Chapter 25

492 17 0
                                    


RIVER MENDEZ

ILANG araw ko din nakikitang sobrang sweet nila Inah at Hiro sa isa't isa. Minsanan na nga lang namin nakakasama si Hiro dahil hindi na siya lumalabas sa room, tuwing lunch time ay nasa room lang sila kumakain ni Inah.

Pero kahit ganun pa man, tinutulongan ko pa rin si Rein. May ilang beses na inaabutan ko ng milk tea si Hiro at sinasabing galing kay Rein, kahit mula naman talaga sa akin.

Minsan ay nawawalan na ng pag-asa si Rein na magustohan ni Hiro, lalo na bihira nalang namin makita si Hiro. Pero nanatili ako sa tabi ni Rein at pinapalakas ko ang loob niya.

Gumagawa pa rin ako ng paraan para sa kanila ni Rein at Hiro. Kahit ako na 'yong nasasaktan. Basta makita ko lang na masaya si Rein, okay na ako do'n.

Tanggap ko nang si Hiro ang ikakasaya niya, kaya tinutulongan ko siyang makuha si Hiro. Tiniis ko ang sakit dahil alam kong maging worth it ang kapalit nito, ang magka-ayos kami ni Rein at mapansin niyang nandito lang ako.


I even set a date for them. May group chat kaming tatlo sa Instagram. I tell them na lalabas kami, pupunta ng mall at magsaya. We take it as a friend date.

Pero nong dumating ang araw na 'yon, hindi ako sumulpot. Tinext ko silang hindi ako makasama dahil nagka-problema ang kotse ko, kahit wala naman talaga.

Kaya silang dalawa lang ang magkasama at itinuloy pa rin nila ang date.

Ang hindi nila alam ay nasa mall din ako sa araw na 'yon. Hindi ako nagpakita sa kanila, pero sinusubukan ko silang sundan sa kung saan sila pumunta.

Isang bagay lang ang nakikita ko sa kanila, pariho silang masaya. Kahit sa'n sila pumunta ay laging hawak ni Rein ang braso ni Hiro. Sobrang lapit nila sa isa't isa na parang hindi na mapaghiwalay.

Hindi ko mapigilang makaramdam ng selos habang patagong nakatingin sa kanila. Nakita ko silang pumasok sa book store at natagalan pa bago sila makalabas na may dala-dala ng librong binili nila.

Nakita ko pa silang pumasok sa toy store. Napaka isip bata talaga ng mga ito. Pagkalabas nila ay nagpipigil akong tumawa nang makitang bumili nga sila ng barbie. Tig-iisa pa nila ng pink na bonnet hat na may markang Barbie.

"Ano ba 'to? Date ba 'to ni Barbie at Ken?" Sabi ko sa sarili.


Lalo akong pinatay sa selos nang makita ko sila sa arcade. Sa lahat ng tao do'n sila ang nakita kong pinakamasaya, daig pa nila ang mga bata. Subrang bibo nila. Ilang bases silang napatalon-talon kapag nananalo sa mga nilalaro.

May lungkot, pero at the same time masaya ako para sa kanila Hiro at Rein. Ngayon ko lang kasi sila nakitang masaya. Bawat sigaw nila sa loob ng arcade ay may kasamang tawa at abot tenga ang mga ngiti.

Hanggang sa hindi ko na natiis ang sakit nang makita kong napatalon si Rein at agad niyang niyakap ng pagkahigpit si Hiro. Subrang saya nila dahil mataas ang score na nakuha nila sa basketball game.

Labis ko nang sinasaktan ang sarili ko sa mga bagay na nakikita ko. Hindi ko na kinaya. Kaya minabuti kong umalis nalang.



Ilang araw din akong hindi makatulog dahil do'n. Subra akong nasaktan sa bagay na ako lang din may gawa.

Ilang araw akong hindi pumasok sa klase. Hindi ko sinasagot ang mga tawag at message sa akin ni Rein at Hiro. Parang nawalan din ako ng gana lumabas. Nagmukmok lang ako sa loob ng kwarto.

Crazy Love | Heartful Academy 3Where stories live. Discover now