Gulat ko siyang tiningnan.
"Kenzo, alam mo ba kung taga saan ako?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Villarreal," sagot niya.
"At alam mo ba kung ilang oras ang biyahe?"
"More than eight hours via bus pero 'pag private na sasakyan ang gamit, kaya 'yon ng around six hours lang," paliwanag niya. Nakita niya ang gulat sa mukha ko. "Okay, before you get all confused. I go to Villarreal at least once a month kaya alam ko."
"Ano'ng ginagawa mo ro'n?"
"Kung ayaw mong abutan tayo ng pitong oras sa biyahe, mamaya na 'yang mga tanong mo," sabi niya. Tumitig siya sa 'kin. "Do you want my offer? Huwag kang mag-alala, hindi kita pagbabayarin."
Tumitig din ako kay Kenzo. Masyado nang pre-occupied ang utak ko sa pag-aalala sa kapatid ko kaya tumango na agad ako. Sa sobrang desperate ng sitwasyon, ni hindi ko na inisip na nakainom nga pala si Kenzo.
Pero may tiwala naman ako sa kanya.
Kahit papaano ay sigurado naman ako na mag-iingat siya. Hindi naman siguro siya mag-ooffer na ihatid ako papunta ng Villarreal kung 'di niya kayang magmaneho.
Ilang saglit lang ay nasa pickup na kaming dalawa ni Kenzo. Una sa lahat, alam ko naman na may kaya talaga sa buhay sina Kenzo pero 'di ko alam na may sasakyan siya na kanya talaga. Yayamanin pala talaga siya. Medyo hindi kasi halata.
Nagsimula nang umandar 'yung sasakyan at nakatingin lang ako sa harap. Iniisip ko kung papaano ko ikakansela 'yung lahat ng kailangan kong gawin bukas. Importante ang mga 'yon pero again, mas importante 'yung kaligtasan ng kapatid ko.
Malapit nang mag-alas nuebe ng gabi at alam ko na mamayang madaling-araw pa kami makakadating ng Villarreal. Sumandal ako at pumikit para makapag-isip pa lalo. Na-overwhelm ako sa dami ng nangyayari lalo na't biglaan. Lagi naman akong stress pero 'di ako sanay sa ganitong level ng stress.
Iba kasi talaga kapag tungkol na kay Raylen. Handa talaga akong i-set aside ang lahat ng kailangan kong gawin para lang sa kanya kasi gano'n ko siya pinapahalagahan.
Kung pwede ko lang siyang dalhin dito sa Maynila para magkasama kami palagi ay talagang gagawin ko. Ang kaso, hindi naman pwede kasi si Mama naman ang walang kasama sa Villarreal. Bwesit kasi talaga 'tong tatay ko. Hindi niya na nga kayang magpaka-ama sa amin, nananakit pa.
Dumilat ako nang maramdaman kong may telang ipinatong si Kenzo sa katawan ko. Kumot 'yon. Mabilis akong lamigin kaya binalot ko 'yon agad sa katawan ko at saka pumikit ulit.
Sinubukan kong matulog pero 'di ako mapakali sa kaiisip sa kapatid ko. Magka-text kaming dalawa. Wala raw siyang kasama sa bahay ngayon kasi 'di pa sigurado si Mama kung makakauwi ba siya nang maaga. Mas lalo lang akong nag-alala kasi baka bigla na namang umuwi si Papa.
Mabilis 'yung takbo ni Kenzo. Medyo kinakabahan ako sa bilis pero alam ko naman na skilled siya sa pagmamaneho kaya 'di ako tuluyang nagpalamon sa kaba ko. Mas mabuting na ring mabilis ang takbo niya para 'di rin kami masyadong matagalan.

BINABASA MO ANG
The Rhythm Of Our Fragments
RomansaWith zero plans of falling in love, Sian was firm with her goals: to finish her studies and to never be involved in the abusive and tough love her mother went through. But just as she started building walls to guard herself, Kenzo, a friend of a fri...