25th Dominance

113 22 6
                                    

Confuse

Iminulat ko ang mga mata at mahinang napakurap ng maayos ang paningin. Una kong nakita ay ang puting dingding bago ko napansin ang mahinang tunog na nangagaling sa monitoring machine.

Dinama ko ang katawan kung saan medyo mahina at manhid pa. May konting pagkagaan pa rin naman ng ulo, pero wala na ang panginginig ng katawan.

When the thought of me being in a hospital finally came, I let out a shaky breath.

Why am I here?

"Dahlia?"

Sumulyap lang ako sa pinanggalingan ng boses at nakitang kakatapos lang ni Kim magligpit ng gamit.

Nang makita niyang gising na ako ay mabilis siyang lumapit sa aking tabi, halata ang pag-alala sa mukha na hinawakan niya ang aking kamay.

I struggled to speak, letting out a raspy noise. "What... happened?"

Napabuntong hininga siya bago napaupo sa aking tabi.

"Nawalan ka ng malay at apat na oras ka ring natulog. Ayos ka na ba? Anong nararamdaman mo ngayon?"

Nagawa ko namang umiling para ipakitang maayos na. "Paano ang fashion show?"

She showed me an assuring smile. "Huwag kang mag-alala, na cover naman ni Tiffany."

"P-Paano?"

"Agad ka din naming inalis roon, kaya hindi ko rin alam kung ano ang nangyari."

Doon ko lang nahanap ang lakas na mapakuyom sa bedsheet ng hinihigaan ng maalala kung sino ang huling nakita.

"Agad ka kasing dinaluhan pagkatapos mong mahimatay. Kasama ko silang pumunta rito sa ospital."

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman.

He saw me... along with other strangers in that state. I hid it from the close people around me, and yet I let them show my vulnerable side.

"Are they... still here?"

Saglit siyang napatingin sa banda ng pintuan. "Siguro."

Why was he even there in the first place? Has he been watching since the start?

Either way, if he did help me out, then I should be thankful. Nangyari na ang nangyari, wala na akong magagawa kung nakita niya man akong ganoon.

"Dahlia."

Nanlaki ang aking mata ng marinig ang pamilyar na boses.

"M-Mika?"

She gave me a small smile before closing the door behind her. Naglakad siya papunta sa tabi ko. Doon ko lang napansin ang dala niyang plastik, pagkain siguro.

"How are you?" She softly asked, wandering her gaze over my face.

Saglit na napasulyap ako kay Kim na may pagtatanong bago binalik sa kanya. Nang makahanap na ng tamang lakas ay umamba na sana akong babangon ng pareho nila akong inalalayan para mapaupo.

"What are you... doing here?" I cleared my throat midway through asking.

Taka ko siyang pinanood na tinanggap ang stool na ipinasa ni Kim sa kanya. Bumaling na rin ako kay Kim na nagsensyas sa hawak na phone.

"Dahlia, tumatawag ang Mama ko. Sasagutin ko lang muna," she said and went out after I nodded.

I looked at Mika again, who was opening her plastic. She took out a water bottle and gave it to me. Kinuha ko naman iyon at uminom.

"I watched your show."

Nagulat ako at tumigil sa pag-inom. Medyo natagalan ako sa pagsagot ng maramdamang nagiging maayos na ang lalamunan.

OS #4: Claws of DominanceWhere stories live. Discover now