Chapter 1

4.5K 60 5
                                    


REINA ALCANTARA

TODAY, May 28. Is a special day para sa tulad kong prinsesa. Prinsesa ng kagandahan. Actually I'm not a princess, I'm a queen. From my name Reina.

But when comes to nickname, nagiging ulan ako. They call me Rein. Hindi man rain ang spelling but ganun pag basahin.

It's me against sa mga taong dumadaan at tinitignan ako na nagmamaganda sa harap ng salamin.

Nakakairita 'yong mga tingin nila. Duh...it's normal kaya na mananalamin sa loob ng mall.

Nilingon ko ang isang ante na huminto pa talaga sa harapan ko. "Ano pong tinitingin-tingin niyo diyan?!" Pagtataray ko.

"Jusko ano na bang nangyayari sa mga bata ngayon? Pati ba naman lipstick ginagawang pang make up, nakakaloka..." tila natawa pa ito bago umalis.

"Tse!" Hirit ko kahit nakalayo na siya, anteng pakialamera.


Nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko. Actually ginawa ko ng beauty parlor itong make up area ng mall. Pumipili ako ng mga free to use ditong lipstick para matignan ang product kung okay ba.

Hindi lang lips ko ang nilalagyan ko ng lipstick kundi pati na sa pisngi. Ginagawa kong pang blush ang mga ito.

Kapag naman hindi ko magustohan ay binubura ko gamit ang dala-dala kong wipes sa bag.

Lumalapit ako sa malaking salamin na nasa gilid para makita kung alin sa mga lipstick na ito ang bagay sa akin. Nakikisingit pa ako sa mga babaeng nalalamin din. I'm sure 20% sa mga babae dito inis na sa akin.

Lalo na ang mga sales lady, parang kunti nalang lapitan na nila ako para ipatigil na kakasubok sa lipstick. At tama nga ang hinala ko.

Nilapitan na ako ngayon ng isang sales lady at mukhang may warning na ako. Pero wala akong paki sa kanila.


After a many try sa mga free to use na lipstick na 'to ay nahanap ko na rin ang perfect guy ko, este ang perfect lipstick. Actually dalawa sila. One is red for my lips, and the other one is pink for my check.

After ko mag bayad sa cashier area ay nilagyan ko ulit ang mukha ko sa lipstick na 'to. Medyo soft lang ang red lipstick sa labi ko at makapal ang pink lipstick na blush sa pisngi ko.

Ganitong beauty make up na ang nakasanayan ko mula pa pagkabata. Hindi ko na need maglagay ng maskara, eyebrow at kung ano-ano pa 'yan.

A lipstick is enough. Less ang gasto at madali lang makita ang transformation sa mukha.

"Deserve ko ng bagong lipstick. Deserve ko 'to, dahil birthday ko." Sabi ko sa sarili habang nakaharap sa salamin at nagmamaganda.





PAGKATAPOS ko sa mall ay dito na ako sa kalsada nag kalat ng kagandahan. Nandito kasi ako ngayon sa City Market, ang pinakamalawak na market dito sa Hearts City.

Lahat na ata ng bagay ay nandito na sa City Market.

Mula sa mga matataas na mall, buildings, pharmacy, groceries, shop, hardware, ukay ukay at syempre hindi mawawala ang mga sidewalk vendors na merong kanya-kanyang pwesto ng stall.

Sa laki ng lugar na 'to ay siguradong mawawala talaga ang bago palang nakapunta dito. Isa talaga sa gusto ko sa lugar na 'to ay ang linis at safety na kapaligiran.

Pumasok ako sa isang gift store dahil meron akong bibilhin na hindi dapat mawala sa birthday ko, ang mga balloons.

Noon paman talaga gusto ko na may balloons tuwing birthday ko. Feel ko kasi hindi kumpleto ang celebration kung walang balloons na magbibigay kulay sa bahay.

Crazy Love | Heartful Academy 3Where stories live. Discover now