Mabigat ang loob ko.
Lunes na ngayon at kahapon ay bumalik na kami ni Kenzo ng Maynila. Nalulungkot ako at hindi ako makapag-focus sa klase kasi palagi kong iniisip 'yung kapatid ko. Nag-aalala ako sa kanya lalo na kasi most of the time ay mag-isa lang siya sa bahay. Hindi ako mapakali.
Binilhan ko ng charger 'yung lumang cellphone sa bahay kahapon. Nakiki-charge lang kasi sa kapitbahay namin si Raylen para lang magamit niya 'yung cellphone na maya't maya ay namamatay dahil sa kalumaan. Bibilhan ko siya ng cellphone sa susunod sa sahod ko para ma-contact ko siya palagi. Ang hirap kasi 'pag 'di ko siya nakakausap.
Hindi naman umuwi si Papa noong nandoon kami sa bahay kaya 'di nagkagulo. Nakauwi si Mama at nagkausap sila ni Kenzo saglit. Ayaw niya pang maniwala na kaibigan ko lang si Kenzo. Ipinipilit niya na nagsisinungaling lang daw ako at ayaw ko lang daw na umamin.
Ayaw niyang nagbo-boyfriend ako at wala rin naman iyon sa plano ko kaya talagang napikon ako kay Mama dahil sobra siyang magduda. Gano'n talaga siya minsan. Ayaw makinig sa explanation ko.
Gabi na ngayon at tapos na 'yung araw ko. Wala akong schedule na performance sa pub ngayon pero katatapos lang ng shift ko sa resto. Busy kapag gabi kaya 'di ako masyadong nakapagpahinga kanina. Ngayon lang ako nakapagpahinga kasi nasa loob ako ng convenience store.
Gaya ng lagi kong ginagawa after duty, iniinom ko na naman 'yung favorite kong chocolate drink. At gaya ng palaging nangyayari, kasama ko na naman si Kenzo. Nakapangalumbaba siya habang pinapanood akong ini-enjoy 'yung iniinom ko.
Palagi kaming magkasama ni Kenzo. Kung tutuusin nga ay mas nakakasama ko pa siya kaysa kay Claire o kay Marina. Mas lalo lang kaming naging malapit sa isa't isa noong hinatid at sinamahan niya ako sa Villarreal. Dikit kasi siya nang dikit.
Uy, 'di ako nagrereklamo, ah.
Ang sarap niya kayang kasama.
"Ano'ng oras ang klase mo bukas?" tanong ko.
"7:30."
"O, ba't ka pa nandito? Wala ka pa bang balak na umuwi? Alas diez na," sabi ko.
"Mamaya na. Nandito ka pa, eh," aniya. "Hintayin ko lang na sunduin ka ni Esme saka ako uuwi."
"Hindi niya ako susunduin. Maghahanap na lang ako ng masasakyan pauwi," sabi ko.
"Ako!" agad na sabi niya. Kumunot ang noo ko kaya nakita kong nagbago rin ang expression ng mukha niya. Mukhang na-realize niya yata 'yung sinabi niya. "I mean, ako. Ihahatid na lang kita pauwi. For free. Walang bayad. Promise."
"For free na, walang bayad pa. Redundant," natatawang sabi ko. "Wala nang libre sa panahon ngayon, Ken. Lahat binabayaran na."
"Hindi ako tumatanggap ng bayad."
"Hindi ako makakatulog niyan mamaya 'pag 'di mo ako pinagbayad, sige ka," pagpapakaba ko sa kanya. Actually, totoo naman talaga. Mahihirapan akong matulog 'pag may utang ako sa tao.
BINABASA MO ANG
The Rhythm Of Our Fragments
RomanceWith zero plans of falling in love, Sian was firm with her goals: to finish her studies and to never be involved in the abusive and tough love her mother went through. But just as she started building walls to guard herself, Kenzo, a friend of a fri...