REINA ALCANTARA
NANDITO ako ulit ngayon sa City Market para bibili ng gamit. Ang hinihiling ko lang ngayon ay sana hindi ko makita ang animal na lalaking 'yon! Dahil masisira na naman itong magandang araw ko.
Agad akong pumunta sa City De Commercial dahil dito ako mamimili. Mukhang luma na ito tignan, may ilang bahagi pa na gawa sa kahoy, lalo na ang mga hagdan papunta sa susunod na palapag, wala kasing elevator dito.
Speaking of palapag, meron itong apat na palapag at hanggang sa itaas ay vintage tignan dahil matagal na talaga ito naitayo. Mura lang ang mga gamit dito, kaya kahit masikip na dahil hindi naman ito kasing laki ng mga mall ay makikipagsiksikan pa rin ang lahat sa napakaraming buyers dito.
For grocery itong first floor, dito ay napakaraming samot saring makakain, gulay, prutas, meat, snacks at kung ano ano.
Sa second floor naman ay makikita ang iba pang gamit, like shirt, pants, bags, and shoes na parang ukay-ukay pa ang iba sa subrang mura pero matibay pa rin.
Umakyat na ako sa second floor dahil nando'n din ang mga school supplies. Pagkatapak ko sa second floor ay agad ko nakita ang mga school supplies na nakapagitna pa, sinadya siguro nila ito na madali lang makita dahil malapit na pasokan.
Kumuha muna ako ng basket na nasa gilid. Sinigurado kong bilhin ang yellow pad dahil sa pagkakaalam ko ay ito na ang gamit ng mga Senior High students. Kumuha na rin ako ng mga notebooks na plain color at minimalist lang ang design para aesthetic.
Maarte kasi ako pagdating sa mga gamit. Gusto ko cute and aesthetic tignan. Pagkatapos ko makapili ng ball pen, pencil, eraser, highlighter at kung ano-ano pa ay sa art materials na ako ngayon.
Bumili ako ng oil pastel, watercolor at acrylic paint kahit na hindi ko pa alam pa'no gamitin. Sinamahan ko na rin ng sketchpad.
Ayos na, nandito nasa basket ang mga bibilhin ko kaya lumakad na ako papunta sa cashier area. Tinitignan ko ang basket kaya hindi ko namalayang nakabangga na pala ako ng tao.
Nag angat ako ng tingin para makahingi ng sorry. "S-sorry—" ngunit napahinto at nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ito.
Walang iba kundi ang lalaking ayaw ko makita, ngunit nandito ngayon sa harapan ko.
Muling kumulo ang dugo. "Hayop kang animal ka! Talagang nagpakita ka pa sa akin ngayon!" Agad ko siya tinaasan ng boses kaya napatingin ang marami sa amin.
Nagbakas din ang gulat sa mukha niya nang makita ako. "H-Hi miss," ngumiti pa siya.
Nagtaasan ang kilay ko, pati 'ata mga kilay ko stress na sa kanya. "Tse! Natatae akong makita ang pagmumukha mo!" Pagtaray ko.
"Ganun ba? Gusto mo samahan kita sa banyo?" Natawa siya.
Lalo akong binalot ng galit na halos nanginig na sa galit ang katawan ko. "Napakabastos mong hayop ka!" Sigaw ko.
Naghanap ako ng pwede ko pang sapak sa kanya dahil gustong-gusto ko na siya ngayon saktan. Tamang-tama naman na may nakita akong damit na naka hanger sa gilid, wala na akong maisip pa kaya kinuha ko na 'to at agad na sinasapak-sapak sa kanyang dibdib.
Natatamaan ko siya at minsan naman ay nakakailag siya habang umaatras. Hindi ko siya tinitigilan, patuloy ko siyang nilalapitan at binibigay ko lahat ng lakas ko sa pagsapak sa kanya.
Tumigil ako at inalis ang damit sa hanger dahil gagamitin ko ang hanger para ipang sapak sa kanya. Isasapak ko na sana sa mukha niya pero natigilan ako nang may lumapit sa amin na sales lady.
"Magsitigil kayo! Wala kayo sa mga bahay niyo para mag-away!" Pumagitna sa amin ng sales lady.
Dahan-dahan akong kumalma habang hinihingal pa rin dahil sa kaka atake ko sa lalaking ito. "S-sorray po..." humingi ako ng tawad.
"Tsaka hija bawal 'yang ginagawa mo sa damit, paninda 'yan dito, mag bigay respito ka dito..." mukhang inis na dagdag ng sales lady bago umalis.
Kumukulo pa rin ang dugo ko ngayon habang nakatingin sa hayop na lalaking ito na tinatawanan pa ako dahil napagalitan ako ng sales lady.
Gusto ko pa sana siya sapakin ulit pero na napatingin ako sa paligid at nakatingin pa rin sa amin ang mga tao dito lalo na ang sales lady, kaya dahan-dahan ko nalang ibinalik ang hanger sa damit at nilagay ito sa kung saan ko ito kinuha.
Pagkatapos ko ibalik lumingon ako sa likod at nakita kong nasa likod ko pa rin ang hayop at naka ngiti pa siya sa akin na parang may kung binabalak. "Weirdo mo..." I rolled my eyes at lumayo na ako dito dahil nabwebwesit lang ako sa mukha niya.
Pumila na ako sa cashier area para magbayad. Medyo mahaba pa ang pila. Biglang may lumapit sa aking sales lady. Napakunot-noo ako dahil kanina pa siya nakatingin sa bag ko pero hindi naman siya nagsasalita.
Weird.
"Ahm. Bakit po miss?" Tanong ko.
Nag angat siya ng tingin at naka krus ang mga braso niya sa dibdib. "Hija sumama ka sa akin sa office..." kalmado naman itong sinabi ng sales lady.
"Huh? Bakit naman po?" Salubong na ang mga kilay ko.
"Basta. Sa office ka nalang magpaliwanag..." bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya wala na akong nagawa kundi sumama nalang din habang bitbit ang bibilhing gamit. Babae naman siya kaya may tiwala akong wala siyang masamang gagawin.
Nagtataka pa rin ako pero sumabay nalang ako. Pakiramdam ko kanina pa may nakatingin sa akin, kaya lumingon ako sa paligid at ang hayop na lalaki lang pala na hanggang ngayon tinatawanan pa rin ako.
May problema nga talaga sa pag-iisip ang lalaking 'yon.
YOU ARE READING
Crazy Love | Heartful Academy 3
RomanceRein is crazy when comes to love. She easily fall in love to every guys she just meet. She has flirting skills, but all the guys she flirt regected her. Until one day, she chased her balloon and it lead her to River. This guy is almost perfect; good...