'Di ko inisip 'yung sinabi ni Kenzo.
Hanggang sa magkita ulit kami kinagabihan para uminom at i-celebrate 'yung birthday ko ay 'di ko pa rin sineryoso 'yung sinabi niya. Madaling magsabi ng mga bagay 'pag masama ang timpla mo. Alam kong kapag okay na siya ay pagsisisihan niya rin 'yung sinabi niya. Kung ako kasi 'yung nasa lugar niya ay pagsisisihan ko rin talaga 'yung life decisions ko.
O baka ako lang 'yon.
Magkatabi kasi kami ni Kenzo at wala naman akong nakikitang pagsisisi sa mukha niya. Chill lang naman siya at umiinom lang na parang wala siyang kalokohang sinabi kanina. Nag-uusap kami nang casual paminsan-minsan kaya medyo naisip ko rin na baka 'di niya alam kung ano ang laman ng sinabi niya.
Mas mabuti na rin siguro 'yon.
Habang umiikot 'yung baso ay nag-uusap-usap lang kami. Alam ni Lara na umalis ako kaya kahit na alas onse na ng gabi ngayon ay 'di ako nabahala. Kami-kami lang naman 'yung mga magkakasama — ako, si Claire, Rina, Jiro, Dandy, Esme, Matthew, Kenzo, at Oliver. Nandito kami sa bar na pag-aari daw ng pinsan ni Rina.
Suot ko 'yung dress na binili ko noong minsang namasyal kami ni Kenzo sa mall do'n sa Villarreal. Ang ganda talaga ng dress. Feeling ko tuloy ay ang ganda ko ngayong gabi.
"Girl, tayo ka bilis. Picture-an kita," biglang sabi ni Claire. Tumayo agad siya at naghanap ng magandang spot. "Dali. Do'n tayo."
Tumayo naman agad ako kasi wala pa akong picture ngayong gabi. Sayang naman ang outfit ko kung 'di ako magpi-picture. Minsan lang naman ako magsuot ng ganito at minsan lang din ako mag-celebrate ng birthday kaya susulitin ko na.
Lumapit ako kay Claire. Ipinaupo niya ako sa may stool at saka ipinag-pose. Hindi ako magaling mag-pose kaya kung anu-ano lang 'yung ginawa ko. Hindi rin ako masyadong pala-smile sa picture kaya most of the time ay naka-fierce ako.
Naka-semi squat si Claire para makuhanan ako ng magandang shot. Nagpo-pose naman ako sa camera. Hindi naman kami malayo sa table kaya nakikita ko na habang pinipicture-an ako ni Claire ay napapatingin sa amin 'yung iba naming mga kaibigan. Narinig ko pa nga 'yung slight na pangangantyaw ni Dandy. Epal talaga.
Tumayo si Claire at sumimangot habang nakatingin sa mga kinuha niya. "Ang off ng pagkakakuha ko."
"Pangit ba 'ko diyan?" tanong ko. Bigla tuloy akong na-conscious.
"Hoy, hindi, ah! 'Yung pagkakakuha ko talaga mismo 'yung pangit. I really need to work on this," aniya. Bigla siyang lumingon sa table namin. "Ken, halika nga. Ikaw na lang kumuha ng picture ni Sian. Dali."
Nataranta agad ako. Bago ko pa man masabi kay Claire na 'di na lang ako magpapa-picture ay nakatayo na si Kenzo. Bakit naman kasi ang bilis niyang tumayo?
"Girl, magaling 'tong kumuha ng pictures. Trust me," sabi niya sa 'kin. "Ken, doon kayong dalawa sa may unahan. Mas maganda do'n. Sige na. Ayusin mo, ah? 'Wag mong i-disappoint 'yung birthday girl."
![](https://img.wattpad.com/cover/343302106-288-k127881.jpg)
BINABASA MO ANG
The Rhythm Of Our Fragments
Storie d'amoreWith zero plans of falling in love, Sian was firm with her goals: to finish her studies and to never be involved in the abusive and tough love her mother went through. But just as she started building walls to guard herself, Kenzo, a friend of a fri...