9th Dominance

175 32 6
                                    

State

Blangko ang isip na nakatitig lamang ako sa bubong ng aking kwarto. Kahit kakagising ko lang ay parang wala ng katapusan ang nararamdaman kong pagkapagod. Wala rin akong gana at napapatitig na lang sa kawalan.

Palagi ko na lang natatagpuan ang sarili na umiiyak kahit wala naman akong nararamdaman kundi pamamanhid na lang.

Para bang wala ng silbi sa akin ang lahat. What I truly want to do is out of the question. I don't have the right even if it's my life.

Nanghihinang bumaling ako sa gilid at nakitang may pagkain na naman sa lamesa pero hindi man lang ako nakaramdam ng gutom. Parang on and off ang aking tiyan, kakain lang ako kapag talagang gusto ko lang.

Bumaba ang tingin ko sa kamay na kahit morena man ay kapansin-pansin ang pamumutla pati na rin ang pangangayat. May konting peklat pa sa bandang hintuturo ko.

I remember the first week I arrived here, I turned my room upside down. Tinapon ko ang lahat ng makikita ko, wala akong pakialam kahit na nagdurugo na ang aking kamay dahil sa sugat galing sa isang vase.

After what I did, my parents asked the maids to remove anything that could possibly hurt me. It left my room almost empty with just the queen size bed, cabinets, sofa, and table.

Bumilis ang paghinga ko ng pati siya ay nasagi sa isipan ko.

He is probably with that girl now. Smiling and enjoying his normal day with her not probably even thinking about me anymore.

Akala ko akin na siya. I did everything to get close to him. It took me months to make him notice me and yet I saw him hug another girl where I don't have any tiny bit of a clue who she even is after missing just a day from school!

Wala sa sarili kong kinamot ang aking leeg habang unti-unting lumalalim ang aking paghinga.

Ganun ba kadali akong kalimutan? What about the 2 years we have spent together? What is nothing to him?

He taught me a lot, I have unforgettable memories with him, and he gave me something that I was unconsciously looking for... warmth.

Nagsisimulang uminit ang sulok ng aking mata.

If he even notices that I left... Maybe, just maybe he can think that I never wanted to leave at all.

Nilibot ko ang paningin at kahit madilim man dala ng malaking kurtina na nakatabon sa veranda ay nakilala ko pa rin.

Mama and Papa left the room unlocked kahit sabi nila na grounded ako pero kahit ganun ay mas pinili kong manatili na lamang sa loob.

What's the use anyway when I know that they have my passport, they got control over my card, my gadget... my entire life.

Napahikbi ako sa katotohana'ng naririto na nga ako sa kwarto ko sa Spain, nag-iisa.

Mas bumilis ang aking pagkamot kasabay na rin ng pananakit ng aking ulo at katawan habang nagsisimula na ring mangati ang iba pang parte sa akin.

Akala ko ba manhid na ako, kaya ano ito? Bakit ang sakit-sakit?

Gusto kong bumangon pero nanghihina ang aking katawan dahil sa kakulangan ng lakas. I have never eaten anything since yesterday, only water.

Bumuka ang aking bibig pero wala iyong naging boses kundi ang mga paputol-putol na daing lamang habang papalit-palit ang pagkamot ko sa aking katawan.

Narinig kong bumukas ang pinto pero mas naging abala ako, naguguluhan ako kung saan ko itutuon ang pansin dahil talagang buong katawan ko na lang ay nananakit at nangangati. Hindi ko rin alam kung bakit naging ganito na lamang.

OS #4: Claws of DominanceWhere stories live. Discover now