walang iwanan. Hanggang sa dulo ba mapaninindigan? (On-going) P.s. Two Books in one story. Buhay with barkada second edition ay dito rin po nakapost! Enjoy reading. ❤️