04

67 2 0
                                    

"Sian, joke lang 'yung kanina."


Mabilis akong naglakad. Hindi ako nag-walkout, ah. Natapos na rin kasi kami sa pagkain at dahil nga may meeting pa ako kasama 'yung groupmates ko ay nagmadali agad akong umalis. Naramdaman kong sumunod agad sa 'kin si Kenzo. Tumatawa-tawa pa siya.


"Kenzo, nagmamadali ako," sabi ko nang tumabi siya sa 'kin sa paglalakad. "May meeting pa ako ng 12:30."


"Were you uncomfortable with my joke earlier?" sumeryoso siya.


Tiningnan ko siya. "Hindi kasi wala naman akong pakialam sa mga joke mo. Hindi rin naman ako interesado sa 'yo kaya joke man 'yung sinabi mo kanina o hindi, wala ring magiging epekto 'yon para sa 'kin."


"Hindi ka interesado sa 'kin? Ang straightforward mo naman."


"May iba akong crush," sabi ko.


"Mayroon?"


"Mayroon," sagot ko.


"Okay. May iba rin naman akong crush," aniya.


"Mayroon?" tanong ko.


"Oo, mayroon."


Nagkibit-balikat ako. "Eh 'di okay."


Binilisan ko na 'yung paglalakad ko. Narinig kong tinawag pa ako ni Kenzo pero 'di na ako lumingon kasi ayokong ma-late sa meeting namin. Nang nasa meeting area na ako ay wala pa 'yung iba naming kasama kaya nakatingin lang ako sa mga taong dumadaan at napaisip.


Medyo nakakahiyang aminin 'to pero inisip ko kasi na may crush sa 'kin si Kenzo. Hindi naman ako pangit kaya alam kong hindi imposible na magka-crush din siya sa 'kin kaso nang sabihin niya sa 'kin kanina na may crush daw siyang iba ay parang ang weird sa pakiramdam.


O siguro sa 'kin lang weird 'yon.


Ako kasi 'yung tipo ng taong 'pag may crush ako ay nagiging loyal ako sa kanya. Simula noong magka-crush kasi ako kay Jiro ay 'di na ako nagka-crush pa sa ibang lalaki. Kaya rin siguro weird para sa 'kin 'yung sinabi ni Kenzo kanina kasi — oo na, aaminin ko na kahit nakakahiya — nag-expect kasi ako na may crush siya sa 'kin.


At akala ko ay ako lang ang crush niya.


Pero hindi naman masama ang pakiramdam ko nang malaman kong may iba nga siyang crush. Kahit papaano ay gumaan nga ang loob ko kasi alam ko na wala pala siyang gusto sa 'kin. Ayoko kasing mas lalo akong mailang sa kanya.


Sabado ngayon at naka-duty ako sa fastfood restaurant. Mahigit isang linggo na rin akong nagta-trabaho rito kaya feeling ko ay nakapag-adjust na ako sa workload kahit papaano. In-adjust ko na rin pati 'yung daily schedule ko kasi nga marami akong ginagawa. Iba talaga ang nagagawa ng tao 'pag kailangan ng pera, 'no?


Naka-assign ako sa counter kaya kitang-kita ko ang gulat sa mukha ni Kenzo nang makita niya ako. Siyempre, nagulat din ako gaya niya. May nakasukbit na canister tube sa balikat niya kaya feeling ko ay gumawa siya ng plate sa library ng school. Nakasuot din kasi siya ng I.D.

The Rhythm Of Our FragmentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon