Chapter 35

805 34 2
                                    


REINA ALCANTARA

DAHIL sa bilis ng maniho ni Papa ay hindi nagtagal ay narating na namin ang airport. Pagkatapos mag parking ni Papa ay wala na akong pinalampas pa na oras, agad na akong lumabas at dali-daling tumakbo.

"Iiwan mo pa talaga ako hayop ka...makita lang kita ngayon mapapatay talaga kita..." sabi ko habang patuloy sa pagtakbo.

Malayo pa ako sa entrance, nandito pa ako sa malawak na field sa labas ng airport. Out of nowhere ay bigla nalang ako natigil. Hindi ko ma-explain, pero nakaramdam ako ng kirot sa dibdib.

Dahan-dahan ako tumingala sa mga ulap, at do'n ay nakita ko ang isang airplane na kakaalis lang. Para akong binagsakan ng bulalakaw sa sobrang bigat ng pakiramdam ko.

Pero hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa, baka nagkakamali lang ako. Sinubukan kong tawagan si Mama Vina at agad naman niya sinagot. "Mama V, Philippine Airlines ba ang sinakyan ni River?" Tanong ko.

"Oo Philippine Airlines nga, at ganitong oras ang byahe." Nang marinig ko 'yon ay lalo na akong nanghina.

Pinatay ko na ang tawag. Napahawak nalang ako sa ulo. "Hayop ka talaga, lagi mo nalang nilalayo ang sarili mo sa akin...para ano? Para hindi kita mapatay? Animal ka talagang hayop ka..." nagwala na ako dito, makailang ulit ko sinisipa ang lupa.

Pero sa totoo lang hindi naman talaga galit, dahil nasasaktan ako ngayon. Sinusubukan ko lang maggalit-galitan para maalis ang lungkot. Pero hindi ko mapigilan ang umiyak. Parang muling nawasak ang unti-unti kong binubuo na puso kong durog na durog na.

Dahan-dahan akong tumingin sa mga ulap at tinitigan ko ngayon ang airplane na nakalayo na. "Huwag ka na bumalik dahil ipapalibing talaga kitaaa!!! Bwesit kaaa!!!" Sigaw ko ng pagkalakas habang tuloy pa rin sa pagpatak ang luha. Ganito pala ako kalakas sumigaw kapag nasasaktan na.





AFTER ONE YEAR, naka recover na rin ako sa mga masasakit na nangyari sa akin. I now fully healed and ready to start my new journey. Stay strong pa rin ang pagkakaibigan namin nila Princess, Victor, Bruno at Justin.

Ang pag graduate namin ng senior high ay one of the best moment in our life. Lalo na sa akin. Dahil okay na ang lahat sa amin ni Inah. Sa kanya ko binigay ang mahigpit na yakap sa araw ng graduation namin.

"I've been waiting for this, na muli kang mayakap ng mahigpit na mahigpit..." sabi ko sa kanya at nag-iiyakan na nga kami sa tuwa, parang wala na kaming balak na bitawan ang isa't isa.

Ang ganda pa rin niya ngumiti. "End the war na?" Tanong niya. Ngumiti ako. "End the war na." Muli ko siyang niyakap. "Now the original crazy girls are backkk!!!" Sigawan naming dalawa at nagtatalon-talon pa kami, wala kaming paki kahit ang daming tao ang nagtitinginan dahil on-going pa ang closing speech ng host.

Lumapit si Hiro at nagyakapan sila ni Inah, matagal na kasi silang nagkabalikan dahil inayos na namin ang issue at masaya ako sa kanila. "Hiro ingatan mo ang kaibigan ko ha...kapag siya pina-iyak mo," pinakitaan ko siya ng kamao. "Kita mo 'tong kamao ko? Hospital ang aabotan mo dito!" Kita ko ang takot sa mukha niya.

"Syempre biro lang..." nagtawanan nalang kami. Napahawak si Hiro sa dibdib niya. "Kinabahan ako do'n ah, akala ko totoo na..." natawa pa rin siya.

Matapos ang graduation ay binigyan lahat ng students ng isang printed picture na kasama ang buong klase sa isang section. Magkasama kami ngayon ng mga kaibigan ko sa klase. Tinitignan namin ang picture. Class picture na wala si River.

"Kung hindi sana umalis si River, kasama sana natin siya ngayon, suot-suot ang asul na toga, naka ngiti at yayakapin tayo." Pumatak ang luha ni Bruno, hindi namin siya masisi dahil siya talaga ang pinaka close ni River.

Sinubukan kong pigilan ang luha kong papatak na. "Alam niyo, kung nandito ngayon si River, tatlong bagay lang ang gusto niya. Ang walang iyakan, dapat masaya lang, at magyakapan...kaya hali nga kayo, magyakapan tayo..." agad silang apat lumapit sa akin at nagyakapan kami.



TINAHAK na namin ang college life, at syempre hindi pa rin kami magkahiwalay, dahil sa Heartful Academy University lang naman kami. So kahit mag-ibang course ang kinuha, nagkikita pa rin kami sa campus.

Nasa harapan lang ng Heartful Academy ang University kaya pwedeng-pwede kami mag balik-tanaw sa mga masasayang ala-ala do'n.

Thanks God, we survived the college. At matatag pa rin ang pagkakaibigan namin. Mas naging emotional pa kami sa graduation ng college, dahil syempre mag kanya-kanya na kami after nito.

This is our last day as a students, kaya binigay na namin sa isa't isa ang mahigpit na mga yakap. Kumuha ng mga masasayang larawan at ibinahagi sa social media ang tagumpay. Umaasa kami na kung nasa'n man ngayon si River, masaya siyang tinitignan ang mga pictures namin.





LUMIPAS ANG ILANG TAON. Malaki na ang pinagbago ko. Syempre mas naging maganda, dahil alam ko na ayosin ang sarili ko, alam ko na mag make up ng bongga. Lalo na nakilala as one of the best make up in the country.

Oo, natupad ko ang pangarap ko. Pangarap na akala ko hindi ko maabot dahil lipstick lang ang alam ko gamitin dati. Pero ito na ako ngayon, make up artist ng mga sikat na artista. Napatunayan ko sa lahat na kaya ko.

Nabigyan ko ng bahay ang mga magulang ko. Nabigyan ko si Mama ng restaurant. Nagkaroon din ng sariling kotse si Papa, hindi na niya kailangan mamasada. At higit sa lahat, nagkaroon ako ng sarili kong brand ng make up, ang Real Beauty.

Sa kabila ng tagumpay, pakiramdam ko may kulang pa rin. Dahil wala sa tabi ko si River, ang lalaking may malaking bahagi sa buhay ko. Napakarami kong natutunan dahil sa kanya.

12 years ng nakalipas, pero umaasa pa rin ako na babalik siya. Walang araw na hindi ko siya hinahanap. Bawat gabi umiiyak ako sa tuwing naiisip siya, ang hirap-hirap niya kalimutan.

Hindi ko na siya nakausap mula nong umalis siya. Wala na siyang mga social media accounts. Pakiramdam ko nga nag asawa na siya eh at kinalimutan na ako.

Mula nong umalis siya, naging madalas ang pagpunta ko sa airport. Naghihintay sa pagbabalik niya. Kapag pumupunta ako sa airport suot-suot ko lagi ang white dress na suot ko nong una naming kita, at may dala din akong red balloon. Dahil gusto ko kapag magkita kami isipin niyang ako pa rin ito, walang nagbago, lalo na sa pagmamahal ko sa kanya.




This afternoon, I was standing outside the airport while staring at the pink sky with a mixture of violet. "Hanggang kailan mo ako balak paghintayin...miss na miss na kita sobra..." pumatak ang mga luha ko.

Biglang dumaan ang malamig na simoy ng hangin at tinangay nito ang hawak kong red balloon. "Hey wait lang bumalik ka dito..." naudlot ang pag-iyak ko at dali-dali kong hinabol ang balloon.

Habang hinahabol ko ang balloon ay naalala ko ang una naming pagkikita ni River sa City Market. Hindi ko alam ngayon kung saan ako dadalhin nito, basta ang alam ko kailangan ko siya makuha.

Naabutan ko na siya, pero paitaas ang lipad niya kaya agad akong tumalon at nagawa kong hawakan ang tali niya. Binaba ko na siya at nanlaki ang mga mata ko nang may tao pala sa harapan ko.

Hindi ko nakita ang mukha niya dahil natabunan ito sa hawak kong red balloon. "T-This scene is familiar." Bulong ko sa sarili.

Dahan-dahan kong inalis ang balloon. At tumigil ang mundo ko. Wala akong ibang naririnig kundi ang tibok ng puso ko. Walang ibang nakikita ang mga mata ko, kundi ang lalaking ayaw ko na pakawalan pa.

Dinala ako ulit ng balloon sa kanya.

Sa muling pagkakataon ay pumatak pa ang mga luha ko. "River, nagbalik ka..." agad ko siyang niyakap ng pagkahigpit.

Ramdam ko ang paghawak niya sa likod ko. "Rein, let's begin again. And this time, no fights and no pranks, just a romantic moments for the two of us." He slowly kissed my forehead.

His hug. His touch. His voice. And his love, are the things I missed the most. Who would though that chasing the red balloon will lead me to him. And it happened again, it lead me back to him. Sometimes, destiny uses things para makita natin ang the right one. At ang para sa akin, yakap-yakap ko na ngayon.

THE END



Crazy Love | Heartful Academy 3Where stories live. Discover now