22nd Dominance

128 21 0
                                    

Gaps

Kim and I added each other to our social media accounts. We spend the rest of our time planning our schedule. Like, what time would it be great for me to work and such. Ang akala kong pagmamadali niya kanina ay hindi na niya pinuntahan dahil sa pag-uusap namin.

Days later, she also said that we should make a profile about myself, parang resumé lang rin. Kaya nag video call kami at tinulongan ko rin siya sa mga impormasyon tungkol sa akin at nagsend rin ako ng mga pictures ko sa mga photoshoots sa Spain.

I have never been this excited, even when I have already done this before. Magkaiba lang kasi kapag may kasama na sa ganito. Back then, it was just an experiment, but this time, I did modeling because I wanted it.

Although I'm a little bit anxious about my parents getting a hold of me doing this again. Back then, I reasoned that this was just temporary and I just wanted extra money. Pero ngayong meron na akong unlimited card ay hindi ko na pwedeng gamiting rason iyon.

My parents are unpredictable, they can do whatever they want with me and leave me with no choice. But I definitely want this, and I'm eager to do it. Kaya, I will take the risk. This is a matter of self-determination and letting no one control me for my limited freedom.

Classes resumed, and I was busy managing my time. Everything is going smoothly, though I really haven't started with the gigs Kim has scheduled for me.

I didn't tell anyone for now since I'm just starting. At saka hindi pa kasi nila nakikita ang side kong ganito, iyong hindi lang pa-maldita at wild.

Just a side of me with a purpose... a dream.

"Palagi silang may open na gig ng photoshoots dito. Kaya agad ka nilang kinuha pagkatapos kong magsend ng profile mo," tuwang paliwanag ni Kim pagkapasok namin sa isang maliit na studio.

Tumango naman ako at nilibot ang tingin.

This is indeed different than how it was at an agency. Maliit ang space, walang kwarto para kung saan mag make-up o magpapalit, medyo magulo rin ang lugar sa mga wires at saka nagpatong-patong na gamit sa gilid.

Ang studio sa Spain at mas malaki at saka may ibang kwarto talaga para sa model. Ang mga kagamitan naman ay naglalakihan at bagong-bago pa habang dito parang... luma na yata.

Well, I'm not complaining. I just noticed the difference.

"Kim, hindi ba?"

Pareho kaming napatingin sa lumapit. Isang babae na mukhang nasa mid 20's na.

"Opo, at ito si Dahlia." Pakilala sa akin ni Kim.

"Hello po," bati ko.

Ngumiti siya sa akin. "Ang gandang bata nga. Nabasa ko ang profile mo, nakapag-model ka sa Spain?"

I smile. "Opo, I lived there before."

"Ako si Cristine, organizer and owner ng studio. Team ko rin ang photographer at saka mga staffs kaya just be yourself lang," ani niya.

Tumango ako at nagpasalamat.

May ibang mga model pa ang dumating na sinalubong rin ni Cristine. All in all, there were 5 of us, lahat babae. Nagsimula na kaming magpalit sa mga casual outfit lang naman na galing sa maliit na boutique.

Talagang hindi ako sanay magpalit sa loob ng paikot na kurtina lang. Ang sikip-sikip at saka ang init kaya paglabas ko, agad akong nanghingi ng tissue kay Kim. Simple lang ang naging make-up namin, pero dahil sa init at sa mahinang buga ng nag-iisa at luma na aircon ay hindi nito kayang palamigin ang maliit na studio.

The photoshoot started with the other models. They are great as well. Naipapakita naman nila sa kanilang poses ang suot at ang paraan ng pagdala sa damit. I just waited for my turn while learning from the other models ways of posing.

OS #4: Claws of DominanceWhere stories live. Discover now