Chapter 7

825 25 0
                                    


REINA ALCANTARA

"REINA!!! Gumising ka na dyan! Huwag mo na hintayin pang pumasok ako sa kwarto mo! Hindi mo magugustohan ang gagawin ko! Sinasabi ko sa 'yo!"

Dahan-dahan na nagmulat ang mga mata ko nang marinig ang ingay ni mama. Kahit sino naman sigurong masarap ang tulog magigising sa tunog kampana niyang boses.

Parang lantang bulaklak pa rin akong tumayo at hindi na inayos ang kama. Kinuha ko ang pink kong towel na nakasabit sa gilid at habang palabas ako ng kwarto ay inaalis ko naman ang mga muta ko sa mata.

Nakita ko si mama na naghuhugas ng pinggan sa lababo at nilingon din niya ako. "Gising na ang prinsesa...ay mali, reyna pala..." parang inis na sabi ni mama.

"Anong oras na po ba?" Tanong ko.

"Jusko Reina mana ka talaga sa tatay mo! 7:20 na! Late ka na!"

Nanlaki ang mga mata ko. "Ano?!" Nilingon ko ang malaking orasan na nakasabit sa gilid ng dingding na malapit sa lamisa at sakto ngang 7:20 na.

"Naku patay ako nito..." dali-dali na akong tumakbo papasok sa cr na nasa gilid lang ng lababo.


Wala na akong sinayang na oras dahil masyadong mahaba na ang nasayang kong oras kanina kaya sinabay ko na ang paglagay ng shampoo sa buhok at pagsabon sa katawan, pagkatapos ay nag toothbrush na rin.

Daig ko pa si The Flash sa bilis ko ngayon. May kunting bula pa ng shampoo ang natira sa tenga ko pero hinayaan ko nalang ito at dali-dali ng lumabas sa cr at pumasok sa kwarto ko.

Nag palit na ako ng pink dress na hanggang tuhod at may bulaklakin na designs. Kinuha ko ang mga lipstick kong nakalagay sa itaas ng drawer at nilagay sa sleng bag na daldalhin ko.

Dali-daling inayos ko na rin ang buhok ko sa favorite kong hairstyle na pigtail na magpapamukha sa aking bata.

Lumabas na ako ng kwarto dahil nag iingay na naman si mama. Nakita ko siyang nakaupo malapit sa lamisa at nakatingin lang sa akin.

Dali-dali akong lumapit sa lamisa at kumain ng limang kutsara ng kanin at nilamon ko na ang hotdog. Mabilisang ininom ko na rin ang gatas na hindi na mainit.

Pagkatapos ay hinalikan ko na ang pisngi ni mama. "Ali na po ako..." dali-dali na akong lumakad palabas ng bahay at narinig ko pa ang paulit-ulit na sinasabi ni mama tuwing aalis ako.

"Huwag makipag landi!"



Pagkalabas ko sa gate ay saktong-sakto naman na dumaan Uncle Carl, kaibigan nila mama at papa at malapit lang dito sa amin ang bahay nila. Tulad ni papa ay may sarili din siyang taxi. Kung may ibang lakad si papa ay kanya ako sumasakay.

Tulad ngayon na nakaalis na si papa at namasada na, kaya agad na binuksan ni Uncle Carl ang taxi niya. "Rein sumakay ka na..." tawag niya sa akin.

Dali-dali na akong pumasok at umupo sa front seat. "Balita kong nakapasa ka ulit sa HA Senior High at ngayon ang First Unite niyo, kaya kailangan na natin magmadali dahil late ka na..." sabi sa akin ni Uncle Carl na nasa tabi ko at mabilis siyang nagmaniho, wala naman masyadong sasakyan at hindi traffic.

Habang nag mamaniho siya ay busy naman ako sa pagpapaganda. Dito na ako naglagay ng pink lipstick sa pisngi ko at ikinalat sa mukha, sunod ay naglagay na rin ng kunting red lipstick. Red lipstick na rin ang inilagay ko sa labi ko.

"Pak, maganda ka na..." sabay tawa ni Uncle Carl.

Kumindat ako kay Uncle Carl. "Syempre uncle dapat maganda pa rin tayo kahit late na, para kapag papagalitan tayo at least maganda tayo..." naka ngiting sabi ko.

Crazy Love | Heartful Academy 3Where stories live. Discover now