Hold
Pagkarating namin sa lugar ng gig ay agad kong nilapitan si Kim habang abala si Nyjhiel sa paglalagay ng duffel bag sa pwesto namin. Hinila ko siya palayo ng makausap tungkol sa schedule ko ngayon, pero nagulat na lang ako ng sinabi niyang maayos na ang lahat at free na daw ako mamayang hapon.
"Common sense lang 'yan," hirit niya pa sabay kindat.
Nagsimula na kaming ayusan, pero gusto ko na agad matapos ito. I am estimating this will be over for about 4 hours. Antagal!
Dumilat ako pagkatapos lagyan ng eyeliner. Dumapo ang tingin ko sa salamin, sa banda kung nasaan siya nakaupo. Agad nakasalubong ko ang tingin niya dahil pinapanood niya ako.
Bahagya akong napanguso ng mapansing hindi siya nababagay sa kinalalagyan niya, specifically dito sa maliit na make-up room. He's sitting in a white chair near the wall, legs apart from each other, silently waiting. The chair even looks small because of the way his elbows are on both knees, leaning a bit.
Kahit palagi niya naman itong ginagawa, ngayon lang talaga nag sink-in sa akin ang sitwasyon niya kapag naghihintay. He looks too much just being there.
He smiled.
Pinagmasdan ko siyang may kinuha sa gilid at nakitang bote iyon ng tubig. "Are you thirsty?" Tanong nya.
Umiling ako habang nanatili ang atensyon sa kanya.
"Alright, just tell me if you are."
Ngumiti lang ako bago nilibot ang tingin sa make-up room. Kumunot ang noo ko ng may mapansin.
May kasama akong apat na ibang mga modelo dito sa loob at kahit abala sa pag-aayos ay tila hindi sila mapakali. Pati ang mga make-up artist, mapa babae o bakla man ay napapalingon o 'di kaya ay napapatitig, tila nanigas na yata ang leeg. May isa pang patagong bumubulong sa inaayusan na modelo, pero ang tingin nilang dalawa ay nasa bandang likuran ko.
Sinundan ko iyon at tama nga ako, kay Nyjhiel sila nakaw nang nakaw ng tingin.
I have never noticed this before, but definitely, this is how it usually happens when he comes over and waits for me.
Napakuyom ako. Hindi ko man lang namalayan na pinagpiyestahan na siya! At sa iisiping hindi lang ngayon ito nangyari ay talagang nakakairita ha.
I could scratch their eyes off! Where's their manners? Bingi ba sila? Kinausap ako ni Nyjhiel kanina. At saka hindi naman yata sila bulag din para hindi makitang nasa likuran ko siya!
He's behind me for a reason! May something! Take a hint, people!
Muli akong napatingin kay Nyjhiel sa salamin at napanguso na talaga.
Well, I can't blame them. Kahit pati ako hindi rin mapigilang hindi mapatingin sa kanya.
I leaned forward towards the mirror while keeping my gaze on him. I think his dark brown hair looks much shorter than yesterday. The sides are short, while the front is neatly divided in between, making it look freshly combed yet still messy. His eyes are looking so bright, and his face is so noticeably lively.
Why is he so freaking handsome, though?
But on the other hand, he should be that handsome too, to be at my level. Dapat din kasi ganyan ka gwapo ang katapat ko para bagay sa akin. Tama, it's just logic.
Tumaas ang dalawa kilay niya at bahagyang ikiniling ang ulo sa kanan. Naging kuryoso ang mukha, napansin siguro ang paninitig ko.
"What is it, Faye?"
Nang hindi ako sumagot ay tumayo siya at lumapit kaya napalingon na ako. May narinig akong singhapan ng yumuko siya para matapatan ang aking mukha.
Yes, take a look, people.
YOU ARE READING
OS #4: Claws of Dominance
Romance[On-Going] Own Series #4 "Yes, pin me wildly, her claws on my chest as she rides my existence with dominance to the edge." Dahlia Faye A. Cortez's Story ----------------------- Started: January 16, 2023 Finished: [Cover Photo used is not mine, cre...