Malapad ang ngisi ko nang salubungin ako ni Mama.
Nagmano ako sa kanya at yumakap. Siyempre, binati ko rin siya ng 'happy birthday' at inabot ko rin sa kanya 'yung simpleng regalo ko.
Pagpasok ko sa bahay ay nandoon si Papa. Tumingin lang siya sa 'kin saglit bago niya ibinalik 'yung mata niya sa TV. Lumapit ako sa kanya at nagmano pero 'di ko siya kinausap. Ayoko siyang kausapin kasi galit pa rin ako sa kanya hanggang ngayon.
"Ate, ikaw lang?" tanong ni Raylen nang lumapit siya sa 'kin. Tumingin-tingin siya sa may likod ko at mukhang may hinahanap. "Wala si Kuya Kenzo? 'Di mo sinama?"
Bumuntong-hininga ako. "'Wag mo nang hanapin 'yung wala. Nandito naman ako, eh. Hindi ka ba masaya na nandito si Ate?"
"Siyempre, masaya," nakangising aniya.
Pagkatapos naming kumain ng tanghalian ay sumama lang ako kay Raylen sa dagat kasi gusto niyang maligo. 'Yung totoo, kaya niya naman talagang maligo nang wala ako pero sinamahan ko pa rin siya para lang makalayo ako ro'n sa bahay. Nando'n kasi si Papa. Ayokong magkasama kami sa iisang lugar.
Nagpa-practice na lumangoy si Raylen habang nakaupo naman ako sa malaking bato at pinapanood siya. Masama ang loob ko kay Kenzo. Sobrang sama ng loob ko sa kanya.
Alam ko naman talaga na 'di niya utang na samahan ako rito pero 'yon kasi 'yung usapan namin, eh. Hindi siya nangako pero pinagplaunuhan kasi namin 'yon, eh. Nakakainis lang kasi bakit 'di niya magawang sabihin na lang sa 'kin kung ayaw niya naman talaga akong samahan. Hindi ko naman siya pipilitin kung ayaw niya.
Mas lalo pang nakadagdag sa sama ng loob ko 'yung sinabi sa 'kin ni Marina kaninang umaga. Hindi ko alam kung bakit ko 'to nararamdaman. Nagseselos ba 'ko? Selos ba 'tong nararamdaman ko? Ewan ko. Hindi naman kasi ako dapat na magselos kasi wala naman akong gusto sa kanya.
Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko.
Napagod ako sa pag-iisip kaya hinayaan ko na lang. Bahala na siya sa buhay niya. Lumandi siya kung kailan at saan niya gusto. Nakakapagod magkaroon ng pakialam sa ginagawa niya sa buhay niya. Nakakapagod alalahanin 'yung taong 'di ka naman inaalala.
Hanggang sa dumating 'yung hapon ay 'di ko pa rin siya kinakausap. Hindi ako nag-online kasi bukod sa ayoko talaga, mabagal din kasi ang signal dito. Mabuti naman para may rason talaga akong 'di mag-online. May mga text naman siya sa 'kin pero 'di ako nag-reply. Mabuti na lang din at wala akong load para 'di ako 'accidentally' maka-reply sa kanya.
Wala na si Papa pagbalik namin ng bahay ni Raylen kaya nakapag-chill na rin ako sa sala. Ang hirap mag-chill 'pag kasama namin siya sa bahay kasi talagang mainit ang dugo ko sa kanya. Umupo ako at nanood ng TV habang kinakain 'yung cake na ginawa ko no'ng nakaraan para kay Mama.
'Di nagtagal ay nakita kong biglang patakbong lumabas si Raylen mula sa kwarto. Hindi niya pa naisusuot ang damit niya pero dali-dali na siyang lumabas ng bahay. Nagtaka agad ako.
"Sa'n ka pupunta?" tanong ko.
"Basta!" sigaw niya mula sa labas.
BINABASA MO ANG
The Rhythm Of Our Fragments
RomanceWith zero plans of falling in love, Sian was firm with her goals: to finish her studies and to never be involved in the abusive and tough love her mother went through. But just as she started building walls to guard herself, Kenzo, a friend of a fri...