Chapter 9

697 25 0
                                    


REINA ALCANTARA

JUNE 5. This is it. The first day of class this school year. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, excited ako dahil officially Senior High student na ako ng Heartful Academy.

Pero nakaramdam din ako ng lungkot dahil baka hindi maging maganda ang school year ko ngayon dahil sa hayop na River na 'yon. Natatakot ako na baka babagsak ang grades ko ngayon dahil baka mapabayaan ko kakaganti ko sa kanya.

Sinong tanga ang matutuwa at game makipag away aso't pusa sa kalagitnaan ng school year.

Bakit ko pa 'yon nasabi eh obvious naman na ako ang tanga. Ayaw ko kasing pinaglalaroan ako. Kapag tinatapakan ang pagkatao ko lumalaban ako.

At ubos na ang pasensya ko sa hayop na 'yon, kaya kahit ayaw ko tinanggap ko nalang ang hamon niya, ayaw kong isipin niya na magpatalo nalang ako.

"Reina ayos ka lang? Kanina pa mukhang malalim ang iniisip mo?" Natigil ako kakaisip nang marinig si papa na nagmamaniho.

Nasa loob ako ng taxi niya at papunta na kami ngayon sa HA. Mukhang kanina pa niya ako nakitang nakatingin sa labas ng bintana. Nilingon ko siya at tumango lang ako.

"Good morning lovely people in Hearts City! Excited na ba ang lahat para sa unang araw ng pasokan sa HA at HA University? Well I know all of you did!" Rinig kong sabi ng radio dj mula sa vehicle audio ng taxi ni papa.

"First day of school ngayon anak, kaya bakit parang malungkot ka?" Tanong sa akin ni papa.

Umiling ako. "Naku hindi po...antok lang siguro ako dahil maaga pa, pero excited talaga ako..." sagot ko at tumango naman si papa na halatang naniwala siya.



Hindi nagtagal ay narating na rin namin ang Heartful Academy. After ko i-kiss ang pisngi ni papa ay bumaba na ako at umalis na rin siya dahil mamasada pa siya.

Nakangiti ako ngayon habang nakatingin sa labas ng HA. Subrang daming students mula Elementary hanggang Senior High ang pumapasok ngayon sa kulay asul at napakalawak na main entrance gate ng HA.

May nakita rin akong College students na pagkatapos ihatid ang nakakabatang kapatid nila sa HA ay umakyat na sila sa hagdan ng overpass at nilakad ito dahil connection ang overpass na 'to sa campus ng HA University.

Magkaharapan lang kasi ang dalawang campus na 'to dito sa labas. Ang Heartful Academy at Heartful Academy University ay parihong pinapatakbo ng Hearts City Government.

Private man at school for rich kung tignan ay mababa naman ang tuition fee dito at talagang quality education. One thing ika-proud dito is friendly to all ito. Mula sa mga staff, teachers and pati students ay dumadaan muna sa mga programs para masubok ang mga ugali.

Yes the grades is important. Pero dito sa HA mas tinitignan nila ang attitudes ng mga tao bago ipasok dito. Kaya nga nagtataka ako bakit nakapasok ang River na 'yon. Talagang nagpanggap pa siya na anghel.


Lumakad na ako sa pedestrian line at marami akong kasabay na students. Pagkapasok ko sa entrance gate ay sumalubong sa aming mga students ang mga makukulay na dahong nahuhulog mula sa mga kahoy na nasa gilid-gilid.

Nilanghap ko ang sariwang hangin at napangiti ako habang tinitignan ang kapwa students. Lahat ay attractive tignan dahil sa mga suot na school uniforms na naka dependi naman kung Elementary, Junior High or Senior High ba sila.

Subrang bagay nga sa akin itong uniform ng Senior High. Blue dress. White shirt with skinny tie and may blue uniform coat. I look pretty on this.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Napahinto ako nang makaramdam ako na parang may tao sa likod ko at ilang sandali pa'y umakbay na nga sa akin. Nagsalubong ang mga kilay ko nang makitang si River ito at tumabi pa sa akin.

"Kumusta?" Nakangiting tanong niya.

I rolled my eyes. "Hindi na okay dahil nakita kita..."

Tumawa lang siya at nauna ng lumakad. Nagpaka-chill pa siyang lumakad habang nakahawak ang mga kamay niya sa likod ng ulo niya.

Habang naglalakad kami dito sa campus ay hindi ko mapigilang magtaka nang halos sa mga students na nadadaanan ko ay tinitignan ako.

My gosh naging instant famous ba ako? Kabilang na ba ako HA Representative? Ka-level ko na ba si Art Everest?


Ngunit nagkunot lang ang noo ko nang tinatawanan na nila ako. Ang iba sa kanila'y napapatakip-bibig sabay tawa. May parang nakakatawa silang tinitignan mula sa bag ko eh kaya dali-dali ko itong kinuha.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may nakadikit pala ditong sticky note at binasa ko ang nakasulat.

Ako si Crazy Girl! Takas mental ako kaya humanda kayo sa akin...balyo akooo!

Napalingon ako sa paligid at nagsimula na silang tawagin akong Crazy Girl. Halong inis at sakit ang naramdaman ko sa mga oras na 'to dahil first day of school pinagtatawanan na nila ako.

But I only feel anger right now dahil isa lang ang alam kong gagawa nito. Ang walang hiyang si River na subrang chill pang naglalakad. Talagang pinaghandaan niya ang inisin ako.

Napakaaga niya sirain ang araw ko! Humanda siya! Ang mapahiya pala ako ang gusto! Pwes, physikalan naman ang gusto ko!

Nakalayo na siya mula sa akin kaya agad akong tumakbo papunta sa kanya at pagkalapit ko'y agad ko tinadyakan ang paa niya kaya na-out balanced siya at napaupo sa suminto.

"Aray ang sakit no'n ah..." sigaw niya at napapangiwi pa siya.

Tumayo ako sa harapan niya at agad kong idinikit ang sticky sa noo niya. "Takas mental talaga ako kaya mag ingat-ingat ka sa akin!" Matalim ang titig ko sa kanya kaya napanganga lang siya.

Iniwanan ko na siya at nauna ng lumakad papunta sa Arts & Design Building 2 kung saan makikita ang classroom namin.





Crazy Love | Heartful Academy 3Where stories live. Discover now