REINA ALCANTARA
HABANG lumakad ako palayo ay nagpipigil naman akong tumawa dahil sa naalala kong mukha niya nong nahulog siya sa hagdan.
Inalis ko na siya sa isip dahil baka ano pang iisipin ng mga students dito pag nakita akong tumatawa mag isa. Habang naglalakad ay kanina pa ako nakaramdam na parang may sumusunod sa akin, pero hinahayaan ko lang dahil malamang mga new students lang 'yon na hindi pa alam sa'n pupunta.
Pagkarating ko sa Arts & Design Building 2 ay naging abot tenga ang ngiti ko dahil sa subrang excited na sa wakas nakatapak na ako sa building na 'to bilang student dito.
Elementary palang ako dito sa HA pinangarap ko na talaga na dito ang room ko dahil sa mga kamangha-manghang designs dito, kahit wala pa akong alam no'n sa Arts & Design ginusto ko na ang track na 'to. At ngayong Senior High na ako, magiging pinakamagandang taon 'to sa buhay ko.
Umakyat na ako sa hagdan dahil nasa second floor ang room namin. Wala pa masyadong katao-tao dito, baka nasa cafeteria pa ang iba, pero may ibang room naman dito na sinimulan ng linisin ng students.
Patuloy pa rin ako sa paghanap ng room namin, masyadong marami kasi ditong rooms. Nakaramdam ako na parang may tao sa likod ko kaya dahan-dahan akong lumingon at nanlaki ang mga mata ko nang makatitigan na naman ang hayop na 'to.
Nagkalapit ang aming katawan dahil kanina pa pala siya sa likod ko. Dali-dali akong lumayo sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?! Kanina mo pa ako sinusundan 'no!" Inis.
"Wow ang kapal mo naman...hinahanap ko lang ang room ko and may nakapag sabing dito ko mahahanap..." paliwanag niya.
Hayop na 'to. Huwag lang sana kami maging classmate dahil papanget talaga ang buong school year na 'to sa akin.
"Ano bang section mo?" Sabay namin na tanong sa isa't isa kaya inirapan ko siya ng mata.
Tinignan niya ang kanyang printed copy ng form at ganun din ako. Pagkatapos ko tignan ay lumingon ako sa paligid at parang ginaya din niya ako. Napanganga nalang ako dahil nasa harapan lang pala namin ang hinahanap kong room.
"Section Juan Luna!" Nagkasabay pa rin kami sa pagsagot at parihong nanlaki ang aming mga mata habang dali-dali kaming tumingin sa isa't isa.
"What?!" Nagkasabay pa rin kami.
Nagagalit na ako sa nangyari ngayon at hindi ko matanggap na maging kaklase kami. "No, no, no...this can't beee!!!" Napasigaw nalang ako.
"Naku hinding-hindi din ako papayag 'no..." napakamot siya sa ulo.
Nainis ako dahil may lakas ng loob pa talaga siyang sabihin 'yon kaya aangal pa sana ako nang biglang mag bukas ang pinto ng classroom na nasa harapan namin.
Bumungad sa amin ang isang babaeng mukhang hulog mula langit dahil bukod sa ganda niya eh parang kukunin na kami ng langit dahil lahat sa kanya'y puti, mula sa white dress, white heels, white earrings and white necklace.
Biglang nagtago sa likod ko ang bwesit na lalaking ito. "Taika lang naman huwag niyo muna kami kunin..." sabi niya habang nakasalip siya sa babaeng nasa harapan ko.
Pati ako ay napatakip sa mata dahil hindi ko kayang tignan ng matagal ang babaeng ito.
Narinig kong tumawa ng pahinhin ang babae. "Kalma lang kayo...yeah my name is Angel Santos but I'm not angel, kaya hindi pa kayo pupunta sa itaas ngayon, 'yon kung sa langit ba talaga kayo..." pabirong sabi niya.
YOU ARE READING
Crazy Love | Heartful Academy 3
RomanceRein is crazy when comes to love. She easily fall in love to every guys she just meet. She has flirting skills, but all the guys she flirt regected her. Until one day, she chased her balloon and it lead her to River. This guy is almost perfect; good...