12

58 1 0
                                    

Nakipagkita pa rin ako sa kanya kinabukasan.


Hindi ko pinilit 'yung sarili kong pumayag sa alok niyang 'date'. Pumayag ako kasi ayokong mabulok sa bahay. Sayang naman 'yung bakasyon kung magmumukmok lang ako. At saka isa pa, wala rin naman si Raylen kaya wala rin akong kasama ro'n.


Sinundo niya ako bandang alas diez ng umaga. Alam kong sa farm ang punta namin pero 'di ko alam kung saang farm exactly. Kahit kasi dito ako lumaki sa Villarreal, 'di naman ako madalas gumala kaya wala akong masyadong alam. Basta farm, 'yon na 'yon.


"Do you wanna play music? Baka nabo-bored ka na," biglang aniya.


"Sige ba," agad na sabi ko.


"So, nabo-bored ka nga?"


"Wala akong sinabing gano'n. Ang OA mo talaga," natatawang sabi ko at kumunekta na sa speaker ng sasakyan niya. "Ikaw naman 'yung kasama ko, eh. Ba't ako mabo-bored?"


Hindi siya sumagot pagkatapos ng sinabi ko pero nakita ko siyang ngumiti. Pinatugtog ko 'yung 'Selfless' ng The Strokes na narinig ko lang by accident recently. Nakita kong nanlaki 'yung mga mata ni Kenzo nang marinig niya 'yung intro ng kanta. Nakangisi siyang tumingin sa 'kin.


"You know that song?" 'di makapaniwalang tanong niya. "Favorite song ko 'yan."


"Favorite song mo rin 'yan?" amazed na tanong ko.


Tumango siya at nag-apir kaming dalawa. Minsan lang mangyari sa 'kin ang ganito. Iyon bang may similarity ako sa isang tao kahit sa maliliit na bagay lang. Hindi ko tuloy mapigilang magustuhan pa lalo 'yung kanta.


"Please don't be long 'cause I want your love... I don't have love without your arm..." pagkanta ko sa chorus. "Life is too short but I will live for you..."


Kumanta lang ako hanggang sa matapos 'yung kanta. Si Kenzo naman ay naghe-head bang lang habang nagmamaneho. Sa mga panahong nakatingin ako sa bintana at tanaw 'yung dagat sa may ibaba ng pangpang ay na-realize ko randomly na 'di naman pala masamang mabuhay minsan. Masarap din naman palang maging tao minsan.


Alas onse na nang makarating kami sa farm na sinasabi ni Kenzo. Pagbaba ko ng sasakyan ay na-amaze agad ako. Puro mga puno ng niyog ang nakatirik sa lupa ng farm na sinasabi ni Kenzo. Mukha siyang private property pero feeling ko ay pwede naman yatang pumasok. Parang magbabayad ka lang yata ng entrance fee tapos okay na. Iyon 'yung first thought ko.


"Sa inyo naman pala 'to, eh," biro ko nang mabasa ko 'yung nakasulat sa malaking bakal na gate. May nakasulat kasi do'n na 'Janolino's Coconut Farm'. Janolino kasi 'yung surname ni Kenzo.


"Sa amin naman talaga 'to."


"Huh?" gulat na tanong ko sa kanya. "Sa inyo 'to? As in itong mga niyog na 'to? Lahat? Hanggang do'n sa dulo?"


Tumango lang si Kenzo kaya mas lalo akong na-amaze. Hindi pa man kami nakakapasok sa farm ay tanaw ko na kung gaano siya kalawak. Sobrang daming tanim na niyog. Ang nakakatuwa pa ay nakalinya sila kaya ang gandang tingnan.

The Rhythm Of Our FragmentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon