Chapter 21

502 16 0
                                    


REINA ALCANTARA

TUMIGIL muna kami sa paglalakad dito sa park, nagpahinga muna kami ng ilang oras dito sa bench na nasa ilalim ng puno sa kahoy na parang cherry blossom kung tignan.

Tahimik kaming tatlo nakaupo dito sa bench. Mayamaya ay umalis muna si Hiro dahil bibili siya ulit ng milk tea kanina na naging favorite na 'ata niya.

Naiwan kami dito ni River. Ilang sandali pa'y pariho kami napabuntong hininga, at magkasabay pa nilingon ang isa't isa.

"Umamin ka nga!"

"Panira ka talaga!"

Nagkasabay pa kami magsalita.


Nagsalubong ang kilay niya. "What? Ako pa 'tong panira? Eh sino ba ang bigla nalang dumating at sumama sa amin ngayon? Hindi ba ikaw. Kaya ikaw ang panira sa amin..." tugon niya.

I feel suspicious sa sinabi niya. "Wait a minute. Huwag mo sabihing, gusto mo siya maka date ngayon, kaya ayaw mo akong sumama..." biro ko.

Nanlaki ang mga mata niya. "What the shit! Mag pinsan kami! Gago ka talagang balyo ka..." inis niyang reaction.

Tumawa naman ako. "Ay oo nga pala, nakalimutan ko, hindi kasi halata, kasi ang layo ng ugali niya sa ugali mong hayop ka..." pang asar ko.

Seryoso niya akong tinignan ngayon. "Umamin ka nga. May gusto ka ba kay Hiro?"

Napanganga ako sa biglang tanong niya. "H-Hindi kaya,"


Nag deny ako sa feelings ko kay Hiro dahil ayaw kong pagtawanan lang ako ng River na 'to at baka sasabihin pa niyang hindi kami bagay. At tsaka kung balak ko namang umamin, didiretso nalang ako kay Hiro, hindi sa kanya.

Lalo pa naging matalim ang tingin niya sa akin. "Kahit na hindi mo aminin, ngayon pa lang sinasabihan na kita, hindi kita gusto para kay Hiro."

Napalunok ako sa sinabi niya. Gaga ngayon lang 'ata ako kinabahan sa kanya. Parang mangangagat na siya ng tao.

"Hindi ko gusto 'yang ugali mo para sa pinsan ko. Ako ang hahadlang sa pangarap mong mapa-ibig si Hiro." Dagdag pa niya.

Natawa lang ako. "Ang oa mo na masyado..."

"Seryoso ako." Biglang sabi niya. Kaya ako ngayon ay dahan-dahan na natigil sa kakatawa at umupo nalang ng maayos.

Iniwasan ko siya ng tingin pero ramdam kong nakatingin pa rin siya sa akin. Tinignan ko nalang ngayon ang mga kulay pink na dahong nahuhulog mula sa kahoy na ito.



HATING GABI na ngayon pero hindi pa rin ako makatulog. Iniisip ko pa rin ang mga sinabi sa akin ni River kanina. Hindi ko alam kung bakit ako naapektohan ng ganito.

Siguro hindi ko lang gusto si Hiro, mahal na mahal ko na. Sa lahat ng mga naging crush ko, sa kanya ko nakikita ang future ko. Kasi iba siya sa lahat eh. Siya lang 'yong crush ko na ramdam kong gentle sa akin.

Kinakausap niya ako ng matagal. Ngumi-ngiti siya at okay lang sa kanya hawakan ko ang braso niya. Siya lang naging mabait sa akin, 'yong mga crush ko dati hindi namamansin.

Kaya ganun nalang ang pagkagusto ko kay Hiro. Kaya gagawin ko ang lahat para magustohan niya ako. At babagohin ko na ang pakitungo ko kay River.

Kahit ayaw ko, no choice na ako dahil mag pinsan sila. Paano naman kasi ako magustohan ni Hiro kapag malaman niyang hindi ko nakakasundo si River. Kailangan mabait at mahinhin lang ako sa paningin ni Hiro.

"Tama. Kaya mula ngayon maging mabait na ako kay River—" napailing ako. "Kaso hindi ko talaga kaya eh...bwesit na bwesit ako sa kanyaaa!" Napasigaw nalang ako.

"Hindi. Dapat mula ngayon kokontrolin ko na ang anger issue ko sa kanya. Para kay Hiro, para sa love story namin ni Hiro..." balik ako sa positive mood.

Kahit imposible na hindi ko siya papatulan dahil kilala ko sarili ko na walang inaatrasang laban, inisip ko nalang na kaya ko, wala namang bagay na hindi ko kaya eh.



LUMIPAS ang isang araw monday na ulit. Pasok na naman sa school. Kakapasok ko palang sa campus napabuntong hininga na ako, parang gusto ko na nga lang umuwi.

Bigla ko nalang naalala ang sinabi sa akin ni Hiro nong una naming kita. Dahan-dahan ako napangiti dahil ngayon na pala siya papasok sa HA. That's means makikita ko na siya.

Dahil dito ay nabuhayan ako, nagawa ko pa magpatalon-talon habang naglalakad, iniisip tuloy ng iba isip bata ako. Pero wala naman akong paki sa kanila, ang importante masaya ako dahil makikita ko ngayon si Hiro.

Bigla nalang may humila sa isang side ng buhok kong naka pigtail. "Aray..." napangiwi ako.

Agad din nito binitawan ang buhok ko at nanlaki ngayon ang mga mata ko nang bigla akong hinarap nito at ang hayop na si River nga ito.

"Bleehhh...sisirain ko naman ang araw mo..." tumatawa pa siya.

"Hayop ka talaga!" Sigaw ko at dali-dali naman siyang tumakbo nang makita akong galit.

Hahabulin ko sana siya pero natigil ako nang maalala ko ang plano ko. Bumuntong hininga nalang ako. "Arrrgghhh...masisiraan talaga ako ng bait..." napahawak nalang ako sa ulo.

Bakit ba kasi si River pa ang naging pinsan ni Hiro! Paniguradong marami na naman 'yong inihanda sa aking prank.


Kakapasok ko palang sa classroom ay nanlaki na ang mga mata ko nang sumalubong sa akin ang napakaraming ahas, meron pang palaka at iba't ibang insects tulad ng epis at bugs.

"Ahhhhhhhhh!!!" Napasigaw ako sa subrang takot at igina-galaw-galaw ko ang katawan ko para maalis sila.

Pagkatingin ko sa sahig ay may nakita pa akong isang ahas, sa subrang taranta ay na out balanced ako at nadapa sa sahig.

"Its a prank! Puro plastic mga 'yan..." narinig kong tumawa si River at pinagtawanan na rin ako ngayon ng iba kong classmates.

Hingal na hingal ako ngayon dahil sa subrang kaba sa takot. Dahan-dahan akong tumayo at kinuha ko ang isang plastic na ahas sa sahig at dahan-dahan na lumapit kay River. Seryoso ko siyang tinitigan at matapang din siyang nakipag titigan sa akin.

Itinaas ko ang ahas at akala siguro niyang sasapakin ko siya nito dahil inilayo niya ang mukha niya, pero maingat kong inilagay ito sa balikat niya.

"Good morning." Sabi ko nang mahinahon habang dahan-dahan na hinaplos ang pisngi niya.

Iniwanan ko siya ngayong nakanganga, malamang nagtataka. "Anong nangyari do'n?" Rinig kong sabi niya habang naglalakad ako papunta sa upuan ko.


Talagang sinusubukan ngayon ang pasensya ko. Kung ano-anong prank na ang ginawa sa akin ni River.

Merong nilagyan niya ng yellow na ketchup ang upuan ko, hindi ko ito nakita, kaya nong pinapunta ako ni Ma'am sa harap ng klase ay tinawanan nila ako dahil akala nila nag dumi ako.

"Rein tumira ng tres, hindi nakatiis, nakatae..."

"Amoy putok na nga 'tong si Bruno, hinaloan pa ng amoy utot ni Rein. Jusko magsilayas na nga tayo dito..."

Kung ano-anong biro ang sinabi nila sa akin, marami sa kanila ang nagtakip ng ilong liban sa mga kaibigan ko. Makailang ulit ko ini-explain na wala namang amoy, nagmukha lang siyang dumi pero ketchup 'to.

Sinubukan ko pang ipaamoy kay Ma'am para maniwala, kaya nagtawanan ang mga classmates ko nang tumakbo si Ma'am.



Crazy Love | Heartful Academy 3Where stories live. Discover now