Awkward kaming nakatitig sa isa't isa.
Nakatayo siya sa harap ko at may hawak na cake. Pakiramdam ko ay nag-iilusyon lang ako na nandito siya pero nang ngitian niya ako ay saka ko lang napagtanto na totoong nasa harap ko siya.
Ewan ko kung ano'ng nakain ko pero ang una kong ginawa ay ang tumakbo sa kanya at yumakap. Hindi na ako nag-isip. Basta na lang akong tumakbo sa kanya na parang bata at yumakap sa baywang niya nang sobrang higpit.
Iyon bang parang limang taon kaming 'di nagkita.
Iyon bang parang kay tagal ko siyang hinintay.
Iyon bang parang labis 'yung pangungulila ko sa kanya.
'Yung totoo ay wala naman talagang 'parang' ang lahat ng 'yon.
Dahil na rin siguro sa gulat ay 'di niya nasuklian 'yung mahigpit na yakap ko pero kahit papaano ay naramdaman ko naman na hinaplos niya 'yung likod ko. Sobrang comforting ng init at amoy ni Kenzo na para bang ayaw ko nang kumalas sa yakap ko sa kanya.
Pero 'di nagtagal ay parang natauhan ako kaya kumalas na rin ako sa yakap ko sa kanya. Tiningala ko siya at binigyan ng malawak na ngisi. Nakatitig lang siya sa 'kin na para bang takang-taka siya sa ginawa ko.
Understandable. Maging ako rin naman ay nagtaka sa sarili ko.
"Ako ba ang ipinunta mo?" tanong ko kahit sa utak ko ay alam ko naman na talaga ang sagot. "Happy new year nga pala. Mabuti at napadalaw ka."
"Happy new year din," sagot niya.
Kita ko pa rin ang gulat sa mukha ni Kenzo kaya napakamot ako sa ulo ko. Wrong move ba 'yung pagyakap ko sa kanya? Hindi niya ba nagustuhan 'yon?
"Sorry do'n sa yakap. Nadala lang ng emotion," sabi ko.
Napangisi siya. "Wala 'yon. Nagulat lang."
Natahimik ako bigla at napatitig na lang sa kanya. Hindi ko naman talaga kayang tingnan si Kenzo nang matagal dati pero 'di ko alam kung bakit ang kapal ng mukha kong titigan siya ngayon. Bigla lang talagang akong nahihirapang alisin 'yung mga mata ko sa kanya.
"Namiss kita..." sabi ko.
Sigurado akong naka-face palm nang nakatingin sa 'kin 'yung usual version ng sarili ko na 'di naman ganito kakapal ang mukha. Inamin ko ba talagang namiss ko siya? Nang walang preno at pagdadalawang-isip?
"Namiss mo 'ko?" tanong niya.
Tumango ako. "Namiss kita nang sobra. Akala ko ay 'di na mauulit 'tong ganito... 'tong ganitong nakatayo ka sa harap ko."
"Ba't naman 'di na mauulit? You know that I'll stay unless you tell me otherwise," sabi niya. Dahan-dahan ay naramdaman kong hinawakan niya 'yung kamay ko saka niya ako unti-unting ikinulong sa mga bisig niya. "I missed you more than you could ever imagine, Marj. I'm sorry that I ruined things for us."

BINABASA MO ANG
The Rhythm Of Our Fragments
Storie d'amoreWith zero plans of falling in love, Sian was firm with her goals: to finish her studies and to never be involved in the abusive and tough love her mother went through. But just as she started building walls to guard herself, Kenzo, a friend of a fri...