1st Dominance

340 38 5
                                    

Standard

Hindi ko alam kung paano mas naging usap-usapan na may crush ako kay Nereus Zachary Villareal, when clearly I make more efforts for the other.

It's like my liking someone, is unbelievable to them.

Nereus is a grade 11 student. Hiniwalay kaya nasa ibang katabing building ang senior high sa junior high pero naging connected pa rin dahil sa canteen.

I only remember being pushed to tell who's my crush. But so far, ng magsimula ng aking junior high ay wala pa talaga akong natipuhan.

None of them just doesn't fit my standard.

Marami akong manliligaw lalo na't halata sa aking mukha na may halo akong ibang lahi. Marami ding icha-chat ako sa aking social media accounts but they only ended up on my message requests.

They definitely like new faces like me. Well, I would like myself too if I were them. I do see that myself, I'm born too beautiful.

I transferred here from Spain since my parents want to push through in their business. I am fluent in tagalog and bisaya dahil pabalik-balik naman kami dito sa pinas dahil na rin sa negosyo at mukhang may foundation na nga sila Mama at Papa dito kaya baka magtatagal na kami.

Wala naman rin akong problema dahil gusto ko rin naman ng bagong environment. Actually, if I want to, I could stay in Spain pero mas ginusto kong sumama na lang.

Wala naman akong problema kung sino ang maiiwan ko doon. I don't really keep friends. Parehong treatment lang naman ang natatanggap ko dito pati na rin nung nandoon pa ako sa Spain.

They all just want something from me, to use me.

"So ano nga, Dahlia. Sino ang crush mo?" Excited na tanong ni Briana habang naglalakad kami papuntang canteen.

I'm not even trying hard but my classmates here already favor me a lot. Palagi nila akong kinakausap at sinasamahan even when its obvious that I get annoyed easily.

Wala silang pakiealam kahit mag minaldita o maging peke man ang trato ko sa kanila basta ang gusto lang nila ay magamit ako. It's like they need me to be famous, to have the spotlight.

Kumakapit kahit wala namang kinakapitan.

I can't blame them. Anywhere I go, it's like I have this unique spotlight. Others look at me like I am some high royalty which makes the people around me flock for it, they want it. Pero kahit anong gawin nila, ang akin talaga ay akin.

"I don't have a crush, Brianna." Patawa-tawang sagot ko kahit kunti na lang ay malapit ng mainis.

"Sus! Just tell us, hindi naman kami magsasabi about it. Hindi ba, Marry?"

"Of course! Kaya sabihin mo na, Dahlia. It's just us!" Agad namang sumagot si Marry.

I don't know why we're on this topic in the first place when I don't even remember what their family names are.

"Sige na! Kahit apelyedo lang!" Hirit naman ng... sino nga ito? May pa hila-hila pang nalalaman sa braso ko.

Naiinis akong lumingon sa kanilang tatlo pero agad ding natigilan ng may mahagip sa medyo malayong likod nila.

Nakasuot siya ng swimming jersey, talagang nakakaagaw-pansin ang pagiging matangkad kahit nakasandal naman sa dingding, tila may hinihintay.

Halata ang pagiging moreno nito, matangos din ang ilong, magkasalubong pa ang kilay habang nilalaro ang rubrics cube na hawak habang may kinakain na lollipop sa bibig.

Tumingkayad na ako ng hindi siya mahagilap. Sa pagitan kasi namin ay may mga iba pang estudyante na dumadaan papuntang canteen.

May lumapit sa kanyang mas matangkad ding lalaki na naka-basketball jersey kaya umayos siya ng tayo. Nakatalikod na siya sa akin ngayon at may nahahagilap akong nakaprint sa kanyang suot.

OS #4: Claws of DominanceWhere stories live. Discover now