13

87 1 0
                                        

Alas dose na pero gising pa rin ako.


Kaninang alas nuebe pa ako antok na antok pero dahil gusto pang manood ni Mailey ng cartoons ay 'di pa ako makapagpahinga. Kailangan ko siyang samahan kasi kaming dalawa lang ang nasa bahay. Nag-out of town kasi si Lara for three days para sa trabaho at sa Lunes pa 'yung balik niya.


Hindi naman apektado ng pag-alis niya 'yung class schedule ko kasi weekend din naman. Hindi niya rin ako papapasukin sa trabaho para may mag-alaga kay Mailey habang wala siya pero sinabi niya namang babayaran niya ako. So, basically, makakapag-pahinga ako sa weekend. Ang tanging aalahanin ko lang ay si Mailey.


Halos ala una na ng madaling araw nang makatulog si Mailey. Iyak pa siya nang iyak kanina kasi hinahanap niya si Lara. Nahirapan tuloy akong patahanin siya. Tumabi ako sa kanya sa pagtulog at nang mahiga ako ay literal na para akong nalusaw sa kama ko sa sobrang antok. Nakatulog agad ako sa pagod.


Maaga akong gumising kinabukasan para pakainin si Mailey. Buong umaga ay abala ako sa paglilinis. Mabuti na lang talaga at wala akong nakatambak na school works kaya matututukan ko siya.


Nang dumating ang tanghali ay ipinatulog ko si Mailey. Nakahiga lang ako sa tabi niya at nagso-scroll sa social media. Biglang nag-chat si Kenzo. Binasa ko lang sa notifications bar 'yung chat niya pero 'di ko in-open. Ang kaso, nangulit siya nang nangulit kaya sa huli ay binuksan ko na lang din 'yung chat niya.


Kenzo Janolino

marj hehe

marjjjjjj

uy

online ka ba?

what if...

what if mag-friendly date tayo

hehehe ^^


Napairap ako.


Elysian Cervantes

pass


Kenzo Janolino

hala why? :<

'di mo ba ako miss :<

i miss you kasi, eh :<


Elysian Cervantes

binabantayan ko si Mailey


Kenzo Janolino

oh

what if...


Elysian Cervantes

ayan ka na naman sa what ifs mo


Kenzo Janolino

what if punta na lang ako diyan

tulungan kitang magbantay kay Mailey

bored ako, eh, wala akong magawa

'di ako magtatagal, promise

The Rhythm Of Our FragmentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon