Chapter 16

583 23 0
                                    


REINA ALCANTARA

NANG makabalik si River dito sa amin ay nakatingin lang siya sa akin hanggang makaupo siya sa tabi ko.

Dahan-dahan siya ngumiti. "Thank you. Dahil sa sagot mo nakaupo na ako." Biglang nawala ang ngiti sa mukha niya at napalitan ng masamang tingin, nagsalubong ang mga kilay.

"Pero dahil din sa 'yo kaya ako naparusahan...dahil dyan sa napaka-panget mong mukha..." asar na asar siya.

Galit akong nakipagtitigan sa kanya. "Ipaalala ko lang sa 'yo, ikaw ang nagsimula sa araw na 'to, kakapasok ko palang binuhusan mo na ako ng harina, gumanti lang ako, at hindi pa ako tapos sa 'yo..." sabi ko din sa kanya.

"Oo magtutuos talaga tayo mamaya..." saad naman niya.

"Arrrggghhhh..." pariho na kaming nanggigil na sa isa't isa habang inilalapit pa namin ang mga nangangalit naming mukha.

"Mr. Mendez! Miss Alcantara! For the sake of our class, umayos kayo dyan sa likod. Naririnig ko kayo dito." Rinig naming sabi ni Ma'am kahit nakatalikod siya habang may sinusulat sa blackboard.

"Hmmm..." nag-iwasan nalang kami ng tingin ni River.



TAPOS na ang lunch time, kaya pagkatapos namin kumain sa second floor ng cafeteria na mala mall sa subrang laki ay pabalik na kami ngayon ni Princess at Victor sa classroom.

Pagpasok namin ay marami na pala sa mga classmates namin ang nakabalik na. Pumunta na kami sa pwesto namin sa likod at subrang chill pa ang upo ni River habang naka crossed arms pa.

Umupo na ako sa tabi at tinitignan ko lang siya ng nagsasalubong ang mga kilay habang nakatingin lang siya sa blackboard. Kinuha ko ang notebook ko, naiwan ko kasing nakalapag ito dito sa table naming apat.

Ibalik ko na sana 'to sa bag ko dahil wala na kaming isulat pa, pero napatigil ako nang makita ang drawing ng stickman sa likod nito, kaya dali-dali kong tinignan ang laman nito at nanlaki ang mga mata ko nang makitang subrang gulo ngayon ng notebook ko.

Subrang daming kung ano-anong drawing, may mga "blah blah blah" pang nakasulat sa kahit anong page, at ang nakakainis ay may mga drawing ng bastos, gaya ng private part sa lalaki.

Sa inis ko ay agad ko isinara ang notebook at padabog kong inilapag sa lamisa. "Sino sa inyo ang bumaboy sa notebook ko?!" Pasigaw kong tanong sa buong klase.

Napalingon silang lahat sa akin at natahimik, parang walang aamin. "Ayaw niyong umamin..." agad akong tumayo at itinaas ko ang notebook para makita nila. "Kapag wala sa inyo ang aamin, isa-isa ko kayong ipapakain ng papel!" Matalim na ang mga mata kong nakatingin sa kanila.


Isa lang ang prime suspect ko sa pagbababoy sa notebook ko, si River. Dahan-dahan ko siyang nilingon. "Ikaw ba ang gumawa nito?!" Hindi siya sumagot. "Aminin mo!!!" Tumaas pa lalo ang boses ko sa kanya.

Nilingon naman niya ako at nakuha pa niyang ngumiti. "Yes, it's me...pero relax lang, marami ka namang notebook dyan 'di ba..." pagpaliwanag niya at para bang wala lang sa kanya ang ginawa niya.

Agad kong isinampal sa kanya ang notebook, sa subrang lakas ay napatakip pa sa bibig ang mga classmates ko. "Napakawalang hiya mo talaga! Ipapasa ko pa 'yon mamaya kay Ma'am, pero hindi na niya macheck ang notebook ko dahil binaboy mo na...uulit na naman ako nito!"

Lalo lang akong nanggigigil dahil parang gusto pa niya matawa, kaya hindi na ako nakapagpigil pa, agad ko hinawakan ng mahigpit ang tela ng uniform niya malapit sa leeg at malakas ko siyang hinila para makatayo.

Pumunit ako ng isang papel sa notebook at agad itong ipinasok sa bibig niya, dinagdagan ko pa ng isa at nasundan pa ng isa. "Dahil nagiging halimaw ka ng hayop ka, kumain ka ng papel, baka sakaling mawala 'yang kademonyohan mo..."

"Rein tama na 'yan, baka malunok pa niya 'yan..." pagpapigil sa akin ng iba naming classmates.


Biglang dumating si Ma'am kaya nagsiayos ang lahat sa pagkaupo, maliban sa aming dalawa ni River, nanatili lang kaming nakatayo at nanlilisik pa lalo ang mga mata kong nakatitig sa kanya, nakita ko naman ang takot sa mga mata niya.

"Anong kagulohan na naman ito, Miss Alcantara and Mr. Mendez?! Seryosong tugon ni Ma'am Angel habang nakahawak ang mga kamay niya sa kanyang lamisa.

Agad kong itinulak palayo sa akin si River. "Siya po kasi ang nagsimula, dinudumihan niya ng notebook ko..." pagpaliwanag ko kay.

Habang si River naman ay iniluwa ang mga papel na ipinalamon ko sa kanya, halatang kanina pa niya pinipigilang malunok ang mga ito.

"Rein ikaw ba gumawa n'yan kay River? Alam mo bang napaka delikado ng ginawa mo..." parang nabaling sa akin ngayon ang sisi.

Napakunot-noo ako. "Siya po ang sisihin niyo Ma'am, hindi ko naman 'yan gagawin kung hindi niya sinimulan..." nagmatapang pa rin ako.

Napabuntong hininga si Ma'am. "Naaawa nalang ako sa classroom natin, dahil siguradong araw-araw magulo dahil sainyong dalawa." Napailing siya.

Biglang may kinuha siyang mga libro mula sa books area na nasa gilid lang niya. "Both of you, to the outside!" Tugon niya.

Patay, punishment.


Habang nagkaklase sila sa loob, nandito kami ngayong dalawa sa labas, may mga makakapal na dictionary ang nakapatong sa mga braso namin.

Parihong kaming pinagpapawisan na at halos naninigas na ang mga kamay, hindi lang kamay, dahil damay na ang mga paa, pina-squat na kami.

Wala na talagang mas worst sa pina-squat ka na, may mga libro pang nakapatong sa braso mo.

"Kasalanan mo 'to eh, ikaw lang dapat ang nandito ngayon, dinamay mo pa ako..." inis ko kay River.

Nilingon niya ako. "Na-punished na nga tayo, magsisihan pa tayo...save your energy nalang dyan, huwag ka na magsalita..." tugon niya.

"Hmmmm..." iniwasan ko na siya ng tingin at parang gusto ko nalang maluha dahil hindi ko 'to deserve, sa buong buhay ko ngayon lang ito nangyari sa akin.

I survived elementary without experiencing this, but shit dito ko pala sa senior high maranasan. And it's all because of this madafakir River!



Crazy Love | Heartful Academy 3Where stories live. Discover now