Nakatambay ako sa lobby ng archicture department.
Kasama ko si Marina na katawag sa cellphone niya 'yung jowa niya. Lagpas 30 minutes na rin yata akong nakikinig sa paglalambingan nilang dalawa sa tawag. Medyo corny pero gano'n naman talaga 'pag nasa isang relasyon, eh. Nagiging corny talaga.
Tumingin ulit ako sa cellphone ko. Tiningnan ko 'yung chat ko kay Kenzo na isang oras nang naka-deliver. Active siya 15 minutes ago pero 'di man lang siya nag-reply sa chat ko. Medyo nakakapanibago kasi lagi naman siyang nagre-reply sa 'kin. Kahit nga nasa gitna siya ng klase minsan ay nagre-reply siya, eh.
Itinago ko na lang ulit 'yung cellphone ko sa bag ko. May usapan kasi kami ni Kenzo kagabi na magpapasama ako sa kanyang bumili ng baking ingredients mamaya 'pag nag-dismissal. Pumayag naman siya pero palagay ko ay busy siya kaya baka ako mag-solo flight na lang ako mamaya. Ayos lang. Kaya ko naman, eh.
Sabay kaming kumain ng lunch ni Marina sa isang karinderya sa gilid lang ng university. Hindi pa rin nagre-reply sa 'kin si Kenzo pero noong huling check ko kanina ay active naman siya. Hindi na ulit ako nag-chat at pinabayaan na lang siya. Baka nakalimutan niya. Ayoko naman siyang i-remind. Aalis na lang talaga akong mag-isa mamaya.
Habang kumakain kami ni Marina ay nahagip ng mata ko si Kenzo na dumaan. May kasama siyang babae. Hindi ko gaanong namukhaan 'yung babae pero kung iba-base sa buhok ay 'yon yata 'yung babaeng kausap niya sa pub noong minsang uminom siya kasama 'yung mga blockmates niya.
Hindi niya ako nakita. Hindi ko rin siya tinawag. Magkausap kasi sila ng babae kaya 'di ko na inistorbo 'yung moment nila. Nakakahiya naman kasi.
Bumalik na lang ko sa pagkain at nakinig na lang si kwento ni Marina. Habang nagsasalita siya ay 'di ko mapigilang makaramdam ng kaonting sama ng loob. Kaonti lang naman. As in sobrang light lang. Parang tampo lang yata 'tong nararamdaman ko.
Ang problema nga lang ay 'di ko alam kung saan 'to galing. Bakit naman kasi ako magtatampo, 'di ba? Dahil ba 'di siya nag-reply? Dahil ba nakalimutan niya 'yung usapan namin? O dahil ba may kasama siyang iba?
Ewan. Wala akong time na mag-isip pa.
Nang dumating 'yung dismissal kinahapunan ay nakatanggap ako ng mga chat kay Kenzo. Nag-text at nag-missed call din siya sa 'kin kanina. Nasa gitna ako ng klase kaya 'di ko siya nareply-an. Ngayong palabas na ako ng university ay wala pa rin akong balak na reply-an siya. Itinago ko sa bag ko 'yung cellphone at nilabas 'yung listahan ng mga kailangan kong bilhin.
Habang nasa loob na ako ng grocery store ay ramdam na ramdam ko 'yung pag-vibrate ng cellphone ko sa loob ng bag ko. Alam kong tumatawag siya pero wala akong balak na sagutin 'yon. Medyo kailangan ko ring magmadali kasi gusto kong matulog pag-uwi. Wala kasi akong schedule mamaya sa pub at saka sakto ring bukas pa 'yung duty ko sa resto kaya magpapahinga ako.
Kaso nang makita ko si Kenzo na nakasandal sa sasakyan niya paglabas ko ng grocery ay alam ko na agad na gagabihin na naman ako.
Nakasimangot siyang lumapit sa 'kin. "Ba't 'di mo sinasagot 'yung tawag ko?"
![](https://img.wattpad.com/cover/343302106-288-k127881.jpg)
BINABASA MO ANG
The Rhythm Of Our Fragments
RomanceWith zero plans of falling in love, Sian was firm with her goals: to finish her studies and to never be involved in the abusive and tough love her mother went through. But just as she started building walls to guard herself, Kenzo, a friend of a fri...