Chapter 19

538 17 0
                                    


REINA ALCANTARA

"So River, hindi mo naman sinabing ganito ka pala kayaman," biglang sabi ni Victor. Ay mali, Victorina na pala siya ngayon dahil gabi na.

"Oo nga bro, kwentohan mo naman kami tungkol dito sa napakaganda niyong coffeeshop..." tugon naman ni Bruno.

May ngiti naman sa labi River habang nililingon ang paligid ng coffeeshop. "Well, hindi naman 'to akin, kay mama 'to. Sa akin na sana niya ipapabahala, pero sabi ko napaka bata ko pa para sa ganito kabigat na responsibilidad, kailangan ko muna pag-aralan magpatakbo ng business. Kaya ito, ako muna ang bantay ngayon habang wala pa si mama."

"Nasa'n pala si tita ngayon?" Tanong naman ni Princess.

"Nasa Los Angeles pa. Bali nagpalit muna kami ngayon, siya muna nagpatakbo sa branch namin do'n ng Hearts Coffee habang busy pa si papa." Sagot ni River. Mukhang interview na 'ata ang nangyayari dito eh.

"So ibig sabihin, babalik ka pa sa America?" Tanong ni Bruno na mukhang malungkot ang tuno ng boses.

Dahan-dahan na tumango si River. "Ahm. Yes? Maybe?" Muli siya napa inom ng kape. "Pero kaya lang naman ako bumalik dito dahil sa mission ko."

Napanganga kami sa sinabi niya. "What? Anong mission?" Tanong ni Princess.

Napansin kong tumitig sa akin si River. "Secret." Kalmadong sagot niya.



Naiilang na ako sa titig niya kaya napaayos ako sa pagkaupo. "River wala na ba ibang tinapay dyan? Wala na tayong pares oh," pinalitan ko na ang topic nila dahil humahaba na.

Tumayo naman siya. "Ah sige kuha muna ako," sabi niya at lumakad na papuntang counter at kinausap ang staff niyang si Mika.

Habang nakatingin ako ngayon kay River na nakatalikod mula sa amin ay subrang dami ko namang naiisip. Narealize ko na ang kapal pala ng mukha ko, talagang nakikipag away pa ako sa kanya kahit ang taas-taas pala niya.

Subrang yaman niya. Hindi niya ako kalevel. And yet pinapatulan pa rin niya ako when other  rich people don't mind people na nakakababa sa kanila.

"Pero hindi ko naman kasi hahayaan lang na tapak-tapakan ang pagkatao ko. Kahit gaano pa siya kayaman, wala akong paki, lalabanan ko pa rin siya." Sabi ko sa sarili at sure naman akong hindi ako narinig ng mga classmates ko dahil busy sila pag iinom ng kape.

Mayamaya lang ay bigla akong tinawag ni River. "Rein hali ka muna dito, tulongan mo akong dalhin 'to..." tugon niya.

Wala naman akong choice kundi tumayo nalang at puntahan siya, maraming tinapay kasi ang kinuha niya at nagdagdag pa siya ng ilang tasa ng kape, kaya mahirapan talaga siya magdala.

Nang makalapit ako ay nauna na niya hinatid ang iba sa lamisa namin. May dalawang kape naiwan at ako na magdala nito. Biglang may naisip akong gawin, dahil baka sa kanilang kanina pa pala may pinaplano sa akin si River, at least nakahanda din ang ganti ko.

Grabe kasi ang trust issue ko sa kanya. At ang bait niya kanina mula pa school, kaya malamang dito palang siya may gagawin. Kasi knowing River, hindi siya makapayag na hindi ako mapag tripan sa isang araw.


Bumalik na ako sa lamisa at ibinigay na sa kanya ang tasa ng kape niya, habang ang isa naman ay akin.

Bigla siyang may inabot sa akin na spanish bread na more expensive look. Lahat naman kami meron nitong tinapay, kaya tinanggap ko nalang din.

Nakita kong kinain na nila Princess at Victor ang sa kanila, kaya dahan-dahan ko na rin kinain ang akin. Unang kagat nanlaki na ang mga mata ko.

"A-Ang anghang!!!" Pagsisigaw ko, natataranta na ako dahil parang umaapoy ngayon ang bibig ko sa subrang anghang.

"Anong maanghang beshy? Kailan pa nagkaroon ng pan na maanghang?"

"Hindi naman maanghang itong sa amin ah, subrang tamis nga eh..."

Rinig kong sabi nila Princess at Victor. Habang ako hindi ako mapakali, nag-iisip pa rin ako ng solution habang hawak-hawak ko ang baba.

Hanggang sa no choice na ako dahil hindi ko na natiis ang anghang, agad kong kinuha ang mga kape nila Princess at Victor at isa-isang ininom. "Ahhhhhh!!!" Muli akong sumigaw dahil lalong nagbabaga ngayon ang bibig ko dahil ang init pa pala ng kape.

"Maanghang na nga 'yang bibig mo, iinom ka pa ng mainit na kape, laking tanga mo talaga Rein..." rinig kong angal ni River.

"Shut up!" Sigaw ko sa kanya.


Buti nalang naalala kong meron pa pala akong tubig sa loob ng bag. Dali-dali kong kinuha ang tumbler sa bag ko at uminom. Kahit papaano naman ay unti-unting nawala ang init sa bibig ko.

Kinuha ko ang tinapay na kinain ko at tinignan ko ito, halos mahulog ang panga ko nang makitang may mga mapupulang sili ang nakalagay dito sa loob.

Tinignan ko ngayon si River na nagsasalubong ang mga kilay ko. "Hayop ka talagang animal ka!" Sigaw ko sa kanya.

Natawa lang siya at dahan-dahan na ininom ang kape. Pagkainom niya ay natigilan siya habang nanlaki ang mga mata, at bigla nalang niya ibinuga ito, kaya basang-basa ngayon ang mukha ni Bruno na nasa harapan niya.

"Ang alat!!!" Sigaw niya at hinahawakan pa niya ngayon ang dila niya.

Nasa akin na ngayon ang halakhak. "HAHAHAHA nilagyan ko 'yan ng asin gunggong ka! Alam ko kasing pag tripan mo naman ako, kaya pinaghandaan na kita..." sabi ko sa kanya habang naka crossed arms.

"Balyo ka talaga!"

"Tse! Animal ka namang hayop ka!"

Halos nasa amin na ang attention ng mga customers, pati staff dito, sa ingay ba naman namin, na kahit nasa iisang lamisa lang nagsisigawan pa.

Maliban sa mga classmates namin ay mag ilang customers din ang tawang-tawa sa aming dalawa. Akala siguro nila nagkatuwaan lang kami dito, eh nagka-initan na kaya dito.

Maayos naman akong nakauwi, hindi rin nagalit sila mama dahil nagpaalam naman ako kanina na pupunta lang kami sa coffeeshop ng classmate namin.



IT'S saturday today and walang pasok, hindi ko makikita ang pagmumukha ng hayop na 'yon. Grabe, first week palang 'yon ng pasukan nakakagigil na dahil sa mga paandar niya.

Pero anyway, dapat good vibes lang tayo ngayon. Lalo na dahil may alakad pa ako ngayon kasama ng mga kaibigan kong sina Princess at Victor.

Nakapagpaalam na ako ng maayos kay mama na pupunta lang kami sa Heart Park at pumayag naman siya basta hindi na magpapagabi. Hinatid na rin ako ni papa ngayon.

Pagkarating ko sa Heart Park ay tama nga ang sinabi ng mga kaibigan ko, napakaraming tao dito. Every saturday kasi wala masyadong duty sa trabaho at may pera ang mga tao ngayon.

Kahit sa'n ako tumingin ay may mga stall akong nakikita na may iba't ibang paninda. Mga murahing paninda. Mula sa mga ukay-ukay, mga accessories, mga bracelets na puro couples pa kadalasan bumibili.

At syempre hindi mawawala ang mga pagkain, may mga nagtitinda ng ulam na may kasama ng kanin, may mga snacks, palamig, at ang pinagkagulohang mga street foods sa gilid-gilid.

Hindi lang mga paninda ang pinuntahan ng mga tao dito, kundi para makita din ang mga naggagandahang view dito, tulad nalang ng mga kahoy na parang cherry blossoms dahil sa mga kulay rosas na dahon, mga statues, at mga pailaw kahit hindi pa gabi.

Tinignan ko ang cellphone ko at kaka message lang ni Princess, sumunod naman ang reply ni Victor sa group chat namin. Pariho lang ang sinabi nila.

"Beshy going na ako, wait mo lang ako dyan"

Napakamot ako sa ulo. "Kanina pa nila sinabing "otw" ah, on the water kamo..."

Rereplyan ko sana sila pero natigil ako nang mapatingin ako sa malaking fountain na nasa harapan ko. Hindi itong fountain ang umagaw ng attention ko, kundi ang lalaking nakaupo sa bench na nasa gilid ng fountain.



Crazy Love | Heartful Academy 3Where stories live. Discover now