Nasanay na ako sa presensya ni Kenzo.
Nasanay na ako na palagi siyang sumusulpot sa pinaka-random na mga pagkakataon. Hindi na ako nagugulat sa tuwing biglang may tatabon sa mga mata ko. Hindi na rin ako nagugulat 'pag bigla na lang siyang nagse-send sa 'kin sa messenger ng mga walang kwentang memes galing sa Facebook.
Sa pagkasanay ko na palaging dumidikit sa 'kin si Kenzo, minsan ay naninibago ako 'pag 'di ko siya nakikita. Walang malisya, ah. Wala naman kasi akong nararamdaman para sa kanya. Kapag wala lang talaga siya ay bored na bored ako.
Gaya ngayon.
Mag-isa akong nakaupo sa study shed at palinga-linga kasi baka dumaan siya. Hindi ko alam 'yung schedule niya kaya 'di ako sure kung may klase ba siya ngayon. Ilang minuto nang palibot-libot 'yung mga mata ko kaya nag-desisyon akong magpahinga na lang muna. Hiniga ko 'yung ulo ko sa lamesa at saka pumikit. Baka rin kasi maya-maya ay dumating na sina Claire.
Kulang na kulang ako sa tulog kaya naramdaman ko agad na nakatulog ako. Kung hindi lang dahil sa ingay ng ibang mga estudyante ay talagang 'di na ako magigising. Ewan ko kung ilang minuto na akong nakatulog pero pagkagising ko ay nakapangalumbaba na si Kenzo sa harap ko at nakangisi.
Pangit ako 'pag bagong gising kaya napatabon agad ako sa mukha ko. Ang gulo ng buhok ko at naramdaman ko pang may laway ako sa gilid ng labi kaya mas lalo akong nahiya. Nakangisi lang si Kenzo habang nakatingin sa 'kin na nag-aayos ng sarili.
Tiningnan ko siya. "Alam kong 'di ako mukhang tao 'pag bagong gising kaya 'wag ka nang tumitig."
"Ang cute mo kaya."
Sinimangutan ko lang siya pero agad nawala 'yung pag-simangot ko nang nilapag niya sa lamesa 'yung favorite kong chocolate drink. Napangisi agad ako na parang bata at saka kinuha 'yon.
Simula nang bigyan ako ni Kenzo nito ay 'di na siya tumigil. Binibilhan ko naman lagi 'yung sarili ko para 'di niya na ako bilhan pero ginagawa niya pa rin kahit wala akong sinasabi. Siyempre, tao lang naman ako at naaakit sa chocolate drink kaya tinatanggap ko. Sayang naman kasi. Lactose intolerant daw kasi siya kaya 'di niya rin maiinom.
At saka para sa akin daw talaga 'yon.
Ang cute nga, eh. May instant sponsor na tuloy ako.
Nang dumating ang dismissal ko kinahapunan ay dumeretso agad ako sa pub kasi may scheduled performance na naman ako. Ginawa ko lang 'yung mga usual na ginagawa ko: nagbibihis, naglalagay ng make up, at saka nirereview 'yung mga kanta sa setlist ko bago 'yung mismong performance.
Hindi pa man ako nakakaapak ng stage ay nakita ko na agad si Kenzo na nakaupo sa usual spot niya. Kasama niya 'yung mga blockmates niya sa architecture. Hindi ako nagulat nang makita ko siya kasi sinabi niya naman sa 'kin kanina na pupunta raw siya dito sa pub dahil alam niyang kakanta ako.
Nagkatinginan kaming dalawa. Ngumiti lang ako sa kanya saka nagsimula nang mag-perform.
BINABASA MO ANG
The Rhythm Of Our Fragments
عاطفيةWith zero plans of falling in love, Sian was firm with her goals: to finish her studies and to never be involved in the abusive and tough love her mother went through. But just as she started building walls to guard herself, Kenzo, a friend of a fri...