"Madam, matagal ka pa ba?" bungad na tanong ng kapatid kong si Raylen nang sagutin ko 'yung tawag niya. "Nandito na kami."
"Kadarating ko lang po ng condo, Sir," pamimilosopo ko. "Mag-aayos lang po ako saglit. Susunod rin po agad ako riyan pagkatapos."
Tumawa siya sa kabilang linya. "Sige, madam. Bye na. Ingat."
Literal na kauuwi ko lang galing ng airport kasi katatapos lang ng flight ko. Dalawang legs 'yung flight: Manila to Cebu at Cebu to Manila. Na-delay pa 'yung flight kanina dahil sa weather pero mabuti na lang at um-okay rin 'yung weather kaya nakabalik kami agad ng Manila.
Mabuti na lang din at hindi ako sobrang pagod kaya may energy pa ako para i-celebrate 'yung birthday ng kapatid ko kasama siya at 'yung bestfriend niya. Magdi-dinner lang naman kami sa labas at siguro ay iinom nang kaonti pagkatapos. Iyon lang yata 'yung gagawin namin the whole night.
Bawal naming suotin na pang-gala 'yung airline uniform namin kaya kinailangan ko talagang bumalik sa condo ko para magbihis. Mabilis akong naligo at nag-ayos kasi medyo apurado 'yung kapatid ko. Chat nang chat kung nasaan na raw ako.
Pagdating ko sa restaurant ay nandoon na siya at 'yung bestfriend niyang si Kenzo. Umupo ako sa harap nilang dalawa at saka um-order na agad. Talagang hinintay pa nilang dumating ako bago sila nag-order. Nag-expect pa naman akong may pagkain na pagdating ko.
Nag-small talks lang kami ng kapatid ko. Hindi kami close ng bestfriend niya — hindi na — kaya hindi kami nag-uusap. Nagtitinginan lang kami ng ilang segundo at saka umiiwas din. Medyo awkward nang kaonti pero kebs lang. Sanay na rin kasi ako.
Hindi hundred percent okay sa akin na nandito 'yung bestfriend niya pero wala naman akong magagawa kasi birthday niya 'to kaya siya ang masusunod. Ang lalim din kasi talaga ng pagkakaibigan nilang dalawa kaya mahirap silang buwagin.
Ayokong magpaka-bitter sa presensya ng bestfriend niya kaya in-enjoy ko na lang 'yung pagkain. Okay lang naman 'yung pagkain. It doesn't taste special. Akala ko sobrang sarap kasi medyo fancy 'yung resto pero hindi, eh.
Wow. Ang kapal ng mukha kong magreklamo, ah.
"Sian? Hoy!"
Nagulat ako nang biglang may babaeng lumapit sa table namin at tumawag sa pangalan ko. Tinitigan ko siya at inisip ko nang ilang segundo kung sino siya at kung saan kami nagkita. It took me so long to recognize her.
"Marina? Hoy, gaga!"
Excited akong tumayo at yumakap sa kanya. Shit. Ang tagal na naming 'di nagkita. Ilang taon na rin yata. College friend ko siya at dahil nag-drop out ako sa college dati ay 'di na kami nagkita. Nagcha-chat kami pero sobrang minsan lang kasi nga busy na sa kanya-kanya naming buhay.
Hindi ako makapaniwala na nagkita ulit kami. Sobrang close kami noong college kaya hindi ko mapigilang matuwa nang magkita ulit kami. Sobrang intense ng kumustahan. Hindi ko alam kung ano'ng una kong itatanong sa kanya.
Sa gitna ng intense naming kumustahan ay napatingin siya sa mga kasama ko. Nagpakilala si Raylen kasi hindi pa sila nagkikita ni Marina. Si Kenzo naman ay ngumiti lang kasi magkakilala naman na sila ni Marina. Parehas kasing architecture 'yung kurso naming tatlo no'ng college. Sila nga lang 'yung naka-graduate sa kursong 'yon kasi nag-shift ako.
Ngumisi sa 'kin si Marina. "Nagkabalikan pala kayo ni Kenzo?"
Tumigil 'yung mundo ko sa tanong niya.
'Yung excitement at tuwa ay nawala. Something inside me started sinking. Something inside me immediately died a little.
Kasabay nang pagtigil ng mundo ko ay ang pagsulyap ko kay Kenzo. Hindi ko alam kung paano ko pa siya nagawang sulyapan sa gitna ng mundo kong nakatigil. Nang magtagpo 'yung tingin naming dalawa ay agad akong nalunod sa lamig ng mga mata niya.
Hindi naman gano'n 'yung mga mata niya kanina. They weren't warm but they weren't cold either. I wonder what made them change. It was so weird.
Time heals all wounds, ika nga. Pero hindi ko alam kung bakit sa haba ng panahon na ginugol ko para kalimutan ang sakit ay parang hindi naman 'yon gumagaling. Parang walang nagbago sa 'kin. Parang 'di ako natuto. Parang wala akong ipinagbago. Parang nakatayo pa rin ako sa kung saan kami naghiwalay.
Nandoon pa rin ako. Akala ko ay ang layo ko na pero tangina, nandoon pa rin pala ako. Wala pala akong ginawang kahit isang hakbang. Nakatunganga lang pala ako.
Nagpatuloy 'yung mundo at ibinalik ko 'yung tingin ko kay Marina. Ngumiti ako at umiling. Hindi ko na narinig ang ingay ng mundong nagpatuloy kasi nilamon na ako ng kalungkutan at ng nakaraan ko.
Kung alam ko lang na sa araw na 'to ay hahabulin lang din ako ng mga alaalang pilit kong tinatakbuhan, sana pala ay nag-isip ako dati.
Sana pala ay nakinig na lang ako sa sarili ko.
Sana pala 'di na lang ako sumubok.
Sana pala 'di ko na lang siya tiningnan.
Wala sana akong mga matang iiwasan ngayon.
BINABASA MO ANG
The Rhythm Of Our Fragments
RomanceWith zero plans of falling in love, Sian was firm with her goals: to finish her studies and to never be involved in the abusive and tough love her mother went through. But just as she started building walls to guard herself, Kenzo, a friend of a fri...