29th Dominance

104 8 10
                                    

Future

Ilang beses na akong patingin-tingin sa nakasarang pintuan ng dressing room. Napakagat labi ng pilit na isinasantabi ang nararamdamang pagkabigo. Wala sa sariling kinuha ko ang phone at napatitig na lang.

It's not like we text or chat with each other, and I know I ask him something difficult to do. But somehow, a part of me... kind of expected to still see him today, even without anything.

Napahigpit ang hawak ko sa phone.

Kanina ko pa pinipigilan ang sariling magtanong kay Kim, pero kahit ng lumabas na siya para bumili ng pagkain namin ay hindi ko nagawa.

Bumaba ang tingin ko sa paang nananakit. Napabuntong hininga ako bago yumuko ng matanggal ang strap nito.

Bagong biling heels ko kasi ito kaya hindi pa sanay at saka katatapos lang rin ng rehearsal. May incoming mini runway kasi ako sa isang brand next week.

"Dahlia!" Rinig kog pilit na may halong pagmamadali na mahinang tawag ni Kim sa akin pagkapasok ng dressing room.

"Oh? Ang bilis mo naman yata?"

Saglit ko siyang sinulyapan habang itinatabi ang bagong heels at kinuha ang slippers.

"Si Nyjhiel, nandito!"

"Really?" Mabilis na napatayo ako, hindi man lang nasuot ng maayos ang slippers.

Namilog ang mata niya sa akin at mapanukso siyang ngumisi. Napaiwas ako ng tingin ng napansin na tunog excited ang pagkakasabi ko non.

"Hindi halatang naghihintay, ah." She wiggles her eyebrows.

Napatikhim ako at pilit na umirap ng humahalakhak na siya. "Y-You always tell him where we are, so obviously!"

May kumatok sa pintuan at pumasok si Nyjhiel na may dalang paper bags. Hindi na niya nagawang maisara ang pintuan ng may sumunod sa kanyang mga staffs.

"Grabe, Dahlia! 'Di lang gwapo ang boyfriend mo, ang bait pa!" puri ng isang make-up artist na may malaking ngiti.

"Po?"

Nanlaki na lang ang aking mga mata ng ipinakita nila ang hawak na paper bag na may pamilyar na logo.

Agad akong napabaling sa kanyang nakangiti na sa akin, pinapanood pala ako.

"Salamat pogi!" Dinig ko pang sabi nila sa kanya.

Mahina siyang umiling sa kanila. "It was Faye's idea po to bring you lunches," malambing niyang saad sabay tingin ulit sa akin.

I gaped at him, and he chuckled.

"Faye?" Rinig kong tanong ng isang staff.

"Second name po ni Dahlia," explain ni Kim.

Naging sanhini iyon ng kantyawan at sa huli sa akin nagpasalamat na may pahirit pang 'Faye' sa akin. Hindi ko naman lang magawang umiling at pilit na napangiti.

Nang umalis na ang mga staffs ay naunang lumabas si Kim, kaya agad ko siyang sinundan para makitingin na rin.

It was lunch time for everyone, that's why they are gathering and are all busy getting their own paper bags from the table on the side full of them. Matagal natapos kasi ang rehearsal kasi sa isang open space gaganapin at malaki ang espayo kaya talagang paniguradong gutom na sila.

Patuloy na nagpasalamat sa akin ang ibang staffs ng makita akong lumabas. Kahit ang ibang kasamahan na modelo, hindi man close ay walang magawa kundi kumuha na rin.

Lumapit pa ako at nalaglag na lang ang panga ng makompirmang logo nga iyon ng family business nila Nyjhiel! The Verna Real Corp!

"Ang galante ng boyfriend mo, Dahlia. Galing pa talaga sa Verna Real Restau! Isang menu lang kaya nila halos kalahati na ng sahod ko!" Tuwang lapit sa akin ng organizer ng event.

OS #4: Claws of DominanceWhere stories live. Discover now