REINA ALCANTARA
SA KABILA ng masamang nangyari sa akin kanina na dulot ng animal na 'yon, ay nakuha ko pa rin maging positibo lang. Be positive tayo ngayon dahil birthday ko.
Sinusubukan kong alisin muna sa isip ang nangyari at pinipilit kong ibalik ang ngiti sa mukha ko dahil bibili pa ako ngayon ng cake.
Full of excitment and happy vibes na ulit ang naramdaman ko nang mabili ko na ang favorite chocolate cake ko.
"A true meaning of happiness indeed." Sabi ko habang nakatingin sa hawak na cake.
Dahan-dahan ako napatingala sa ulap at ipinikit ang mga mata.
"Now at the age of 16, naging independent na ako. Kaya ko na bumili on my own. Kaya ko na lumakad mag isa sa city. So proud of myself." Nilanghap ko pa ang malamig na hanging dumaan.
Tsaka ako nagpatuloy sa paglalakad. Napakunot-noo ako at pakiramdam ko may kung anong papalapit sa akin, kaya dahan-dahan akong lumingon.
Nanlaki ang mga mata.
"M-Miss tabi..."
"Ahhhhhh!!!"
Akala ko tapos na, pero hindi pa pala ako nilubayan ng kamalasan. This time nakaiwas ako mula sa isa pang bike na babangga sa akin.
Ngunit napatakip ako sa bibig nang makitang nakahandusay sa kalsada ang cake ko.
"Hindi maaari..." gusto ko na umiyak habang tinitignan ko ang cake, para akong namatayan ng kaibigan.
"S-Sorry miss hindi ko talaga sinasadya..." rinig kong sabi ng lalaking muntik na makabangga sa akin, pero 'yong cake ko lang ang natamaan niya.
Hndi ko muna siya pinansin dahil gusto kong magluksa muna sa cake ko. Halos nanghina ako kaya dahan-dahan na bumagsak ang katawan ko at napaupo nalang sa harap ng cake na kumalat sa kalsada.
"Oh my dear cake, pa'no na ang birthday ko kung wala ka? Hindi ko kaya...kaya pakiusap mabuhay ka, ang mahal-mahal mo pa naman, kaya kailangan mong mabuhay diyan at bumangon ka...huwag mo kong iwan cake..."
Humagolgol ako at kunti nalang talaga ay maiiyak na ako habang pinapahid ko ang mga daliri ko sa icing ng cake na naging makalat dahil nakalabas talaga sa box ang cake.
Malamang malakas ang pagkatama ng lalaki dito.
"Tsk. Cake iniiyakan? Napaka immature naman..."
Umurong ang luha ko nang marinig ang pagtawa ng lalaki. Agad akong napikon kaya dali-dali akong tumayo.
"Anong sabi mo?!" Inilapit ko ang kamao ko sa mukha niya.
Parihong nanlaki ang mga mata namin.
"Ikaw?!"
"Ikaw...?!"
Magkasabay pa kami sa pagsalita na halatang gulat na gulat.
Ano na bang nangyari sa mundo ngayon? Talaga bang gising ako o nanaginip lang ako? Parang ang hirap naman paniwalaan nito.
Nababasa at napapanuod ko lang kasi ang ganitong eksina eh. Pero bakit naranasan ko talaga mismo ngayon?
Nakakabwesit!
Sa labis na inis ay nilapitan ko siya. "Ikaw na naman?!" Pinagtuturo ko ang mukha niya. "Bwesit ka talaga 'no?! Talagang binalikan mo pa ako para lalo pa gulohin ang araw ko!"
Nakuha pa niya akong ngitian. "Alam mo miss, kung hindi ka sana nag ala Disney Princess dyan na habang naglalakad ay nakapikit ang mga mata at kunwari nilalanghap ang hangin, eh hindi sana tayo umabot sa ganito." Hirit niya.
YOU ARE READING
Crazy Love | Heartful Academy 3
RomanceRein is crazy when comes to love. She easily fall in love to every guys she just meet. She has flirting skills, but all the guys she flirt regected her. Until one day, she chased her balloon and it lead her to River. This guy is almost perfect; good...