27th Dominance

101 14 0
                                    

Bouquet

Napansin ko lang ang panghihina ng tuhod pagkatapos ko siyang biglang itulak. Kulang nga iyon ng lakas dahil talagang nag-loading ang utak ko sa dami ng pinoproseso nito.

He's looking at me gently, with a hint of adoration. Hindi niya man lang inalintana ang pagtulak ko sa kanya sa halip inalalayan niya pa ako dahil muntikan ng mawalan ng balanse.

Humakbang ako paatras ng matanggal iyon bago inirapan siya. Wala akong maisip na masabi kaya iyon na lang ang nagawa, ang gusto lang ay hindi muna siya makita.

He offered me a ride, but I ignored him and just left him there. Hindi ko alam kung paano ko nagawang umuwi, kaya nandito na sa kwarto na parang tangang nakatitig lang sa kawalan.

What does he fucking mean by that? He wants to see me, and he wants to be here with me?

I won't definitely accept sh*t like the possibility of him liking me because that would be just fucked up. Pagkatapos kong maghabol ay siya na man? O dahil lang ba talaga sa guilt na nararamdaman niya?

Gusto ko siyang kumprontahin tungkol dito pero may parte sa akin ang... takot. Though he already said those words, kaya ano pa ba ang kinatatakutan ko?

Maybe... I am not yet ready for him to change his mind.

Hindi ko siya nagawang sagutin kanina at iniwan lang siya dahil hindi ko rin alam kung talagang gusto ko nga ba siyang nandyan tuwing gigs ko na may dalang paper bag ng pagkain o hindi. Kahit ako naguguluhan na dahil talaga namang ang gulo-gulo niyang tao!

Iniiwasan ko na nga siya kasi nga I expected for him to not want too see each other again after what happened between us back in Dalaguete. Pero ngayong siya na mismo ang nagsabi na gusto niyang pumupunta at lumalapit ay nakakalito.

Ano ba ang gagawin ko? Gusto kong magfocus muna sa kung ano meron ako dahil alam ko na ang modeling ay handang punan ang pagkukulang sa akin. I want to prove something to myself, and I believe that this path will give it to me. I can't afford distractions.

Ang hirap niyang intindihin, kaya nahihirapan din akong intindihin kung ano nga ba ang gusto ko. My time is too precious to me now, dahil limitado.

I admit, I am afraid of risking it again on something... someone who is uncertain.

He likes girls his age. He perceived me as lewd and wild. Alam ko na iyon kaya nga ang posibilidad na may gusto nga siya sa akin ay hindi kapani-paniwala. More like... ayaw ko na iyong paniwalaan.

I will call it a huge bluff if ever someone says something about us, or even when I even think about it like some silly thought.

He continued to be at my gigs. Dahil sa huling pag-uusap namin ay medyo ayaw ko ng lumapit sa kanya o magkaroon man lang ng tyansang mag-usap pa ulit.

I know I am doing this because I don't want to hear more nonsense that will confuse me. I am glad, though, that it didn't come to the point where he would visit me during my training.

Speaking of my training, it is going well. I am much more confident now, especially since I have practiced more on my catwalks, posture, poses, and even my attitude. I didn't just memorize what I learned; I also applied it. Nasasanay na rin ako magheels na lalampas na ng five inches.

Ngayong nasa second year college na ako ay tapos na rin ang training. Kasabay lang kasi ng pag-aaral ko ang napiling program niya, kaya may certificate na nakapagtapos ako ng professional training. Mabuti na lang rin at hindi medyo hectic ang gawain sa school noong freshmen pa ako pero talagang mahihirap pa rin ang mga lessons.

Even though I know it might cause a conflict with my schedule this year, I am already thinking about joining castings. It will be an audition for models for jobs—not just small gigs anymore but more on a huge scale. Kailangan ko na rin siguro maghanap ng agency since having one also has its own benefits. Though so far, maayos naman na kami lang ni Kim.

OS #4: Claws of DominanceWhere stories live. Discover now