"Magkaaway ba kayo ni Kenzo?"
Naglalakad na kami ngayon ni Esme pauwi. Ihahatid niya ako sa bahay ni Lara bago siya umuwi sa pad na inuupuhan niya. Nakaakbay na naman siya sa 'kin habang naglalakad kami.
"Hindi naman," sagot niya.
"Ano 'yung kanina?" tanong ko. "Bakit ayaw mong ihatid niya ako?"
Bumuntong-hininga si Esme. Natahimik siya sa tanong ko. Tiningnan ko siya at nakita kong ilang beses siyang nagtangkang magsalita pero 'di niya ginawa. Mukhang iniisip niya pa kung sasagutin niya ba ako ng totoo o hindi.
"Ayaw kitang ipagkatiwala ro'n," sagot niya.
"Wala ka bang tiwala sa kanya?"
"Parang gano'n na nga."
"Mukha namang mabait si Kenzo," sabi ko.
"Hindi mo pa siya kilala, Sian. Marami ka pang hindi alam tungkol sa kanya," paliwanag niya. "Madalas ko siyang kasama kaya unti-unti kong nadidiskubre kung ano'ng klaseng lalaki siya."
"Sinasabi mo bang masamang tao siya?"
"Ang daming tanong," aniya at mas lalo pang hinigpitan 'yung pag-akbay niya sa 'kin. Para na tuloy akong nasasakal. "Basta. 'Wag mo siyang masyadong pagkatiwalaan. City guy siya at alam mo naman na siguro kung ano ang mga hilig nila."
Nang makauwi ako ay laman pa rin ng isip ko 'yung sinabi ni Esme. Sigurado ako na hindi niya naman sinisiraan si Kenzo sa 'kin at alam ko na pino-protektahan niya lang ako. Hindi ko nga lang alam kung bakit. Parang harmless naman kasi si Kenzo, eh.
Hindi ko kilala si Kenzo at alam ko 'yon pero mukha naman siyang matino at mabait. Kasi kung walang kwenta siyang tao, hindi siya kakaibiganin ni Claire. Kilala ko si Claire at 'di uso sa kanya ang makisama sa mga taong ayaw niya. Hindi siya nakikipag-usap 'pag ayaw niya sa tao.
Nalilito tuloy ako kung ano 'yung ibig sabihin ni Esme.
Busy ako nang pumasok ang bagong linggo. Start na ng 2-week na training ko bilang crew. Sobrang hirap mag-balanse ng oras pero kailangan kasi wala naman akong choice. Ang hirap 'pag maraming raket. Mababaliw na yata ako sa sobrang busy at pagod ko.
Nasa cafeteria ako ngayon kasama sina Claire, Jiro, at Kenzo. Nagme-meryenda kaming apat. Magkatabi kaming dalawa ni Claire habang nasa harap naman namin sina Kenzo at Jiro na magkatabi rin. May ikinukwento si Claire pero kaming dalawa lang ni Kenzo 'yung nakikinig. Abala kasi si Jiro sa binabasa niya.
Sa gitna ng pagkukwento ni Claire, paminsan-minsan ay nagnanakaw ako ng tingin kay Jiro. Sobrang seryoso niya kaya patago akong napapangiti. May pagka-studious din pala talaga si Jiro. Parang bagay kami.
Tumigil na ako sa pagnanakaw ng tingin kay Jiro at tumitig na lang kay Claire. Habang nasa kanya 'yung tingin ko ay nararamdaman kong nakatitig sa 'kin si Kenzo. Kitang-kita ko sa peripheral vision ko na nakatitig siya sa 'kin at feeling ko ay nakangiti rin siya.

BINABASA MO ANG
The Rhythm Of Our Fragments
Roman d'amourWith zero plans of falling in love, Sian was firm with her goals: to finish her studies and to never be involved in the abusive and tough love her mother went through. But just as she started building walls to guard herself, Kenzo, a friend of a fri...