Gusto kong umiyak.
Stress na stress na ako mula pa kaninang umaga. Una, kinansela ng buyer 'yung order niyang anim na box ng cookies sa 'kin. Maraming nasayang — pera, effort, at oras. Tatlong oras nga lang 'yung tulog ko kagabi dahil kailangan kong asikasuhin 'yung order niya na 'di niya rin naman tinuloy dahil sa walang kwentang rason. Tangina talaga.
Pangalawa, mababa 'yung score ko sa plate na sinubmit ko. Grade conscious akong tao kaya talagang apektado ako 'pag mababa 'yung score na natanggap ko. At pangatlo, nawawala 'yung I.D. ko.
Nakatunganga ako sa study area at nakapangalumbaba. Ang dami ko nang iniisip at ang dami kong gagawin ngayong araw tapos dadagdag pa 'tong katangahan ko. Nakailang balik na ako sa mga pinuntahan ko kanina. Kung kani-kanino na rin ako nagtanong kung may nakapulot ba ng I.D. ko pero wala akong napala.
Mapapalitan naman 'yung I.D. 'pag nawala, ang problema nga lang ay kailangan kong mag-community service ng apat na oras kasi nahuli akong walang suot na I.D. kanina. Ipinaliwanag ko naman do'n sa professor pero talagang sinabihan niya pa rin akong mag-punta sa student affairs para i-report mismo 'yung sarili ko... na ginawa ko naman.
Isinusumpa ko talaga ang lahat ng tao sa araw na 'to.
Bad mood akong pumasok sa major subject ko at hanggang sa lunch time na ay bad mood pa rin ako. Kasama ko sina Claire, Jiro, Esme, Matthew, Dandy, at Kenzo sa pagkain. Nasa isang karinderya kami. Habang sila ay nagtatawanan, ako naman ay nakasimangot habang kumakain. Gusto kong mag-breakdown.
Kaharap ko si Dandy at sa tuwing nagtatagpo ang tingin naming dalawa ay tinatawanan niya ako. Sigurado akong natatawa siya sa mukha kong nakasimangot at dahil do'n ay lalo akong nagagalit. Nakakapikon talaga ang buong pagkatao niya.
Nang matapos kaming kumain ay nagsilabasan na rin naman kami sa karinderya. Masama pa rin ang loob ko kaya tahimik pa rin ako. Kanina pa nakaalis sina Claire, Jiro, at Kenzo kasi may kailangan silang puntahan kaya ang kasama ko na lang ngayon ay sina Dandy, Esme, at Matthew na lang.
Nag-aaral silang tatlo sa ibang university at dahil nga lalakarin pa 'yon, madalas ay umaalis na agad sila pagkatapos naming kumain. Ang kaso, nagulat ako nang marinig ko 'yung sinabi ng pinsan kong si Esme.
"Matt, una na lang siguro kayo. Ihahatid ko muna 'tong si Sian," sabi niya kay Matthew.
Tumango lang si Matthew at pagkatapos ay umalis na silang dalawa ni Dandy. Lumapit sa 'kin si Esme at umakbay saka kami nagsimulang maglakad. 'Yung pagkakaakbay niya ay para niya na akong sinasakal pero gano'n naman talaga siya 'pag inaakbayan niya ako kaya 'di na ako nanibago.
Ginulo niya 'yung buhok ko. "Ano'ng problema natin?"
"Wala," sabi ko. "Stress lang ako."
"Wala lang? Sure?" tanong niya.
At ayon, napaamin at napa-breakdown ako nang wala sa oras.
BINABASA MO ANG
The Rhythm Of Our Fragments
RomanceWith zero plans of falling in love, Sian was firm with her goals: to finish her studies and to never be involved in the abusive and tough love her mother went through. But just as she started building walls to guard herself, Kenzo, a friend of a fri...