20th Dominance

122 20 0
                                    

Tent

Pakiramdam ko maririnig na niya yata ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok nito. Hindi maitatanggi na gustong-gusto kapag nasa akin ang atensyon niya.

Assumera na kung assumera, but what he said gave me hope. That I don't need to rush fully ahead because he will come... to me!

Hindi ko man mabasa ang iniisip niya sa sitwasyon namin ngayon ay pinaluluguran ko ang sarili sa mga posibleng rason ng mga aksyon niya.

Pagkatapos niyang ayusin ang sa pagkakasabit ang aking tent bag sa kanyang rucksack ay tumango siya sa akin at naglakad na. Sumunod naman ako, hindi maalis-alis ang ngiti sa labi.

He assisted me fully on the way with the rocks. Nakaantabay siya sa tingin niya ay hindi ko kaya. I was careful not to use the hand with scratch wounds that much para hindi niya mapansin. Pigil ko ring ipakita ang sakit sa mukha dala ng pananakit ng tuhod.

We weren't talking, and I am thankful for that too. I don't think I would have the energy to say something when I am breathing so heavily. Gone is the smile that I thought would stay.

Napabuga ako at hinawakan ang kamay na nilahad niya para makatapak ako sa malaking bato. Hindi na pumasok sa isipan ko ang kumuha ng litrato kahit ang ganda ng tanawin dahil sa kagustuhang maabot na lang ang tuktok. I just want to sit down!

We're past one mountain now, and the track is just small stones. Kaya ako na ang nauna habang nakasunod siya sa akin.

On my left side, it's like a steep hill full of plants. Na sa malayong banda ay may mga pananim at bahay kubo pa. Mas nagiging halata na rin ang mga anino ng mga kabukiran dahil mas naging kahel na may halong pagkapula na ang kulay ng langit.

Sa hindi malayong banda ay may tindahan roon na may pamilyar na grupong naghihintay.

I sigh when I see Raniel looking our way, looking down and worried.

Mukhang alam na yata niya ang nangyari dahil rin kasama niya ang apat na pinapanood rin kami na siyang nakakita as nangyari.

Talagang mag-aalala siya dahil nag hug kami, inassure niya ako, at tinulungan pa sa pag-akyat! Kaya tama lang na nauna ka.

"Hinintay namin kayo," sabi ng babaeng katabi ni Raniel pagkalapit na masama ang tingin sa akin.

Tinaasan ko lang siya ng kilay. She's older than me, yet she finds me a threat. I can't blame her, ako na rin ito.

"I think it's best if we don't last long up on the peak." Ani ni Nyjhiel, hinihingal na rin.

They all agree, kasi rin madilim na kapag magtatagal kami sa itaas at mahihirapan kami sa pagbaba. Babalik na lang kami sa pag-akyat before sunrise.

Nangunguna ngayon ang kalalakihan na nakasunod sa tour guide na kasama ang babaeng kaibigan ni Raniel.

Napakunot ang noo ko ng mapansing mahina ang paglalakad ni Raniel na nasa unahan namin. Kaming tatlo na lang ang nahuhuli bago ang tour guide.

I think I know what she's up to. Napakahalata niya lang.

May nadaanan kaming dalawang tent na mukhang isa rin sa camping site dito, pero naglakad pa kami. From here on, the mountain will be steep and hard to climb because of the limited rocks to step on and the small stones.

Ilalahad na sana sa akin ni Nyjhiel ang kamay niya ng biglang napatili si Raniel sa unahan. Nadulas siya at mukhang nahirapan sa pagtayo.

"Rane!"

Maingat na dumalo si Nyjhiel at dahan-dahang inalalayan si Raniel. Lumapit naman ako sa kanila, mang-uusisa kung totoong nadulas nga siya.

"Are you okay?" Rinig kong tanong ni Nyjhiel at tiningnan ang tuhod niya

OS #4: Claws of DominanceWhere stories live. Discover now