Chapter 13

583 25 0
                                    


REINA ALCANTARA

SUBRANG lalim ng titig niya sa akin. Dahan-dahan siyang nag crossed arm. "Reina Alcantara, hindi ka pa rin nagbabago. Isa ka pa ring tanga."

Parang sumaksak sa dibdib ko ang sinabi niya, na sa subrang sakit ay natagalan pa bago ako makasagot.

"Bawiin mo ang sinabi mo..." pikon na pikon man ako pero sinusubukan ko pa ring kumalma.

Tinaasan lang niya ako ng kilay. "Bakit ko naman babawiin eh pwede ko namang dagdagan...napaka immature mo, wala ka pa ring kadating-dating, subrang cheap ng looks mo tulad ng pagkatao mo..."

Lalo na nga akong nasaktan sa mga sinabi niyang tagos sa puso ko. I feel broken by her words. Halos hindi ako makagalaw na parang binuhusan ako ng malamig na tubig.

Dahan-dahan niya inilapit ang mukha niya sa akin. "See, lipstick pa rin ang gamit mo...nakakatawa ka, mukha kang clown..." tinawanan na nga niya ako.

Hindi ko na natiis ang pang aasar niya kaya lumaban na ako, inilayo ko sa kanya ang mukha ko. "Hindi ko kailangan bagohin ang sarili ko para lang magustohan ng ibang tao. I have my own originality." Nakatitig pa rin ako sa mga mata niya.

Pero tinawanan pa rin niya ako. "Oh I see, I'm sure maharot ka pa rin ngayon sa mga boys, dahil dati ka pa namang makati 'di ba...pero wala ni-isang pumapatol sa 'yo..." mukhang tinapakan na niya ang pagkatao ko.


Ubos na ang pasensya ko sa pang iinsulto niya kaya dahan-dahan akong lumapit sa kanya habang nakahanda ang kamay ko para sampalin siya.

Sasampalin ko na sana siya nang biglang pumagitna sa amin si River na panay inom pa ng milk tea. "May away ba dito?" Tanong niya kaya pariho kaming napalingon sa kanya.

"Dahil kung may ayaw kayo pakiusap simulan niyo na, naiinip na ako dito, malapit na maubos ang milk tea ko..." dagdag pa niya.

Ang kumukulong dugo ko kay Inah ay lumipat kay River. "Hoy pakialamero umalis ka nga dito sa harapan namin! Masyado mo ng pinapakialaman ang buhay ko! Nakakairita ka na!" sa kanya ko naibuntong ang galit.

"Eh kung ayaw ko, may magagawa ka ba, crazy girl?" Ngumiti lang siya na halatang nang-asar, ang mas worst pa ay tinawanan ako ni Inah nang tawagin niya akong crazy girl.

Nanlilisik na ang mga mata kong nakatitig kay River. "Oo meron! Ang suntokin ka!" Agad ko siyang sinugod nang nakakuyom ang mga kamao ko pero dali-dali naman siyang tumakbo.

Nakita ko siyang lumapit sa may malaking guard house. "Takot ka pala eh! Duwag!" Sigaw ko.


"Wala ka talagang isang salitang Rein..." biglang sabi ni Inah na nasa likod ko pa pala.

Dahan-dahan ko siyang hinarap. "Hindi totoo 'yan..." kahit na hindi ko alam anong ibig niyang sabihin ay nagmatapang pa rin ako.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Kung ganun bakit ka nandito? Ang bilis mo atang nakalimot...well hindi na nakakagulat, dahil puro harot naman talaga ang nasa utak mo!" Hindi pa rin siya tapos sa pang iinsulto sa akin.

Napalunok ako at sinusubukan kong maging matapang na kausapin siya. "H-Hindi ko nakakalimutan 'yon..." naging mababa ang tuno ng boses ko.

"So bakit ka nandito?" Ngumiti siya. "Let me guess, nagka-amnesia ka ano? Well let me fix it..." agad niyang hinampas ang noo ko gamit ang palad sa kamay niya kaya napatingin ako sa itaas.

Sa ginawa niyang paghampas sa noo ko ay para bang ang lalim ng galit niya. "Inah ganun na ba talaga kalaki ang kasalanan ko sa'yo para gawin mo sa akin 'yon..." tugon ko.

"From the first place ikaw na talaga ang dahilan kung bakit ako nagkaganito! Wala kang alam sa mga nararamdaman kong sakit, ilang beses kong tiniis for the sake of our fucking friendship! Pero lalo mo lang pinapalala eh!" Lalo niya akong tinataasan ng boses.

Gusto kong maluha sa sakit ng mga sinabi niya pero pinipigilan ko dahil ayaw kong isipin niyang mahina ako. "Matagal na ako dito sa HA at hindi ako lumipat, hindi katulad mo bigla nalang nang-iiwan...wala akong alam sa pinagdaanan mo at wala na akong pakialam do'n! Ayaw mo sa akin, ayaw ko din sa 'yo!"


Napanganga siya sa naging sagot ko. Pero ilang saglit ay hinawi lang niya ang buhok niya at muling nagtaray. "Well now I'm back, hindi na magiging maganda ang araw mo dito sa HA, dahil sisirain kita hanggang sa mawala 'yang kakapalan ng pagmumukha mo..." sigaw niya.

"Gooo! Bring it on! Hindi ako natatakot sa 'yo..." sinigawan ko rin siya kahit ang lapit-lapit lang namin.

"Hmmm..." lumakad na siya at sinadya pa niyang itulak ang balikat ko.

Ang akala ko lalabas na siya pero muli pa niya akong hinarap. "Matagal ka ng burado sa buhay ko Rein. I even forget that you existed." Napaka seryoso ng mukha niya habang sinabi 'yon.

Hindi ko maalis sa kanya ang tingin ko habang palabas na siya ng gate. Malaki na nga ang nagbago sa kanya. Pero sino naman siya para katakotan ko. May sinabi pa siyang hindi na magiging maganda ang araw ko dito, matagal ng hindi, dahil sa bwesit na River na 'yon.


Lalakad na sana ako pabalik para pumunta sa cafeteria pero bigla akong nilapitan ni River kaya napahinto ako.

"Sana hindi ko nalang kayo pinanuod, ang panget niyo pala mag-away, ubos na 'yong milk tea ko pero wala pang action na nangyayari..." naka busangot na sabi niya.

"Ah ganun, action pala ang gusto mo, ito tanggapin mo..." sasapakin ko sana ang ulo niya pero dali-dali niyang iniwas ang mukha niya at tumakbo palayo sa akin.

"Nakakatakot kang babae...hindi ko nga alam kung babae ka ba talaga..." sigaw niya at pinakitaan ko lang siya ng middle finger.

Napalingon ako sa paligid at hindi pa dumadating sina Princess at Victor, ganun na talaga sila subrang tagal mamili ng bibihin.

Napatingin nalang ako sa malaking statue ni Goddess Dian Masalanta na naka gitna dito sa entrance area. "Akala ko ba full of love itong school niyo...oo siguro para sa iba, pero para sa akin nagiging school of hell ito, dahil dalawa sila ngayon gusto sirain ang buhay ko...gabayan niyo naman ako, bigyan niyo ako ng lakas..." halos nagmamakaawa na ako sa statue na hindi naman ako kayang tignan, kasi nga statue.

Halos mabalyo na ako dito. Dalawa ba naman ang nagbabanta sa buhay ko. Mukhang kaya pa naman manakit ng bagong si Inah.

Pero lalaban ako. Kakayanin ko. Makaka survive ako sa school year na 'to. Mananalo ako laban sa kanila.




Crazy Love | Heartful Academy 3Where stories live. Discover now