15

187 6 5
                                    

Nasapo ko ang noo ko.


Iyon kaagad ang ginawa ko nang magising ako. Akala ko ay makakalimutan ko 'yung kalokohang ginawa ko kagabi at 'yung pag-uusap namin ni Esme pero hindi. Preskong-presko pa rin sa isip ko! Shit. Ba't pa ba ako nagising?


"Tangina," pabulong na mura ko. Tinabon ko 'yung mga palad ko sa mukha ko dahil sa frustration. "Napakabobo mo talaga, Sian. Walang makakapantay sa lala ng kabobohan mo."


Pagtingin ko sa orasan ay alas siete na ng umaga. May klase ako ng mamayang alas nuebe y media kaya kahit labag sa 'kin ay tumayo pa rin ako para maghanda. Nasa bahay ng isang pinsan ko si Mailey kaya paggising ko ay walang tao kasi nakaalis na rin naman si Lara. Ako lang ang mag-isa sa bahay.


Hindi na ako kumain. Naligo lang ako at nag-ayos saka dumeretso na sa university. Habang naglalakad ako sa hallway ay 'di ko mapigilang mahiya. Feeling ko ay alam ng lahat ng mga tao ang kalokohang ginawa ko kagabi kaya talagang na-conscious ako kahit na 'di naman nila ako kilala. Habang naglalakad tuloy ako ay nag-ooverthink ako. What if biglang hilahin ng isa sa mga babae ni Kenzo ang buhok ko?


Iyan, Sian. Iyan ang nagagawa ng katangahan. Mamatay ka sa pag-ooverthink diyan.


Safe naman akong nakarating sa classroom namin. Pagdating ko do'n ay tumabi agad ako kay Marina. Early bird talaga 'tong si madam every single day. Paano niya kaya nagagawa 'yon?


Habang nagkaklase 'yung professor ay napapansin ko ang mga chat ni Kenzo. Kanina pa siya chat nang chat pero 'di ko pinapansin kasi wala akong rason para mag-reply sa kanya. Wala na talaga akong rason. Literal.


Lumilipad 'yung isip ko sa gitna ng klase. Nakatitig lang ako sa bintana at iniisip kung paano ko tatakbuhan 'tong kahihiyang 'to. Shit. Tatakbuhan? Tatakbuhan ko talaga? Hindi ko haharapin?


Naalala niya kaya 'yung ginawa ko kagabi? Alam niya kayang hinalikan ko siya? Ano kayang laman ng isip niya? Wala naman sigurong tao ang gustong mahalikan nang walang consent nila kaya 'di ko talaga alam ang gagawin ko. Tangina kasi talaga, eh.


Alam kong dapat akong mag-sorry sa kanya. Iyon 'yung sigurado ako na dapat kong gawin. Ang kaso, 'di ko alam kung paano ko gagawin 'yon kasi wala na akong mukhang maihaharap. Lalo na't malamang ay nakita ng mga kaibigan ko na hinalikan ko si Kenzo kahit wala namang kami.


Napapikit ako habang iniisip ang lala ng kahihiyang pinasok ko. Ewan ko kung ba't sa dami ng problema ko ay nagagawa ko pa talagang dagdagan. At may karapatan pa akong magreklamo sa sarili kong kagagawan, ah. Wow!


Pero seryosong namo-mroblema ako.


Nang dumating ang lunch time ay sumama ako kay Marina para kumain. Nag-chat ulit si Kenzo at nagtanong kung nasaan ako pero 'di ako nag-reply. Alam kong sabay na naman kaming kakain at alam kong hindi lang kaming dalawa ang kakain kaya mas lalong nakakahiya. Ayokong magpakita sa mga kaibigan ko hangga't 'di ko nafi-figure out kung ano ang gagawin ko.


Noong araw na 'yon ay hindi kami nagkita ni Kenzo kaya sobrang laki ng pasasalamat ko. Alam ko naman na 'di gano'n kalawak ang mundo naming dalawa pero thankful ako kasi kahit papaano ay may awa at konsiderasyon pa naman sa 'kin ang buhay kasi 'di kami nagkita the whole day.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 18, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Rhythm Of Our FragmentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon