01

247 5 0
                                    

Taimtim akong nakinig sa chismis ni Claire.


Hindi siya nauubusan ng sasabihin. Sa dami ng nangyayari sa buhay niya, parang 'di kumpleto ang araw ko 'pag wala siyang hot issue na kinukwento sa 'kin. Minsan, 'di ko rin alam kung bakit lapitin siya ng gulo. Posible bang maging magnet ng problema 'yung isang tao?


Kinukwento niya sa 'kin 'yung pamamahiya raw sa kanya ng professor niya kaninang umaga. Nahuli siyang natutulog sa gitna ng klase kaya ginising siya para mag-recite. Hindi siya nakasagot kaya ipinahiya siya.


"Galit na galit pa rin talaga ako hanggang ngayon, girl. As in," triggered na aniya. "Kasalanan ko naman talaga na nakatulog ako at 'di ako nakasagot kasi 'di ako nakapag-review pero tama bang tawagin niya akong malandi at bobo sa harap ng mga kaklase ko? Gago talaga 'yung kalbong 'yon!"


"Girl, ibagsak mo na lang 'yon sa evaluation," suggestion ko.


"Talagang ibabagsak ko siya!" galit na aniya. Napatingin tuloy sa amin 'yung mga tao sa kabilang table ng study area. "Hindi ko talaga siya palalampasin. 'Di naman kasi porke't 'di ako nakasagot ay malandi at bobo na agad ako. Kayang-kaya kong i-perfect 'yung exam niya nang 'di ako nagre-review, 'no! 'Di lang talaga ako nakasagot kanina kasi may hangover ako."


Napailing na lang ako at bumalik na sa binabasa ko kanina. Nakapag-aral na ako kagabi para sa long quiz ko mamayang hapon pero binabasa ko pa rin 'yung notes ko para lang makasiguro.


Habang nakayuko ako ay biglang may dumating. Napatingala ako sa kadarating lang na si Kenzo. Kaibigan siya ni Claire pero kahit may mutual friend kaming dalawa ay hindi kami close. Hindi naman talaga siya stranger para sa 'kin pero 'di rin kami friends. Magkakilala lang.


Medyo na-disappoint ako kasi mag-isa lang siyang dumating. Akala ko kasi ay kasama niya 'yung crush kong si Jiro. Palagi kasi silang magkasama kaya weird na mag-isa lang siya ngayon.


Ngumiti sa 'kin si Kenzo kaya ngumiti rin ako pabalik. Mabait naman siya pero 'di lang talaga ako friendly pagdating sa mga lalaki kaya 'di ko talaga siya kinakausap. Nakapag-usap naman na kami dati pero small talks lang 'yon kasi 'di naman kami close.


Umupo siya sa harap ko at ngayon ay magkatabi na sila ni Claire. Siyempre, ikinuwento ni Claire 'yung nangyari sa kanya kaninang umaga kay Kenzo. Nakinig lang ako sa pag-uusap nila habang nagsi-sketch ako sa notebook ko. Ginawa ko na lang na background music 'yung boses ni Claire sa pagdi-drawing ko.


'Di nagtagal ay biglang tinawagan si Claire ng kasama niya sa group activity nila kaya kinailangan niyang umalis. Walang bakante sa library 'pag lunch time kaya nagpaiwan na lang muna ako sa study area. Akala ko ay sasama si Kenzo sa pag-alis ni Claire pero nagpaiwan siya kaya nakakailang tuloy.


Tahimik kaming dalawa. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya 'di ko binuka 'yung bibig ko. Hindi ko rin siya tiningnan kahit alam kong nakatingin siya sa 'kin. Grabe. Sobrang awkward. Ba't ba kasi siya nagpaiwan?


At ba't ba siya nakatingin?


Patago akong sumulyap sa kanya nang 'di magtagal ay naramdaman kong 'di na siya nakatingin sa 'kin. Ang kaso, nakatingin pa rin pala siya kaya nagtama ang tingin naming dalawa. Tinaasan ko siya ng kilay pero 'di naman 'yung nagtataray. Iyon bang tinatanong ko siya kung ano ang kailangan niya at nakatingin siya.

The Rhythm Of Our FragmentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon